Pagdating namin ay agad kaming sinalubong ng caregiver na nag-aalaga kay Lola Esme. Nasa Funeral homes labi ni lola. Mamaya ay pupunta kami roon, aayusin lang muna namin ang mga gamit. “Pinalinis ko ang mga kwarto dito, Sir Rico.” Sabi ng caregiver ni Lola Esme. Bahagyang ngumiti sa kaniya ang lalaki. “Si Lola?” Alam kong hindi agad niya matanggap ang pagkamatay ni Lola Esme at hindi ako aalis sa tabi niya kami ng pamilya niya upang damayan siya. Si Tita Yell ay susunod raw ito sa amin may tinapos lamang sa organisasyon. “Nasa funeral homes, ang Lola Esme mo, Sir Rico. Mamaya ho ay pupunta tayo roon. Sa ngayon ay magpahinga na muna kayo alam kong pagod kayo sa biyahe.” Sagot nito kay Rico. “O sige, salamat.” Inalalayan niya ang asawa na si Bianca papasok ng ancestral house ni Lola

