KARI's POV
Time check, 7:30 am....
Syete naman, 30 mins. nalang at late na ko, bakit ngayon pa nasiraan itong lrt na to kung kailan first day ko sa office ni bakulaw, tsk! ang aga pa naman nitong pumapasok, nakakhiya pag nauna pa ito sa akin.
Naisipan kong itext si Anne para icheck kung nandun na si Ms. Flynn.
To:Beshy
Gud am. Beshy, office ka na? Dyan na ba si Ms. Flynn?
after few minutes ay nagreply na ito.
Fr: Beshy
Gud am din Beshy, yup dito na ko, ikaw? san ka na? Yes, kakadating dating lang ni Ms. Flynn.
Shucks! Yare, naunahan na ko ni bakulaw.
To: Beshy
Nasiraan LRT Beshy, kaya eto hanap ng masasakyan, hirap makahanap, hirap din makapagpabook sa grab at uber.
Ting!
Fr: Beshy
Hala ka!. Yari ka Beshy, naunahan ka pa niya. Gusto mo sabihin ko na medyo malelate ka?
Hmmm... ano ba mabuti? baka naman umabot ako kapag nakakuha na ko ng taxi.
To: Beshy
Wag na cgro Beshy, baka naman umabot ako.. sana, hehehe
Fr: Beshy
Hahaha! Ok, ingat Beshy and Goodluck!
Mayamaya lang ay nakapagpabook na rin ako, sa wakas!
Nakarating ako sa office, exactly 8:00 am. Lakad takbo ang ginawa ko papuntang elevator... para malate man ako, mga 5 mins. lang.
Hindi na ako nakapag ayos ng sarili, dali dali akong pumasok sa opisina ni Ms. Flynn.
"Good morning Ms. Flynn" bati ko dito.
"You're 5 mins. late" seryosong sabi nito, pero ang mga mata ay nasa kung anuman ginagawa nito sa. kanyang laptop.
"Sorry po, nasiraan kasi yung LRT... medyo nahirapan po akong makahanap. ng sasakyan." paumanhin ko dito, habang inaayos ang table ni Joanna.
"Ok." tipid na sagot nito.
Parang hindi naman ako makapaniwalang tumingin dito.
Aba, himala ah... daling kausap ni bakulaw.
Naupo na ako at nagumpisang tignan yung mga schedules ng event pati na rin mga meetings ni Ms. Flynn.
"What's my sched.for today?"tanong nito.
"Meeting with Ms. Arnie de Castro, CEO of Instyle Clothing at 12 noon., Shangri-la Hotel... then, at 2pm, meeting with Mr. Rob Santos, Wedding expo.... that's all for today." sagot ko dito.
"Do I really have to. meet those people? Diba under na dapat yan sa sales and marketing department?" medyo may pagakainis pa na tanong nito.
"Yes po, kasi ganun ang ginagawa ni Sir Grey, he makes sure na personal niya munang nakikilala yung mga gustong pumasok sa magazine natin.. so I guess, kailangan niyo po talaga silang imeet." sagot ko dito.
"I still don't buy that idea, such a waste of time." sabi nito sabay smirk.
Nagkibit balikat nalang ako. Hindi ko rin naman siya pwedeng kontrahin. Si sir Grey kasi masyado siyang hands on sa business na to, which is obviously kabaliktaran nitong kapatid niya.
"Im just going to buy something, if Stef called, please tell her to call again." sabi nito at lumabas na ng office.
Inayos ko na muna lahat ng kailangan namin dalhin para sa meeting niya.
Hmmm.... atleast pagdating sa trabaho, professional naman pala ito.
Nasa ganon akong pagiisip ng maagaw. ng pansin ko yung picture frame na nakadisplay sa may headboard sa likod ng table nito. Tumayo ako at lumapit dito para tignan.
Picture nila ni Stef, then family picture nila, at isang solo picture niya na kuha sa isang studio. Kinuha ko ito at pinakatitigan.
Hmm... infairness kay bakulaw, maganda siya talaga... parang model. Kung tutuusin ay mas maganda pa nga ito sa girlfriend niya.
"Ehem! Baka naman mabasag yung frame sa sobrang pagkakatitig mo." nakangising sabi nito.
Muntik ko ng mahulog yung frame sa pagkakagulat.
"Oops! Careful" sabi pa nito. " I know im beautiful, thank you! Hahaha!"
Ibinalik ko yung frame at inirapan ko nalang ito para maitago ang pagkapahiya.. "Hmp! feelingera!" bulong ko at tumalikod na dito para bumalik sa aking pwesto.
Ngunit bago ako makabalik ay hinapit ako nito sa aking beywang..
"What did you just say?" tanong nito habang unti unting inilalapit ang kanyang mukha sa akin.
Sh*t anong trip nito!
"Wa.. wala naman akong.. sinasabi ah." sagot ko dito habang iniiwas ko ang aking mukha.
"I heard you, ano nga ulit yun?"bulong nito sa aking tainga.
Para naman akong nakaramdam ng goosebumps or should I say, para akong nakuryente ng maramdaman ko ang mainit na hininga nito.
"Say it again or i'll kiss you?" sabi nito at muling inilapit ang kanyang mukha sa akin, one inch nalang yata ay mahahalikan na ko nito kaya napapikit nalang ako at sigurado akong di na matawaran ang pamumula ng aking mukha...
"Hahaha, If only you could see your face!"natatawang sabi nito.
Grrrr! Bwisit na bakulaw to! Lakas talaga ng trip!
Tinulak ko ito... "Sabi ko feelingera ka! excuse me!" at bumalik na ako sa pwesto ko.
"Hahaha! For you, I know di ka pa nagbebreakfast." natatawa pa rin sabi nito at inilagay sa table ko yung coffee at waffle.
"Busog ako."
"Ows, talaga, how come? di naman kita nakasabay sa cafeteria kanina?" sabi nito.
Wait, stalker ko ba to? Bakit alam niya na everyday sa cafeteria ako nagbebreakfast.
"May bahay naman ako,. di ba pwedeng dun ako nagbreakfast." masungit na sagot ko dito.. nababadtrip pa rin ako sa ginawa nito.
Ows? baka dahil umasa ka na ikikiss ka nya? sabi ng inner self kong mahadera.
Of course not! Pwede ba? aba at talagang sinagot kita ah.
"Hahaha! Fine whatever, just eat. " Sabi nito at bumalik na sa table niya. Dun ko lang napansin na meron din syang food sa table niya, actually "foods" pala. Typical bakulaw.
Ayoko sanang kainin pero kumakalam na talaga ang sikmura ko, kaya unti unti ko na itong sinimulan galawin.
Pagsulyap ko dito ay nakatingin din pala at nakangiti ng nakakaloko.
FLYNN's POV
As usual, bago ako umakyat sa office ay dumaan muna ako sa cafeteria para magbreakfast.
Ewan ko ba parang may sariling isip ang aking mga mata at tumingin sa paligid para hanapin ang bababeng lagi kong nakakasabay dito sa umaga.
Pero wala ito, hanggang sa natapos akong kumain ay wala pa rin ito.
Pagakayat ko sa aking opisina ay bakante pa rin ang table ni Joanna.
7:35 palang naman pala, kung sabagay 8 am pa ang time nila.
Binuksan ko na ang laptop para icheck ang iba pang trabahong napending ni Kuya Grey.
hmmm.. 8:00 na wala pa rin ah... don't tell me first day niya as my assistant late agad siya? Tsk! very unprofessional.
Mayamaya lang ay nakita ko itong humahangos papasok sa aking opisina, kunwari ay hindi ko ito napansin.
"Good morning Ms. Flynn" hinihingal pang bati nito.
"You're 5 mins. late" seryosong sabi ko ng hindi manlang siya tinatapunan ng tingin.
"Sorry po, nasiraan kasi yung LRT... medyo nahirapan po akong makahanap. ng sasakyan." paumanhin nito, habang inaayos ang table ni Joanna.
Sinulyapan ko ito, at parang medyo nakunsensya naman ako dahil mababakas sa mukha nito ang pagod.. medyo may mga butil ng pawis pa nga ito sa kanyang noo.
"Ok." tipid na sagot ko nalang dito.
Tumingin pa ito na kala mo ba ay di makapaniwala.
Hahaha, gusto kong matawa ang epic ng reaction nito, akala siguro niya ay pagagalitan ko siya... may kunsensya rin naman ako.
Kaya pala wala ito sa cafeteria kanina... for sure di pa to nagbebreakfast...
ewan ko ba, bakit naisipan kong ibili ito ng makakain, bumili na rin ako ng para sa akin para naman hindi obvious.
Pagpasok ko sa opisina ay nakita ko itong titig na titig sa picture ko.... kaya naman naisipan kong asarin ito.
"Ehem! Baka naman mabasag yung frame sa sobrang pagkakatitig mo." nakangising sabi ko dito.
At sa pagkabigla nito ay muntik pang mabitiwan yung frame.
"Oops! Careful" sabi ko dito. " I know im beautiful, thank you! Hahaha!"
Walang sabi sabing ibinalik nito yung frame at inirapan ako, narinig ko pa itong bumulong.... at sinabing "feelingera?"
Kaya naman mas lalo ko pa itong inasar, hinapit ko ito sa kanyang beywang at kunwari'y hahalikan...
Pero bakit ganun.. parang nagslow mo ang lahat habang tinititigan ko ito... at parang gusto kong ituloy yung kiss...
Ok, anyare sa akin?
Para naman bigla akong natauhan, at idinaan ko nalang sa tawa... isa pa ang pula pula na ng mukha nito.
Ibinigay ko nalang dito yung binili kong coffee and waffle. Nung una ay ayaw pa nitong kainin, pero mukhang di na kinayang tiyan niya at kinain na rin.
Sumulyap pa ito sa akin, nagkataon naman na nakatingin din ako dito kaya nginitian ko nalang....
Hindi ko talaga maintindihan ang naramadaman ko kanina... tsk! ang weird.