CHAPTER SEVEN

1124 Words
Nang makauwi ako ay hindi parin nakauwi si daddy. Nakakapanibago talaga siya. Di naman niya gawaing hindi umuwi lalo na't hindi ako nachecheck kung saan ako naglalakwatsa pero ngayon parang wala na siyang pakialam sa akin. Bigla nalang siyang nagbago. Napabuntong-hininga ako habang paakyat ng hagdan patungo sa ikalawang palapag. Maya't-maya pa ay may bumusina sa labas ng gate. Kilalang-kilala ko, walang iba kundi umuwi narin sa wakas si daddy. Napataas na lamang ang isa kong kilay. Lumabas ang isa sa mga kasambahay namin upang pagbuksan siya ng gate. “What the fvck!” tanging naibulong ko sa aking sarili nang makita ng dalawa kong mga mata kung paano hagkan ni daddy ang pisngi ni Hazler. Oo kasama niya si Hazler pauwi. “Something fishy!” dagdag ko pa at nagpatuloy sa paglakad paakyat ng hagdan. Napapailing at mapait na napangiwi. At biglang sumagi sa isip ko ang inarrange na kasal ni daddy sa aming dalawa ni Hazler. Paano kung iyon ang magiging tulay para mapadali ang pag-iimbestiga ko sa daddy ko? Nangangati akong malaman kung ano ang sekreto na tinatago ni daddy sa akin at ng ama ng quadruplets ko. “Sige magpapakasal ako.” Aniya ko at sabay na napaupo sa sopa. Naiimagine ko pa ngalang ang pagdududa ko sa tatay ko ay nandidiri na ako. Paano na lang kung maaktuhan ko silang dalawa? Months passed, palaki ng palaki ang aking tiyan at hindi ko na ito maitago pa sa publiko lalo na't sa unibersidad. Tulad ng sinabi ko no'n, walang sinuman ang magtatangka na ibully ako dahil sa takot na mawala isang iglap ang mga pangarap nila. Ilang araw nalang ay nakatakda na ang kasal naming dalawa ni Hazler. --- Before it happened. Nang umuwi si dad sa mansyon kasama si Hazler ay kinausap ko ng masinsinan si daddy ukol sa kasal. At nang pumayag ako sa kasal na sinet up niya para sa aming dalawa ni Hazler ay kitang-kita ko sa mga mata niya ang gulat tila nagbago ang plano niya. Nababakas ko sa mga mata niya ang takot. “P-pumapayag ka ng maikasal kay Hazler, anak?” Mapait akong ngumisi at sabay na sumulyap sa kinaroroonan ni Hazler. Nakatungo lamang ito. “Y-yes, dad. Napag-isip isip ko kasi na para din ito sa mga anak ko. At iniinisip niyo lang po ang kapakanan ng mga anak ko. Kaya pumapayag na akong maikasal sa kaniya kahit hindi ko siya mahal. ” taas noo kong sagot sa kaniya, napalunok siya ng laway. “Dad? Is there something bothering you? Bakit parang ayaw mo ata akong maikasal sa ama ng mga anak ko? Hindi ba't kagustuhan mo ito? At para sa reputasyon ng pamilya natin?” Hindi agad nakapagsalita si daddy. “That is not what i mean anak. I was just surprise, hindi ko lang inexpect na mapapayag kita. So happy for both of you, Sea. Of course sayo rin, Hazler. Mag-eemail ako mamaya sa parents mo, hijo na ang kasal nyong dalawa ng anak ko ay matutuloy..” bawat bigkas ni daddy sa mga binitawan niyang salita ay damang-dama ko ang bigat at lungkot. Sinulyapan ko si Hazler na tahimik lamang na nakaupo habang nakatungo at hindi makatingin sa akin ng deretso. “i'll remind you, i did this para sa mga anak ko. Ayokong umasa ka sa akin dahil kahit kailan ay hindi magiging iyo ang puso ko.” sambit ko pa at umalis. ------- Ilang beses ng may nangyari sa aming dalawa ni Hazler pero hanggang doon lamang iyon. “Excited ka naba sa kasal niyong dalawa ni Hazler, Sea?” biglang sumulpot at umupo sa tabi ko ang aking bestfriend—si Glydel. “May choice ba ako?” pilosopo kong sagot sa kaniya na ikinataas ng kilay niya. “Oy, naiinlove kana ba sa kaniya? Sabagay hindi naman pangit si Hazler e. He's one of a kind. Kahit nerdy siya, sobrang hottie niya parin. Kahit naman siguro ako ay maiinlove sa kaniya.” Kahit kailan talaga, ang landi ng babaeta na ito. Kung alam mo lang ang rason ko kung bakit ako pumayag na maikasal sa lalaking iyon. Mapait akong ngumisi at sabay na humigop ng milkshake. “Of course not. I'm not inlove with him. I did this for the sake of my children hindi sa punyetang pag-ibig na iyan.” Sagot ko. Nginisian lang niya ako. “Denial kapa, i felt it. You already inlove with him kaya. Wag ako, Sea. Dahil alam ko kung kailan ka nagsisinungaling at hindi.” Sige lang, Gly. “Tsss..” Sabay na tumayo. Agad kong isinukbit ang bag ko sa aking beywang at umalis. I walkout again. Nabwebwesit kasi ako sa mga pinagsasabi ng bestfriend kong iyon. “na naman, nag-walkout na naman siya!” rinig ko pang sabi niya. Ibinulsa ko ang aking isang kamay habang naglalakad sa hallway papunta sa last subject namin kay Misis Alisson. Nakasunod lamang si Glydel sa akin habang tinatawag ang pangalan ko. Ngunit hindi ko siya nilingon, nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may nabangga ako—ang tigas. Napakahawak ako sa aking noo at dahan-dahang inangat ang tingin ko. Si Hazler Maraming pasa ang mukha niya. Napagtripan ata siya ng grupo ni Lexus. “What happened to your face?!” mabilis na sambit ni Glydel. Nagtama ang paningin naming dalawa ngunit mabilis akong umiwas. “It just a scatch. Wag mo ng pansinin.” Malamig na sagot nito kay Glydel. “B-but it's not a scratch, look at your f---” hindi na naituloy ni Glydel ang kaniyang sasabihin nang biglang dumating ang boyfriend niya at sinuntok sa mukha si Hazler. Nakita kong dumugo ang ilong ni Hazler pero pinahid niya lang ito. Bigla nalang niya akong hinatak paalis. “Let go!” “I know, you did it for a purpose.” malamig na sambit niya at patuloy akong hinahatak patungo sa likod ng unibersidad. “Sabing bitaw e!” He did, kaya't nawalan ako ng balanse ngunit mabilis niya akong nasalo. Our eyes met again, kitang-kita ko sa mga mata niya ang lungkot at sakit. “Anong plano mo at pumayag ka na maikasal sa akin?” Binitawan niya ako. “Ha?!” Nahalata niya ba ako? Wag naman sana. “Ano ba iyang pinagsasabi mo?! Daig mo pa nakahithit ng droga e!” sagot ko pa ngunit laking gulat ko nang bigla niya nalang dakmain ang nguso ko at inilapit sa mukha niya. Mariin akong napalunok ng laway. He gently kissed me. Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko, pakiramdam ko huminto ang oras sa mga sandaling ito. “You will regret your fvcking nonsense reason, Sea. Sambit niya nang bitawan niya labi ko at umalis. Naiwan akong nakatulala at pilit na ina-annalyze ang sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD