CHAPTER THIRTY SIX RIVOR ZION'S POV “Gusto mo bang kumain ulit?” tanong ko dahil umaga na. “Huwag na, busog pa ako.” “Hindi ka busog. Hindi ka kumain kagabi, ito may ginawa akong pancake.” wika ko saka sinubuan s'ya. “Ayoko.” “Isa? Makakatikim ka sa'kin.” inis ko kaya wala itong nagawa kundi ang kainin nalang iyon. Kagabi pa s'yang walang tulog dahil sa balita na nawawala talaga ang magulang niya. Hindi pa nakakatawag ang mga pulis about sa pagkidnap sa kanila. Dapat makita na, para itong babae na ito babalik nasa saya. “Wait lang....tatawagan ko si mama.” saad ko saka kinuha ang selpon.“Hello ma?” “Oh yes anak? May balita naba sa magulang ni Yanna? Nawawala daw kasi e.” Huminga ako ng malalim at nagtungo sa veranda.“Wala pa nga....nag-iimbestiga pa ngayon ang mga pulis, nakakalu

