Hazler's POV It's been 10 years simula no'ng nahuli niya kami ng Daddy Louie niya sa kama at tinapos niya ang koneksyon naming dalawa bilang mag-asawa. At hanggang ngayon ay hindi ko parin matunton ang kinaroroonan niya. Kung saan-saan na ako pumunta para hanapin siya at ang mga anak namin ngunit bigo ako. Wala na rin akong balita sa daddy niya, kasi no'ng mga panahon na iyon ay nakipaghiwalay narin ako sa daddy niya. Kasi mas pinili ko siya kaysa sa walong taon naming relasyon ni Louie. “Sea, where are you? Please magpakita kana sa akin! Parang awa mo na! Pinagsisihan ko na ang lahat. Kung nakipaghiwalay lang sana ako sa daddy niya bago ang kasal naming dalawa at sinabi sa kanya ang totoo, hindi sana siya lumayo kasama ang mga anak ko. Nagpabalik-balik ako sa bahay ni Glydel—ang bestfr

