Sea’s POV
Kinabukasan, nagising ako sa sobrang sakit ng ulo. Pilit akong bumangon ngunit iba ang nakapa ko—matigas.
“Gusto mo pa talagang makaisa sa akin, ha? Pinagtritripan mo na naman ang alaga ko. Sige ka, baka mas lalo pa itong magalit at tuklawin kita bigla,” napabangon ako nang marinig ang pamilyar na boses si Hazler.
Mabilis kong tinakpan ang sarili ko gamit ang kumot. “Letse ka! Ano’ng ginawa mo sa akin?” inis kong tanong, ngunit ngumisi lamang siya.
Walangya talaga. Kaya pala pamilyar ang boses at amoy ng pabango kagabi siya nga. Sinundan niya kaya ako? Jusmiyo, ilang beses nang may nangyari sa amin at naulit na naman.
“I just satisfied you kagabi. Uhaw na uhaw ka kasi, parang nabitin ka sa ginawa natin sa banyo mo nang dumating ang daddy mo. Tama ba ako?”
Nang-iinis ba siya? Pinaalala pa talaga iyon. “Shut up at umalis ka sa harapan ko, manyakis!” sigaw ko.
Ngunit hindi siya nakinig. Inistretch niya ang kamay niya, ngunit bago pa man niya mahawakan ang balikat ko, sinalubong ko siya ng malakas na suntok sa mukha at tinuhudan ang alaga niya.
“Aaaaaaah!” daing niya habang namimilipit sa sakit.
Buti nga sa kaniya. Isa-isa kong pinulot ang mga saplot na nagkalat sa sahig at mabilis na sinuot. Pagkatapos ay lumabas ako ng kwarto. Wala sa sarili akong tumakbo pababa ng hotel. Gusto kong makalayo sa lalaking iyon.
Ginagamit niya ang kahinaan ko. Hindi maaari ito. Pinagtitinginan ako ng mga tao dahil sa hitsura ko. Doon ko lang napagtanto na wala pala akong saplot sa paa. Walangya talaga!
Para akong baboy-ramo na hinabol ng tigre. May ilan pang kumukuha ng litrato. Todo ang pag-iwas ko sa mga camera. Baka kasi pagpiyestahan ako sa social media kung may mag-upload.
Dali-dali akong pumara ng taxi. Mabuti na lang at may dumaan. “Kasalanan mo talaga ito, Hazler!” bulong ko sa sarili habang hinahabol ang paghinga.
“Manong, sa La Senorita Village po,” wika ko sa driver. Ang lagkit ng titig niya nang makapasok ako. Para bang hinuhubaran niya ako sa tingin. Subukan lang niya, maaga siyang makakasama ni Satanas sa Impiyerno.
Pagkaraan ng bente minutos, nakarating ako sa mansyon. Basta na lang akong dumukot ng pera at inabot sa matandang driver. Kaagad akong nag-doorbell. Maya-maya, binuksan ni Manang Sonya isa sa mga kasambahay namin.
Nagulat siya nang makita ako pawisan, wala sa sarili. Luminga-linga pa siya, iniisip na may humahabol sa akin. “Okay ka lang, Ma’am?” tanong niya.
Matipid akong tumango at dali-daling pumasok. “Nakauwi na ba si Daddy?” tanong ko. Umalis kasi siya kagabi at hindi ko alam kung saan.
Umiling siya. “Sige, salamat, Manang. Pakihanda ang bathtub, maliligo ako,” utos ko.
Dumiretso ako sa kusina. Pakiramdam ko matutuyo na ang lalamunan ko. Halos kalahati ng pitchel ng malamig na tubig ang naubos ko.
Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakaubos ng gano’n karaming tubig. Gano’n ba talaga ang epekto ng nangyari kanina? Hays.
Napaupo ako sa sofa, ubos ang enerhiya. Pagod na pagod, naghahabol ng hininga.
Pagkalipas ng kinse minutos, bumaba si Manang. “Ma’am, nakahanda na po ang pagligo ninyo.”
“Oo, sandali lang. Magpapahinga muna ako,” sagot ko.
Bumalik siya sa paglilinis ng mga pigurin ni Daddy. Nang masiguro kong okay na ako, umakyat ako sa kwarto at dumiretso sa banyo.
Para akong bata na pumasok sa bathtub. Mariin kong ipinikit ang mga mata. Sumagi sa isip ko ang nangyari kanina. “Forget about it, Sea!” saway ko sa sarili.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa loob ng bathtub. Alas nuebe y medya na nang magising ako. Nakalimutan kong may pasok pa pala ako.
Hindi na ako makakahabol sa unang subject. Dali-dali akong umahon, naglinis ng sarili, nagbihis, at sumakay sa kotse.
Habang nasa daan, napatigil ako nang makita ang plate number ng kotse ni Daddy. “Kotse iyon ni Dad, ah?” bulong ko. Pauwi siya, samantalang ako patungo sa unibersidad. Mas lalo akong kinain ng kuryosidad kung saan siya nagpunta kagabi. Hindi niya gawain ang umalis nang hindi nagpapaalam. Pero simula nang makilala niya si Hazler, nagbago siya bigla.
Dumating ako sa unibersidad na lutang. Hindi ko napansin ang paparating kong kaibigan. Bigla niya akong kinuyog. “Oy, tulala ka na naman! Bakit ngayon ka lang? Alam mo bang hinahanap ka ni Hazler?”
Ang lalaking iyon ang dahilan kung bakit ako ganito. Daig ko pa ang minumulto.
“Ano bang nangyari sa’yo, Sea? Wala ka sa sarili mo,” tanong ng kaibigan ko.
“Okay ka lang ba? Dadalhin na ba kita sa kaibigan ni Mommy na psychiatrist? Para ka kasing nakahithit ng droga—lutang at hindi makausap ng maayos.”
Bakas sa mga mata ng bestfriend ko ang sobrang pag-aalala. “O-okay lang. I’m just tired,” sagot ko.
Ngayon ko lang napagtanto na hindi pa pala ako nag-breakfast. Kung hindi lang tumunog ang tiyan ko, baka naging lunch na iyon.
May bente minutos pa bago magsimula ang ikalawang subject namin kay Professor Maia. Kaya’t dumiretso kami sa cafeteria. Itlog at sandwich lang ang inorder ko. Nakatingin lang sa akin ang kaibigan ko, nakapoker face.
“Hindi ka ba kakain? Baka matunaw ako sa kakatingin mo,” reklamo ko.
“I’m just concerned, okay? Ang laki ng pinagbago mo simula nang mabuntis ka ni Hazler. Para kang may sariling mundo. Palagi kang lutang. Okay ka lang ba talaga?”
Napairap ako. “Oo naman, okay lang ako. These past few days sobrang pagod lang talaga.” Ayokong sabihin ang pagdududa ko. Wala pa akong sapat na ebidensya na may ugnayan si Hazler at si Daddy.
Sumagi sa isip ko ang kasal. Hindi kaya kapag pumayag akong magpakasal kay Hazler, makukumpirma kong may ugnayan sila ni Daddy? Haysst.
Ang sakit ng ulo sa kakaisip. Hindi ko maimagine kung totoo man ang hinala ko. Kung ang tanging paraan ay ang pagpapakasal kay Hazler, baka oras na para ibaba ko ang pride ko at sundin ang nais ni Daddy. Sa gano’n, titira kaming tatlo sa iisang bahay. Hindi na ako mahihirapan pa.
Bahala na.
Palaki nang palaki ang tiyan ko. Nararamdaman ko na rin ang paggalaw ng mga anak ko. Walangya, nakalimutan kong buntis pala ako at mahigpit na ipinagbabawal ng doktor ang alak. Pero uminom ako kagabi. Nakonsensya ako bigla sa mga inosenteng anghel sa sinapupunan ko.
Wala talaga akong kwentang ina. “Sorry, mga anak ko,” bulong ko habang hinahaplos ang tiyan.
Hindi ko namalayang tumulo ang luha. Sobra akong nakonsensya. Isang bote pa naman ng tequila ang nainom ko kagabi.
“Why are you crying? May nasabi ba akong mali?” tanong ng bestfriend ko, alalang-alala.
Dinukot niya ang panyo sa bag at iniabot sa akin. “Sorry, mga anak. Kung sarili ko lang ang iniisip ko. Di ko man lang kayo naisip. Patawarin niyo ako kung nadala ako sa emosyon kagabi.”
Humihikbi ako. “Ano’ng nangyari sa’yo? Kanina tulala ka, ngayon umiiyak ka. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa’yo, Sea!”
Pinunasan ko ang luha gamit ang panyo, ngunit patuloy pa rin itong umaagos.