Chapter 2

1191 Words
KARI's POV   "Hoy beshy, kanina ka pa diyan lutang ah, problema mo?" tanong ni Ann. Kasalukuyan kasi kaming naglalakad patungo sa terminal ng jeep. ‎ ‎ "Beshy, si Ms. Flynn"   "Oh, ano si Ms. Flynn? Maganda?Crushmo? " sunod-sunod na tanong nito. Simula’t simula pa naman ay alam nito ang pagiging bisexual ko... at kahit minsan ay hindi ako hinusgahan nito... tanggap niya kung ano ako. "Tsk! Hindi Beshy, I mean oo maganda siya, perohindi iyon ang ibig kong sabihin." wait... naisingit ko pa talaga ‘yung maganda? Sinang-ayunan ko pa?   "Eh ano nga ‘yun? Jusko pabitin pa sa chika." "Siya si bakulaw!" sagot ko dito. Napahinto ito sa paglalakad."What?! Beshy, you mean siya ‘yun inaway-away mo kanina sa cafeteria?" Napatango na lamang ako dito. "OMG! Yari ka Beshy!" pananakot nito.   "Beshy naman, eh, kinakabahan na nga ako baka mamukhaan ako at pag-initan, mananakot ka pa d’yan."   "Well, Beshy, hindi kasi malayong mangyari ‘yun. Nakitamo ba ‘yung reaction niya kanina habang in-introduce siya... poker face Beshy!"sabi nito. "Hindi ko nakita Beshy kasi nga yumukoako eh.... pero talaga? Mukhang strict?" tanong ko dito. "Hindi naman strict, pero parang mahirap i-please? Saka parang wala siyang emosyon. Alam mo ‘yun parang napaka-cold niyang tao" dagdag pa nito. "Hala ka,Beshy, dami mo agad comment, sasaglit lang natin nakita eh." "Che! Tatanong- tanong ka diyan, eh... Oh,siya ayan na sasakyan ko,Beshy, good luck tom. Bye!" at tatawa-tawang sumakay na ito ng jeep.   Tignan mo itong taong ito, nakakaloko talaga. Seryoso, BFF ko ba ‘to? Nagpatuloy ako sa paglalakad dahil sa kabilang side naman natigil ang mga jeep na sasakyan ko, kailangan ko pang tumawid. Dala ng sobrang pag-iisip ay hindi ko na namalayan na naka-green light na pala ay tumawid pa rin ako. Beeeep!!!!! Paglingon ko ay isang sasakyan ang papalapit. Napapikit na lamang ako sagitna n0g daan. Jusko po, katapusan ko naba?? Ikaw na po bahala sa pamilya ko! Pero ilang Segundo na ang nakalipas ay nanatili pa rin akong nakatayo.... at buhay! "Miss! Ano ba magpapakamatay ka ba!?"sigaw ng babae na nasa loob ng sasakyan. . Gosh…Nakakahiya ka Kari. Unti-unti akong humarap dito. Parehas pa kaming nagulat ng mapag sino namin ang isat isa. Speaking of bakulaw!   "Bak, ikaw?"   "Tsk! Stupid! Magpapakamaty ka ba ha?" sabi nito sabay smirk. "Baka gusto mo ng tumabi na at agaw-eksena ka na”   Aba't talaga naman, siya kaya ang may kasalanan bakit lutang ang pag-iisip ko ngayon.   Inirapan ko nalang ito at tuluyan tumawid sa kabilang kalsada. Beep! Beep! Napalingon ako sa sasakyang pumarada. Nak ng! Siya na naman! Problema nito? Nagbaba ito ng window sa passenger’s side. "Pssst!"   Hindi ko ito pinansin... tama bang sutsutanako?   "Hey!" tawagulit. nito.   Hindi ko pa rin pinansin, kailan pa naging "Hey" ang pangalan ko.   Teka, hindi naman nga pala niya ako kilala... Humarap ako dito... "Halika na, sabay ka nasa akin, doon din naman ang daan ko. Mahirap na mukhang may problema ka sa mga traffic signs, eh," Natatawa pang sabi nito . Napa-cross arm ako sa harap nito."Thank you na lang, may pamasahe naman ako...and besides, isasabay mo ko ngi hindi mo nga ako kilala"   "Tsk! Sinabi ko bang wala?Ang sabi ko lang sumabay ka na at baka tatanga-tanga ka na naman." Nailing na sabi nito . "Hindi ako tanga okay? Nagkataon lang na may iniisip ako kanina"sagot ko dito. "Seriously? Habang tumatawid? Stupid talaga, ano sasabay ka ba o sasabay ka?” natatawang tanong nito.   "Hindi ako sasabay sa iyo okay”   "Okay fine! Ikaw bahala, See you tomorrow at the office" sabi nito sabay kindat at sinarana ‘yung bintana sabay paharurot ng sasakyan.   Hala! Alam niyang sa kanya ako nagtatrabaho? Naku po, yari na talaga ako nito! Tsk!   ******* FLYNN's POV   "Hon, I promise tomorrow pupuntahan kita okay, not now. Pagod ako sa office then I have to go pa sa coffee shop" sabi ko sa babaeng nasa kabilang linya. Si Stef, girlfriend ko for 3 years. Actually, she' s my best friend turned lover. Straight naman ako before, pero wala eh, hindi ko napigilan at ganun din naman siya. By the way,  Im Flynn Avery San Diego. 25 yrs.old, bunso at ang kaisa-isang anak na babae ng isa sa mga business tycoon ng bansa, Si Armando San Diego. May- ari ako ng isang coffee shop sa BGC, pero makulit ang daddy ko, gusto niya ma-involve pa rin ako sa mga negosyo niya. Since papunta ng London ang kuya Grey ko para ayusin ang nalalapitniyangkasal,pinili ko na lang ang pagma-manage sa publishing company na pinangangasiwaan niya.roon kasi,hindigaano toxic ang trabaho, unlike sa tv and radio networks. Kaya na ni Mommy at Kuya Blue ‘yun. "Oh,s**t!" sambit ko at bumusina sabay preno... "Hon, I'll call you later okay. Bye, love you!" paalam ko dito. Dali-dali akong bumaba ng sasakyan. "Miss! Ano ba,magapakamatay ka ba?"sigaw ko sa babaeng mukhang engeng na nakatayo sagitna ng daan. Unti-unti itong lumingon at nagmulat ng mata. Parehas pa kaming nagulat ng magkatinginan kami. Wait... eto ‘yung sa cafeteria ah, and she's one of the writers.   "Bak, ikaw??" sabinito.   So, muntik na naman akong tawagin bakulaw nito.   "Tsk! stupid!" sabi ko ditto sabay smirk. "Baka gusto mong tumabi na at agaw eksena ka na” Inirapan ako nito at tuluyan nang tumawid sa kabila ng kalsada. Nakakatawa…Obvious na obvious lang nanagtitimpi ito. Nakita ko itong nag-aabang sa pilahan ng jeep. Wait, what if isabay ko na lang kaya siya. Baka madisgrasya pa ito sa katangahan niya. I mean mukha kasing lutang ito at may malalim na iniisip.   Beep! Beep! ‎ Nang lumingon ito ay ibinaba ko ang bintana sa passenger’s side. Teka, paano ko ba tatawagin ito, hindi ko nga  pala alam  ang pangalan.   "Psst!"   Hahaha! Hindii man lang lumingon. Kung sabagay sutsutan ko ba naman, eh.   "Hey!" tawag ko dito.   Okay, ang arte ha, ayaw pa rin humarap. Pero maya-maya lang ay humarap rin ito. "Halika na, sabay ka nasa akin, doon din naman ang daan ko” nakangising sabi ko. . "Mahirapnamukhang may problema ka samga traffic signs, eh, hahaha!" pang-aasar ko pa.   Ewan ko ba, hindi naman talaga ako bully na tao, maldita ako aminado ako doon, pero mapang-asar nang sobra, hindi, ngayon lang. Parang ang sarap kasing asarin nitong girl na ‘to.   Nag-cross arm ito sa harap ko. "Thank you na lang, may pamasahe naman ako. And besides, isasabay mo ako hindi mo nga ako kilala" Akala yataniya ay hindi ko siyanapansinkanina ng ipakilalaakoniKuya Grey sa department nila. Kulang na lang kasi ay sumuot siya sa ilalaim ng mesa sa pagkakayuko. "Tsk! Sinabi ko bang wala? Ang sabi ko lang sumabay ka na at baka tatanga-tanga ka na naman." Nailing na sabi ko dito.   "Hindi ako tanga,okay? Nagkataon lang na may iniisip ako kanina" sagot nito . "Seriously? Habang tumatawid? Stupid talaga.Ano, sasabay ka ba o sasabay ka?" patuloy na pang bibwisit ko rito.   "Hindi ako sasabay sa iyo, Okay? " Well… mukhang hindi ko mapipilit ito.   "Okay, fine! Ikaw bahala, See you tomorrow at the office" Sabi ko ditto sabay kindat at sinara ko na ang bintana sabay paharurot ng sasakyan. Mukhang magiging exciting ang pag-stay ko sa office.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD