Pinauwi si Alexis ng asawa niya sa Masbate at nakahinga narin ako nang maluwag dahil wala ng mangungulit at mangbwebwesit sa akin. At ang ipinadala na assasin ni Tita Yell ay siyang naghatid-sundo sa mga anak ko sa skwela kaya't medyo gumaan narin ang pakiramdam ko sa seguridad nila. Patuloy parin akong nag-oobserba sa ikinikilos ni Rico. At may nilagay na tracking device si Assasin Tin sa ilalim ng kotse niya at konektado ito sa selpon ko. Sa mga sandaling ito ay sinundan ko ang kotse niya. Nakita ko kasi siya na may kausap. Pasimply akong sumunod sa kaniya. Nakita ko siyang huminto sa may restaurant. At sumakay sa kaniya ang babaeng nakahoddie na itim. Di ko maaninag ang mukha nito dahil nakamask ito.. Huminto ito sa abandonadong gusali. May brief case na bitbit iyong babaeng kasama

