CHAPTER FORTY YANNA'S POV NGAYONG araw ay pinaghandaan ko dahil pupunta kami ni Zion sa hospital upang magpacheck up kong buntis nga ba ako. Dahil ilang araw na'kong hindi dinadatnan kaya nagbabakasaling mayroong laman ang tiyan ko. Kakatapos ko lang din naligo, pinaliguan ako ni Zion kanina ng alas siyes pero ngayon wala akong alam kong anong oras na nga ba. “Tara na.” biglang salita sa likod ko kaya tumayo ako. Naramdaman ko biglang hinawakan niya ang kamay ko at dali-daling lumabas sakay ng motorcycle niya. Kaya s'ya nagmamadali dahil may pupuntahan itong lakad hindi ko alam kong ano iyon, hindi kasi ako chismosa. Nang marating namin ang hospital, inalalayan na naman niya akong maglakad patungo sa loob nito. Sobrang nagpapasalamat ako sa kaniya kasi kahit paano ginagawa niya pari

