Hazler's POV
Pagdating namin sa probinsya ni Rico ay bumungad sa akin ang tatlong palapag na mansyon ngunit gawa ito sa kahoy. Hindi ko mapigilan na mamangha sa ganda ng desinyo kahit medyo kalumaan na ito pero nangingibabaw parin ang ganda ng texture.
“Ikaw ba si Seraphim Emerald Apostle?” napahawak ako sa aking dibdib nang biglang may nagsalita sa likod ko. Hindi ko namalayan na dinala ako ng mga paa sa malaki nilang hardin na puno ng iba't-ibang klase ng bulaklak.
Tyansa ko ay galing pa itong ibang bansa. Kakaiba kasi. “Nagulat ba kita hija? Pasensya kana,” dagdag nito.
“O-opo, sino ho kayo?”
Ngumiti ito sa akin. “Ikaw pala ang babaeng iniibig ng apo ko. Magaling pumili ang apo ko manang-mana sa kaniyang yumaong ama.”Sagot nito, sinuri ko ito mula ulo hanggang paa. Puno ng kung anu-anong kwentas ang leeg nito, ambularya kaya ang matandang ito?
Sa kaniyang postora ay may lahi siyang espanyol. Kahit matanda lutaw parin ang ganda niya lalo na ang kaniyang mga mata. “excuse me po si Rico po ba ang tinutukoy mo lola?”
“Oo, siya nga hija. Ang apo ko sa tuhod. Kay ganda mong babae hija.”Tugon nito sa akin, nagpalinga-linga ako sa paligid. Maya-maya pa ay napaigtad ako nang may tumakbong kulay itim na aso papalapit sa gawi ko. Ang laki nito, mas malaki pa sa alaga kong aso sa maynila.
“Wag kang lumapit sa akin!” sigaw ko halos maihi na ako sa aking underwear ngunit tumigil ito sa aking harap at sinusuri niya ako tila ba nangingilatis ito sa akin.
“Bomer, wag mong takutin ang bisita natin,” biglang wika ng matanda at lumapit ito sa aso. Hinaplos niya ang balahibo nito.
“Wag kang mag-alalala hija hindi nangangagat ang aso kong iyan. Mabait iyan. Kinikilatis ka lang niya lalo na't ngayon ka lang niya nakita.”Dagdag ng matanda sa akin kaya't nakahinga ako nang maluwag.
Ilang sandali pa ay dinilian nito ang aking paa. Bahagya akong yumuko at sabay na hinaplos ang balahibo nito. “Bomer, ako si Sea. Wag mo akong kagatin ha?” anya ko pa habang patuloy na hinahaplos ang ulo nito.
“Goodboy!”
Dinilaan pa nito ang aking pisngi. “O siya, hija. Pumasok na tayo sa loob ng mansyon.” Aya ng matanda sa akin. Ngumiti ako, nauna siyang pumasok sa loob at nakasunod lamang ako nito.
“Lola Esme!” parang batang sigaw ni Rico.
Nagyakapan ang mag-lola. Ang cute nilang tignan, bigla ko tuloy naaalala ang lola Sonya ko na sampung taon ng namatay sa sakit nitong diabetes. Ganiyan rin kami ka close ng lola ko na iyon. Naalala ko ang mga araw na huli ko siyang kasama. Hindi ko mapigilan ang sarili kong maluha habang inaaalala ang huling sandali namin ni Lola bago ito pumanaw.
“Hija? Okay kalang?” baling ng matanda sa akin, agad kong pinunasan ang luha sa mga mata ko gamit ang aking palad. At pilit na ngumiti. “Opo, lola okay lang po ako. Naalala ko lang po ang yumao kong lola.” Sagot ko.
Nagulat ako nang yakapin niya ako. “Simula ngayon, isipin mo nalang na ako ang lola mo. At tsaka simula ngayon ay parte kana ng pamilya namin.” Wika nito sabay hagod sa likod ko.
“Salamat po, Lola Esme!"
“Walang anuman, hija. Ang mahal ng mga apo ko ay mahal ko na rin kaya't wag kang mahiya sa akin ha?” Aniy nito, kumalas ako ng pagkakayakap sa kaniya.
Bumaling ang tingin ni Lola Esme sa mga anak ko na nasa loob ng stroller habang mahimbing itong natutulog. “kay gagandang mga bata, anak mo ba ang mga iyan hija?” baling nito sa mga anak ko.
Nagulat ako sa biglang pag-akbay ni Rico sa balikat ko. “O-opo, lola Esme. Sila po ang quadruplets ko. Kapapapanganak ko lang po sa kanila no'ng isang linggo!” sagot ko.
“O siya, Rico apo. Ihatid mo ang nobya at ang mga anak nito sa magiging kwarto nila.” utos ni Lola Esme kay Rico, napakamot ng batok si Rico.
Maya-maya pa, sumulpot sa harapan namin si Glydel may bitbit itong manggang hilak habang pinapapak ito. “Diyos kong bata ka, aatakehin ako sayo sa puso e!” gulat na wika ng matanda sabay hawak sa bandang puso nito.
“Sorry po, Lola Esme! ” ngumunguya pa nitong tugon.
“Kahit kailan talagang bata ka, ang hilig mo talagang gulatin ako. Kailan kapa nakauwi?”
“Kasama ko ho umuwi ang apo ninyo, Lola Esme at saka iyong apo niyo ho na nobyo ko ay tinapos niya ang isang taong kontrata niya roon sa maynila. Sabi niya ay susunod raw siy sa amin rito.” umakbay pa si Glydel sa balikat ni Lola Esme, tila bang kaedad niya lang ito.
Di naman nagreklamo ang matanda. “Kailan ba kasal niyong dalawa? Baka kasi hindi umabot e!” anya nito, umalma agad si Rico.
“Wag ka namang magsalita ng ganyan, Lola! Aabot ka pa ng ilang dekada at makakasama mo pa ang mga apo mo.” Alma ni Rico sa matanda.
------
Lumipas ang ilang buwan ay unti-unti ko ng nakasayan ang buhay rito sa probinsiya. Simply ngunit masaya. Naghire ng yaya si Rico para sa mga anak ko. At ang laki ng pasasalamat ko sa ginawa niya, lalo na sa pagtanggap ng lola niya sa akin kahit hindi nila ako kadugo. Naging katuwang ko silang dalawa ni Glydel sa pagpapalalaki sa mga anak ko.
“Do you have a plan to go back in Manila?” tanong ni Rico habang nasa balkonahe kami. Nakatanaw lamang ako sa mga bituin na kumikislap sa kalangitan. Ang gaganda nila.
Humaplos ang malamig na simoy ng hangin sa akin. “Hindi ko pa alam, Rico. Hindi ko pa ata kaya na harapin ang mga taong nanakit sa akin,” sagot ko habang ang mga mata ay nasa mga bituin.
Malalim akong napabuntong-hininga. “Dito kalang, Sea. At tsaka gustong-gusto ka ni Lola Esme lalo na't napamahal na siya sa mga anak mo. Hindi papayag iyon na umalis kayo rito at magbalik sa Maynila.” Wika ni Rico.
Mas lalong lumamig ang simoy ng hangin sa mga sandaling ito. Hindi ako papayag na hindi ako makapaghiganti sa kanilang dalawa. Babalik rin ako ng maynila hindi upang balikan ang sakit kung hindi upang makapaghiganti sa aking asawa at ang aking ama sa pagtataksil nilang dalawa sa akin. Ipapa-anull ko rin ang kasal naming dalawa ni Hazler.
“Babalik ako ng Maynila upang maghiganti, Rico!” naikuyom ko ang aking kamao.
“Kung gano'n, ay sasamahan kitang bumalik sa maynila. Susuportahna kita sa plano mong iyan.” Asik pa ni Rico sa akin.
Lumipas ang buwan at taon, lumaki ang mga anak ko na walang kinilalang ama. Ayoko rin kasing ipaaako ni Rico ang responsibilidad na dapat si Hazler ang may gagawa. Hanggang sa sumapit ang ika-limang kaarawan ng mga anak ko at buhay parin si Lola Esme ngunit may sakit nga lang na iniinda—Rayuma ngunit ang lakas pa nito sa edad nitong nubentay uno anyos. Malapit narin ang kaarawan niya.
Simply lang ang ikalimang-kaarawan ng mga anak ko. Gusto sana ni Lola Esme na magpaparty para sa mga anak ko pero ayaw ng quadruplets ko. Gusto lamang nila na maligo sa paborito nilang beach resort rito sa Masbate at mag-explore. Seafoods rin ang hiniling ng mga anak ko na maging handa nila.
Kung anu-ano ang ginawa namin. Gumagawa kami ng sand castle. Naglalaro ng badminton at nagsea-diving. Kung anu-ano nalang. Kitang-kita ko sa mga mata ng mga anak ko ang saya. Minsan tinatanong ako ng anak kong si Hazmin kung nasan raw ang kanilang ama.
Sinasabi ko nalang na namatay na ang kanilang ama sa aksidente kahit hindi naman ito totoo. Nasasaktan kasi ako sa tuwing hinahanap nila ang kanilang ama, kaya't napilitan akong magsinungaling sa kanila.
Sampung taon ang nakalipas. Napagdesisyunan kong bumalik ng Maynila ng ako lang mag-isa. Upang muling ibalik ang dating ako. Iyong pagiging spoiled bratt ko.
Sumama si Rico sa akin sa Maynila. At naiwan sa probinsiya ang quadruplets ko kasama ang tita Glydel nila at si Lola Esme.
PAGLABAS ko ng eroplano, muling nanumbalik ang lahat-lahat. Masaya at masasakit na alaala. “Ang laki ng pinagbago ng Maynila, Sea. Hindi kasi ganito ito no'ng huli tayong umalis patungong Masbate. ”
“Pero para sa akin ay gano'n pa rin naman,” tugon ko kay Rico. Tinapik niya ang balikat ko.
Agad kaming nagbook ng taxi at naghanap ng condominium na maari naming tirhan pansamantala habang isinasagawa ang aking paghihiganti. Gusto ko iyong condo na malapit sa kumpanya namin—Realstate Inc.
“Are you ready for your sweet vengeance, Sea?” tanong ni Rico habang tinutulungan niya akong isinilid ang mga damit ko sa aparador.
“Oo naman,Ric. Kay tagal kong pinagplanuhan ito at ngayon sisiguraduhin kong luluhod silang dalawa sa akin.” Taas noo kong sagot.
“Sana naman, huwag ka ng magpadala pa sa mga kasinungalingan ng dati mong asawa na si Hazler. Wag kang magpapadala sa tukso ng lalaking iyon, isipin mo iyong ginawa niyang pagtataksil sayo no'n. Trenta'y tres anyos na ako sa susunod na buwan ngunit parang bente tres anyos palang ako.
i'll make them pay for what they did to me. Gagawin kong miserable ang buhay nilang dalawa—asawa at tatay ko na nagtaksil sa akin no'n. “I am here to support you always. At saka hindi ka nag-iisa sa paghihiganti mo. Pagbabayarin natin sila sa lahat-lahat,” Mariing wika ni Rico sa akin.
Pagkatapos kong iligpit ang mga gamit ko ay kumain kaming dalawa sa labas ni Rico ngunit hindi ko sinasadyang mabangga ang taong kinasusuklaman ko, si Daddy Louie. Nagulat siya nang makita ako. Bakas sa mga mata niya ang pangungulila sa akin.
“What a coincidence we've meet again, Daddy Louie!” taas kilay kong wika. At tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.
I smirked. “Anak, you're back! Ilang taon kitang hinahanap pero blinocked moko sa lahat ng socmed. Galit ka paba sa akin? Hope you forgive me sa kasalanan ko sayo!” maluha-luhang sagot ng bakla kong ama. Aakma na sana siya na yakapin ako pero umiwas ako sa kaniya. “Don't you dare touch me again, Daddy! Simula no'ng magtaksil kayong dalawa sa akin ng asawa ko ay tinuring na kitang patay. At hindi iyon magbabago. You are dead for me!” galit kong wika, napalingon sa amin ang ibang mga customer.
Mga tsimosa't-tsismoso!
“Wag kang ganyan sa akin, anak..i am your still father!” tanggi niya.
“wala akong ama na bakla!” bulong ko.
Agad itong nanlumo sa aking sinabi. “May mabuti bang kayang traydurin ang anak niya? ” dagdag ko pa. Mariin siyang napalunok ng laway.
“You are not my father. You are now a stranger to me. Just accept the fvcking consequence of what you did me!”
Bago pa ako sumabog sa galit ay hinila na ni Rico ang kamay ko palabas ng restaurant. “I'll make you pay everything!” habol ko pa.
“Anak ko, patawarin mo si daddy!”
Nakita ko siyang nanghina at napaupo sa sahig. I felt the guilt in his face. Nang makita ko ulit si daddy ay kusang bumalik ang araw na nahuli ko silang dalawa ni Hazler na magkatabi sa kama. Bumalik ang sakit na nararamdaman ko no'n.
Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha sa mga mata ko. “Nangayayat ang daddy mo, Sea! Ang laki ng pinagbago ng katawan niya..hindi kaya may sakit siya? Ang putla niya kasi..” wika ni Rico nang nasa loob na kami ng kotse. Napansin ko rin ang pangangayayat niya ngunit wala akong pakialam.
“Sampung taon ang nakalipas pero iyong sakit na idinulot nilang dalawa sa akin ay nandito pa rin!” mariing kong wika.
Niyakap lamang ako ni Rico bilang tugon. “Maghihilom rin ang sugat na iyan sa puso mo, Sea. Everything will gonna be okay!”
May namuong ideya sa isip ko kung paano ko ggaantihan ang daddy kong bakla. Aagawin ko sa kaniya si Hazler hindi upang bumalik sa buhay ko kung hindi paglaruan ang damdamin nito. Ipapadama ko kay daddy ang sakit na naramdaman ko non.
Umuwi ako ng condo na mabigat ang puso ko. Na para bang pasan nakadagan sa akin ang mundo. Sobrang bigat. Kinuhanan ako ng tubig ni Rico at agad ko naman itong tinanggap at ininom. “Vengeance is mine!”
They will face my sweetest vengeance!