KARI's POV
Maaga akong pumasok sa opisina dahil meron akong kailangan i-proof read na article ko bago ko ito ipasa mamaya kay Chief.
Pero bago ako umakyat ay dumaan na muna ako sa cafeteria para mag-breakfast.
And to my surprise, nakasabay ko na naman sa pagbili si bakulaw, este Ms. Flynn pala... and take note, ang daminanamanniyang order.
Tsk! Saan kaya niya nilalagay mgakinakain niya, at kahit bakulaw kumain ang seksi pa rin.
Wait, ano ngang sinabi ko? Seksi?
Pinauna ko na ito, kahit mas nauna ako sa counter.
"Go ahead," sabi nito
.
"Mauna na ho kayo."
"No, you go first, nauna ka naman eh" sabi ulit nito.
"Okay lang ho, mauna na kayo" sabi ko ulit.
"Well, if you insist, total mapagbigay naman ako. Ate, bayad naming oh" sabi nito at inabot ang bayad
Namin? Nagpalinga-linga ako pero wala naman itong kasama..
"Ma'am, kasama po ‘yun sa kanya?" sabay turo sa akin ng cashier.
"Yes."
"Wait, may pangbayad ako ‘no!" inis na sabi ko dito.
"Ayan ka na naman, hindi ko naman sinabi na wala ah" At nag smirk pa ito
"Bakit ba laging ganyan iniisip mo?"
"Eh bakit kasi lagi kang nangingialam?"sagot ko dito. Hindi ko na naiwasan na hindi ito tarayan at nakalimutan ko narin na anak ng CEOi to at boss ko.
"I'm just being generous... masama ba?" nailing na sabi nito at umalis na dala ang tray ng pagkain niya.
Naiiling akong umali sna din at naghanap ng puwesto. Naupo ako malayo sa puwesto niya.
Pero habang kumakain ay hindi ko maiwasan hindi mapatingin sa kinauupuan nito.
Bakit kaya ditto siyalagi kumakain, puwede naman sa isang sikat na resto or magpa-deliver siya.
Sa kakaisip, di ko na namalayan na nakatingin na rin pala ito, at binigyan ako ng nakakalokong ngiti.
Inirapan ko nalang ito para pagtakpan ang pagkakahuli nito sa akin. Binilisan ko na ang pagkain para mauna akong makaakyat dito.
Dali-dali akong sumakay ng elevator, pero bago magsara ito ay may humabol pa ng sakay.
Talaganga naman, oh! Si bakulaw ulit!
"Woow! It’s you again!" natatawang sabi nito.
Hindi ko na lang ito pinansin at nagkunwaring busy sa phone ko.
"Hindi ka lang pala masungit no, suplada ka rin" pang-aasar pa nito.
Tinapunan ko lang to ng tingin at nagpatuloy sa ginagawa ko.
Maya-maya lang ay nasa 7th floor na kami, pinauna pa akonglumabasnito.
Ok, ikaw na gentlewoman...
Dumaan muna ako sa restroom, si bakulaw naman ay dumeretso nasa office nito.
Bago ako lumabas ng restroom ay sinipat ko muna ang akingsarili.
Bigla ko naman naisip si Bakulaw…hay, ano pa kayang pambubwisit ang gagawin nito?
Minsan tuloy nakakalimutan ko na ang posisyon niya.
"Hay, welcome to hell, Kari." nasambit ko na lang habang nakatingin sa salamin.
******
"Hi, miss!" nag-angat ako ng ulo upang makita ko ang bumati. Masyado kasing nakatuon ang atensyon ko sa computer.
Isang malaanghel namukha lang naman ang nakita ko, medyo na-starstruck pa nga ako pero nakabawi din naman.
"Yes, ma’am?" tanong ko dito.
"Is Flynn…" Hindi pa man tapos magtanong ito ay lumabas nasi Ms. Flynn sa office niya; Malapit kasi sa office niya ang table ko
.
"Hon, I’m here!"tawag nito sa babae.
Halos lahat kami ay napatingin dito.
Wait... did I hear it right? Hon? Short for Honey? Ah... baka naman Honey name nitong girl.
"Oh, she's there, thanks anyway" sabinungbabae at lumapitna kay Flynn
.
Pagkalapit nung babae ay hinapit agad nito sa baywang at ginawaran ng halik sa labi bago pinapasok sa loob.
Halos lahat kami ay nagkatinginan sa ginawa nito.
So, miyembro pala ng pederasyon‘tong Boss namin? Tsk! Nga naman ‘no?Hindi talaga lahat ng magaganda,guwapo ang gusto, minsan maganda rin!
*****
Mabilis nalumipas ang maghapon, uwian na naman, buti nalang at dumating yung "Hon" ni bakulaw at nakaiwas ako sa possibleng pambubwisit na naman nito.
Maghapon lang kasi itong nasa loob ng opisina niya kasamasi "Hon". Nagpa-deliver nga lang ito ng lunch at meryenda.
Hmmm... ano kaya ginagawaniladun?
"Beshy, maghapon busy si Ms. Flynn no, ano kaya ginagawa nila dun?" tanong din ni Anne.
Hahaha... see, we're Beshies talaga, pati takbo ng isip parehas.
"Hmmm...baka nagba-bible study.”
" Gaga ka talaga,Beshy!"Natatawang sabi nito at may pagtulak pa.
"Makatanong ka kasi, eh?"
"Aba malay ko ba, eh kabaro mo un." Pangaasar pa nito.
"Dati ‘yon ‘no? May bf na ako at going straight na ‘to Beshy."
"Talaga ba Beshy? Sure ka nadyan sa mokong mong bf?" sabi ni Anne.
"Uy, grabe ka naman Beshy, nagbago na siya okay" pagtatanggol ko kay Nico.
"Wish ko lang Beshy... oh, speaking of your “nagbago ng boyfie," sabi nito nang makitang parating ang naka-motor na si Nico.
Nandito kasi kami sa labas ng building naghihintay.
"Hi, Babe! Hi, Anne!" bati ni Nico.
Tumango lang si Anne.
"Paano Beshy, gora na din ako" paalam nito. "Bye!"
"Bye,Beshy, ingat!"
Pag-alis ni Beshy ay siyang labas naman ni Ms. Flynn kaakbaysi "Hon".
Nagkatinginan kami saglit..
Babatiin ko ba o hindi?
Dahil boss ko siya, dapat lang naman siguro.
"Good afternoon Ms. Flynn." bati ko dito.
Tinanguan lang akonitopero ang tingin ay na kay Nico nanakaakbaysa akin.
"Let's go, Babe" yaya ni Nico.
"Mauna na po kami" paalam ko dito.