KINABUKASAN, bumalik ako sa mansyon kasama ang dalawang tauhan ni Tita Yell. Ngunit bago pa man kami makarating, nagkakagulo na ang mga tao sa buong village. Dumungaw ako sa bintana at tinanong ang isa sa kanila. “A-ano pong nangyari?” Natakpan niya ang bibig niya nang makita ako, dahilan upang lalo akong mabahala. Maya-maya, nagsalita rin siya. “Miss Apostle… iyong mansyon n’yo po, nasunog!” “Ano?!” tanging naibulalas ko. Kaya pala may dalawang fire truck kaming nakasalubong palabas ng village may nasusunog na pala, at ang mas masahol, ang mansyon pa namin. Nanggagalaiti ako sa galit nang maalala ko ang nakita ko kahapon. Nanginginig ang mga kamay ko habang papalapit kami. Sa di-kalayuan, tanaw na namin ang makapal na usok na nagmumula sa mansyon. Hindi ko napigilang tumulo ang luh

