MY BLIND WIFE
CHAPTER ONE
“Anak, ito ang babaeng pakakasalan mo. Si yanna, maganda s'ya anak diba?” ngiti na turan ng ama ko.
Napatingin naman ako sa babaeng nasa harapan ko na nakikinig lang. Hindi nagsasalita sa usapan palagi lang kuyom ng bibig. Tsk! Iyan mapapangasawa ko? Isang bulag? Wtf!
“Why is she pa? She's blind.” inis ko.
“Hoy, huwag kang magsalita ng ganyan. Mabait iyan si yanna.”
“Auh Mr. Carcius kailan po ba gaganapin ang kasal nila?” wika ng ina ng babaeng bulag.
Napangisi si papa.“Bukas nalang, kailangan niyo naman siguro ang pera sa pag-lalakas ng mineral water dito sa bansa natin.”
Kaya ayaw ko magkaroon ng pamilya na business kasi may mga kontrata talagang pinipirmahan kapag ka kailangan ng tulong. Minsan nga din may time na nilalaan talaga ang buhay para lang sa kompanya. I hate this.
“Agad-agad? Masyado pang maaga para maikasal ako sa ganyang klaseng babae.”
“Rivor Zion, puwede ba tumahimik ka diyan. Kailangan nila ng tulong natin kaya huwag kang maarte.” inis na sabi naman ni mama.
“Tita, paano po e hindi ako makakita? Baka madapa ako kapag lumalakad sa ailes.” biglang sulpot niya.
“Don't worry yanna, si Zion ang bahala sayo.” ngiting wika ni mama.
Mas lalo pa akong naiinis, binigyan ako ng trabaho ni mama. Itong pagsilbihan ko nalang na bulag.
Ngumiti s'ya at tumayo na kasabay ng kaniyang ina na ngayon ay nagpapasalamat sa amin.
“I-text ko nalang kayo if ready na ang kasal ha? See you yanna.”
Nauna na kaming lumabas at pumasok agad ako sa kotse habang sina mama at papa naman ay may binili sa grocery store. Napatingin ako sa bintana ng kotse dahil sa yanna na ito. Tinitigan ko lang s'ya lumakad habang inalalayan ng ina niya.
Nagulat ako ng sumulpot si papa sa aking unahan kaya agad akong natamimi.
“Bakit ba?”
“Oh iyan na pinabibili mong chocolate.” aniya at sumakay na ng kotse.
Pinaharurot agad iyon ni papa patungo sa bahay namin. Bale ako lang iyong bumaba dahil pupunta pa sila sa reserving area na kong saan gaganapin ang kasal ko sa babaeng bulag na hindi ko naman gusto.
“Good morning sir.” bungad ng apat na yaya dito.
Hindi ko nalang sila pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad paitaas. Nasa second floor ang kwarto ko, ayaw ko sa una madali lang kasi manakawan e kidding.
Nang makapasok ako sa kwarto sinandal ko ang aking ulo sa swivel chair at pinaikot ito ng ilang segundo.
“Pasok.” saad ko ng may kumatok.
“Here po sir iyong pagkain for lunch time.”
“Thank you, paki lapag nalang diyan sa lamesa.” saad ko na sinunod naman niya agad.
Actually, tamad ako sa mga gawaing bahay lalo na iyong maghuhugas ng plato kaya hindi ko maiwasang hindi kumain rito ako kasi papahugasin ni mama e. May apat ngang yaya wala namang mga silbi tsk.
Ma attitude akong tao sa maliit na bagay lang kaya dapat hindi mo o niyo ako malamangan takot ako doon. Paano pa kaya kapag naasawa ko na iyong bulag na babaeng iyon tapos ano? Ako magluluto ng makakain namin? Tsk, nakakatamad na talaga for sure.
Natapos ko ng kainin ang lahat ng iyon, lumabas ako upang ilagay sa lababo ang mga pinggan bago ulit umakyat sa itaas. Gusto ko na talaga matulog ngunit ayaw naman mapikit itong mata kong singkit daig pa iyong china.
“Hello ma?”
“I-ready muna lahat ng gamit mo ok? Dahil may binili na'kong bahay ninyo ni yanna.”
“What? Bakit ang dali naman non ma?”
“Basta, huwag kanang maarte. Saka bukas dapat maaga ka magising para sunduin si yanna sa may salon.” aniya.
Napaigtad naman ako.“Oo na, kainis naman.”
Pinatay ni mama iyong tawag. At ako namang gago nilagay lahat ng damit sa maleta para daw mag-iisang bubong na kami ng yannang iyon. Taenang buhay talaga, bakit pati ako nadadamay sa ganitong business?
Tatlo kaming magkakapatid, si ate nasa Thailand nagtatrabaho bilang surgeon tapos si kuya naman sa mindanao—sila ng asawa at anak niya habang ako naman dito sa bahay na malaki.
4th year college na'ko at isang architecture sa De La Salle University. Ito ang nakuha kong course kasi marunong ako gumuhit ng mga bahay, artifacts, incredible drawing at iba pa. Nakagigiliwan ko na ito since bata pa ako saka marami sa obra ko iyong binili na para ipatayo. Malaki din kasi makikita ko sa ganitong pag-tatrabaho.
So, I'm Rivor Zion Carcius—Montello a 4th year college. Your architecture husband.