FLYNN's POV
"Where's Joanna?" tanong ko kay Lana, ang head ng HR Department. Joanna is my assistant.
"Ms. Flynn, nag-emergency leave po nagkaroon daw po kasi ng spotting."
Nasa first trimester kasi ito ng kanyang pregnancy.
"Oh, I see, so who's gonna be my assistant anyway, napakarami pa naman event this coming weeks, so I really need one."
"Eh, Ano po Ms. Flynn naghahanap pa po ng puwede" nag-aalinlangan sagot nito.
"What? Kailan pa makakahanap?This can't be! Sino ang walang ganong load sa mga employees?Kailangan ko ng bihasa at maraming alam tungkol sa magazine at sa company. "
"Wait po Ms. Flynn, i-check ko lang po" paalam nito.
"Okay! I need an answer in 5 minutes or else, you'll loose your job."
Napa-nganga pa ito sa kabiglaan sa aking sinabi.
"You heard it right, so go!" utos ko dito.
"Okay po Ms. Flynn." At dali-dali na itong lumabas.
Hay naku...bakit kasi ngayon pa na napakaraming event ang pinatulan nitong si Kuya Grey.
Akala ko hindi toxic ang trabaho dito sa publishing company namin, mali pala ako, parang same lang din sa network company na hawak nila Mom...
Hindi ko na nga napupuntahan everyday 'yung coffee shop ko. Good thing nandoon naman si Cliff para pangasiwaan ito. He's my best friend since high school.. kaya tiwala ako na nasa mabuting kamay ang shop ko.
Pagtingin ko sa labas ng office ko, since one way vision glass partition itong office ko, namomonitor ko kung ano ang nangyayari sa labas.
I saw Lana talking to everyone, hahaha!.. mukhang na stress ko ito at sineryoso ang sinabi ko.
Nabaling naman ang atensyon ko dito sa babaeng malapit ang cubicle sa office ko..... tsk! May sarili yatang mundo at deadma kung anuman ang sinasabi ni Lana.
Pero in fairness naman sa babaeng ito....pretty siya... magaling manamit... simple pero may dating.... hindi na ko magtataka kung ilan sa mga kalalakihan dito sa office ay nagpapapansin sa kanya..... too bad taken na to.
Wait! Did I just checked on her? Hahaha! Cut the crap Flynn!
Nakita kong nilapitan ito ni Lana at. mukhang kino convince din niya ito... hahaha! Goodluck naman kung mapapayag niya ito.
KARI's POV
Yes! Finally, last article for this month's issue. Nakatapos din after 48 years... sarap ng feeling.
Mayamaya lang ay lumapit sa akin si Lana.
"Kari, can I ask for a favor?" tanong nito.
"Ha? Sige, basta ba kaya ko eh... anu ba yon?" tanong ko naman.
"You heard what happened to Joanna diba?"
"Oo, nagkaspotting daw?" paninigurado ko pa.
"Yup, and yung emergency leave miya parang magiging indefinite leave pa yata.... since lahat sila dito loaded, ikaw yung medyo magaan ang load, baka ok lang na ikaw na muna ang.."
"Ang magsub kay Joanna?" putol ko sa sinasabi nito.
"Eh... oo sana Kari... please?" alinlangan pa na sabi nito.
"No way!" medyo napataas pa ang boses ko na ikinabigla ni Lana.
"Sorry, pero ayoko talaga Lana.. ilipat nalang nila yung ibang ginagawa nila sa akin... pero to take Joanna's place? No way."
"Kari please... I badly need your help, or else Im gonna loose my job... please." mangiyak ngiyak pa na sabi nito.
"Seriously?"
"Oo Kari, in 5 minutes kailangan may maipalit ako kay Joanna, please Kari, ikaw na ang best choice eh, 1-2. weeks lang naman hanggang sa makahanap ng kapalit."
"What? 1-2 weeks?" napalakas na naman ang sabi ko... kaya medyo napatingin sa akin ang mga kalapit ko na cubicle.
"Goodluck girl!" nakangiting sabi ni Grace.
"Beshy, kaya mo yan! Hahaha!" pangaasar pa nitong si Anne.
"Lana, Im sorry, i can't" sabi ko dito.
"Kari, please, I can't loose my job, pano na ang mama ko?" pakiusap nito.
Para naman akong nakunsensya dito. Ang mama kasi ni Lana ay nagaundergo ng chemo.
Pero 2 weeks with bakulaw??? Hay.. goodluck Kari!
"Ok ok, pero promise me, pinakamatagal na yung 2 weeks ha?"
"Oo Kari, maghahanap agad ako ng kapalit, promise, thank you Kari, salamat talaga... sabihin ko na kay Ms. Flynn. "niyakap pa ako nito at nagmamadali itong pumunta sa office ni bakulaw.
Dali dali naman lumapit sa akin si Anne.
"Beshy, seryoso ka?" paninigurado nito.
"Beshy, may choice ba ko? Konsensya ko pa kapag nawalan ng trabaho si Lana. Saka, 2 weeks lang naman daw eh." sagot ko dito.
"Hahaha! Goodluck talaga sayo Beshy." natatawang bumalik na ito sa pwesto niya.
Maya maya lang ay lumabas na si Lana sa office ni bakulaw at lumapit sa akin.
"Kari, punta ka daw sa office ni Ms. Flynn." Nakangiting sabi nito. "Thank you talaga Kari."
"It's ok... Now na ba?"
"Oo, ngayon na daw." sagot nito.
"Ok sige" inayos ko muna yung mga gamit na nasa table ko bago pumunta kay bakulaw.
Ok, kalma lang Kari.... kayang kaya mo yan.
Tok! Tok!
"Come in!" narinig kong sabi ni bakulaw kaya pumasok na ako.
"Pinatatawag niyo daw po ako sabi ni Lana."
"Have a seat" formal na sabi nito.
Ok, ikaw na seryoso...
"Here are the lists of events for the upcoming week... and I need you to be with me sa mga events na yan. Starting tom. dito ka na muna sa table ni Joannna, since nandyan lahat ng mga kailangan sa event, pati na rin sa pagaayos ng scheds ko." sabi nito. "Any questions? Or should I say violent reactions?" sabi nito sabay smirk.
"No, wala naman po Ms. Flynn." sagot ko dito.
Kahit kailan talaga hindi nito maiwasan manginis ng pasimple.
"Are you sure? You can still quit if you want." nakangising sabi nito.
"Then, Lana will loose her job?" tanong ko dito.
"Hahaha! No, but you will. loose your job." natatawang sabi nito. "You may go now, see u tom."
Tsk! Ang lakas talagang magtrip nitong bakulaw na to.
I just rolled my eyes.... this girl is really unbelievable.
Tumalikod na ko para lumabas.
"Wait!" tawag nito.
Huminto ako at lumingon.
"Did you just rolled eyes? It's cute by the way. Hahaha!" natatawang sabi nito.
Inirapan ko nalang ito at lumabas na ng office niya.
Narinig ko pa itong mas tumawa ng malakas.
May saltik yata talaga to eh!
Hay Kari... goodluck talaga sayo!