Chapter Eight

1288 Words
Hanggang sa sumapit ang kasal naming dalawa ni Hazler ay hindi ko parin magets ang sinabi niya no'ng huli kaming nagkausap. At napansin ko rin ang pagiging mailap ni daddy kay Hazler na para bang umiiwas siya. Nauna na sa simbahan si daddy at ang iba pang bisita kasama ang bridesmaid. Nandon narin ang parents ni Hazler. Inayusan ako ng mga hinired ni daddy na make up artist at hair stylist. Nakatitig lamang ako sa harap ng salamin at napapasulyap sa wedding dress na nakahanger. At bigla kong naramdaman ang paggalaw ng quadruplets sa loob ng tiyan ko. “stay calm mga babies ko. Wag malikot.” Mahinang turan ko sabay himas ng aking tiyan. “Mas lalo kang gumanda, Miss Sea.” Usal ng isang bakla habang mini-make upan ako. Pilit akong ngumiti sa kaniya. “As always,” sagot ko pa. After almost 1hr na pag-aayos nila sa akin. Isinuot na nila ang wedding gown ko na kumikinang dahil made of diamonds ito. Sabi ni daddy ay nagkakahalaga daw ito ng one milyon dollars, gano'n kamahal ang wedding gown ko at t'saka ang mommy mismo ni Hazler ang pumili ng gown. Pinaluwas pa nila ang kanilang international gown designer mula italy para sa gown na ito. Pwede ko nga itong ibenta pagkatapos ng kasal ko e. Ibibigay ko sa charity na inisponsoran ko, ang Mcwell Hope Charity. Kasyang-kaysa ito sa akin. It really fits me kahit medyo malaki na ang tiyan ko. Plus size kasi ito. “ you are really gorgeous, Miss Sea. Sobrang perfect sa'yo kahit buntis ka. Very demure!” anya pa ng hairstylist ko nang iharap nila ako sa salamin. Maski ako ay hindi ko nakilala ang sarili ko. Mas lalong lumitaw ang lahing spanish ko. Pinarisan ito ng 7 inch edge heels na kulay white. Kumikinang rin ito sa diamonds na nakadesign sa bawat gilid nito. Pakiramdam ko tuloy ay para akong si Queen Elizabeth. Hindi rin kasi nagpakabog ang mga nagkikinangan kong earings at kwentas. Kapag ito naibento ko sa gaganaping auction next week ay paniguradong marami akong bata na matulungan lalo na ang mga batang nasa lansangan. Di kasi ako maluho at mahilig sa mga alahas. Tanging relo lang ang isinuot ko. Marami naman akong alahas na niregalo pa ng parents ko tuwing may birthday ako pero di ko ginagalaw ang mga ito. Ang iilan sa mga ito ay nasa auction na at naibigay ko na sa Mcwell Hope. Di alam ni daddy ang pinanggagawa ko sa mga alahas na regalo nila ni mommy sa akin. Lakwatsera nga ako at kung saan napupunta pero my biggest priority ay iyong mga charity na inisponsoran ko financially. Sabi nga nila spoiled bratt raw ako. Totoo naman kasi iyon. I buy everything i want pero lahat ng iyon ay para sa mga bata na nasa charity at sa mga batang lansangan. May hinired rin akong sampung teachers na nagtuturo sa mga bata sa pagbabasa at pagsusulat. Bali ginawa ko ito ng di alam ng parents ko. Inakay nila ako papasok sa loob ng limousine. Kumaway-kaway pa sa akin ang mga bakla nang paandarin ng driver ko ito patungo sa simbahan. Nasa ibang dimensyon ang utak ko. Hanggang sa hindi ko nalamayan na nasa tapat na pala ako ng simbahan. Pinagbuksan ako ng pinto ng driver at maingat na inakay palabas ng sasakyan. “Sobrang ganda mo, Miss Sea!” Ngumiti ako sa kaniya. “Thank you!” Ilang sandali pa lumabas si daddy mula sa loob ng simbahan. Ang gwapo ni daddy sa suot niyang tuxedo, bumagay sa gupit niya ito. “Sea, anak! You are undeniably gorgeous like your mom no'ng ikasal kaming dalawa no'n. Kuhang-kuha mo talaga ang bawat anggulo ng mukha ng mommy mo pati ang pangangatawan.” sambit nito sa akin at bumeso sa akin. “You too dad. Ang gwapo mo rin sa suit mo. It really fits your new haircut. Ang gwapo!” “Syempre, maiinlove ba sa akin ang mommy mo kung di ako ganito kagwapo.” Nakangiti niyang sagot sa akin . Medyo naibsan ang kaba na nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Isinukbit ko ang aking kamay sa braso ni daddy at ilang sandali pa ay tumunog ang malaking kampana ng simbahan hudyat na magsisimula na ang kasal kasabay no'n ang pagbukas ng malaking pinto ng simbahan. Bumungad sa akin ang samu't-saring bisita na ang iilan sa mga ito ay business partners ni daddy sa negosyo. Tanaw ko rin ang bestfriend kong si Glydel na panay punas sa mga mata niya. Naging emosyonal na naman siya. Di ko rin maiwasang mapaiyak sa naging desisyon kong ito. Di ko akalain na ikakasal na ako sa lalaking hindi ko mahal. At sa ama ng quadruplets ko. At syempre para maging tulay sa imbistigasyon ko kay daddy at kay Hazler kung talaga bang tama ang mga hinala ko sa kanilang dalawa. Na may ugnayan silang dalawa sa isa't-isa. Di mapakali si Hazler na nasa harap ng altar habang hinihintay ako. Di rin siya makatingin sa akin ng deretso na para bang iniiwasan niya ako. Malalaman ko rin ang sekretong tinatago mo, Hazler. Ngumiti sa akin ang mga bisita, may iilan sa mga ito ay hawak ang kani-kanilang camera habang nakatutok sa pagmartsa ko patungo sa altar. Pilit akong ngumiti sa kanila. Nakita ko ang kapatid ni Hazler. Ang laki ng ngiti nito sa akin. Isa siya sa mga flower girl, may bitbit pa itong maliit na basket na pinalilibutan ng mga bulaklak ang bawat gilid. “Ate Sea you're so pretty talaga!” asik nito sa akin. Bumeso ako sa mommy't daddy ni Hazler. “Our Sea is really beautiful.” sabi pa nito sa akin. “You too, Tita.” “Don't call me tita, starting now you should me mommy okay?” Turan nito sa akin, pilit akong ngumiti. Ipinasa ako kay Hazler. “Wag mo kaming bibiguin anak ha?” rinig kong sabi ng mommy niya. Matipid itong tumango. Bakit parang kinabahan ako ro'n a? Hanggang sa nagsimula na magwali ang pari. at nagpalitan narin kami ng wedding vows at I do's. “I 'll pronouced you, husband and wife. You may now kiss your bride!” anunsyo ng pari. Itinaas na ni Hazler ang aking belo. Bumuntong-hininga siya at sabay na hinalikan ang aking labi. Seconds lang talaga. Nagsigawan at palakpakan ang mga tao. Fast Forward---- Narito na kami sa reception. Kung anu-ano ang pinagawa sa amin ng mommy ni Hazler lalo na ang mga tao. Tahimik lamang si daddy sa gilid habang umiinom ng wine. I felt the pain in his eyes habang nakatingin sa aming dalawa ni Hazler. “Sorry dad!” bulong ko sa aking sarili. Kukuha na sana ako ng wine ng biglang natisod ang isa kong paa kaya't na-out balance ako pero mabilis akong nasalo ng isang binata—di ko siya kilala. Ngayon ko lang siya nakita. May resemblance siya kay Hazler hindi kaya kapatid niya ito o di kaya kakambal? “Catch you, Miss!” anya nito. Bakit ganito ang puso ko? Naging abnormal, ang bilis ng t***k ng puso ko. Maya't-maya pa ay may biglang humatak sa braso ko—it was Hazler. Malamig at nakakunot ang kaniyang noo. Kahit kailan talaga panira siya ng moment e. “Do'n mo pa naisipang lumandi? Sa harap ng parents at ng mga bisita natin. Di kana nahiya!” Mabilis na dumapo ang palad ko sa pisngi niya. “Ang kapal ng mukha mo na sabihan akong malandi ha! Sino kaba ha? You are just my fvcking husband kuno. At t'saka don't you ever say it again or else---” Bigla niya nalang sinunggaban ang labi ko kaya't napatulala ako. Namimihasa na talaga siya! Wait? Nagseselos ba siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD