Chapter 9

1601 Words
"Wala kang karapatang mag selos kase hindi naman kayo. Pero may karapatan kang masaktan dahil nagmamahal ka." ********** Kari's POV Pasado alas tres na ng madaling araw pero hindi pa rin ako makatulog, hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nagtetext si Flynn kung nakauwi na ba ito. Halos isa't kalahating oras na rin ang nakalipas mula ng maihatid ako nito. Nakakapagalala lang lalo na at nakainom pa ito... although hindi naman siya lasing ng bongga. Hindi rin mawala sa isip ko yung nangyari kanina, muntik na akong mahalikan nito, buti nalang at dumating si Jaze... Ilang beses na nga bang muntik mangyari yun? sa office, sa sasakyan niya, at kanina nga sa bar. Hay....ang weird lang ng feeling... everytime na nagkakadikit kami, para akong kinukuryente... at hindi ako mapakali... tapos biglang bumibilis ang t***k ng puso ko. Ting! Naputol ang aking pagiisip ng biglang tumunog ang fone ko. From: Ms. Flynn Im home, safe and sound. Thanks for the night, really enjoyed it. See u tom... Goodnight pretty. Hay, thank God at nakauwi siya ng safe.... Muli kong binasa ang text nito at di ko naiwasan di mangiti sa huling sinabi nito... pretty daw ako!? hahaha! ... ako na ang kinikilig. Maya maya lang ay dinalaw na rin ako ng antok, mukhang text nga lang nito ang kailangan ko para makatulog.... ------- Kahit puyat ay maaga pa rin akong nakapasok, at tukad ng nakaugalian ko, dumaan muna ako sa cafeteria para magbreakfast. Habang nakapila ako sa cashier ay hindi ko maiwasan tumingin sa mga taong nandoon at nagbabakasakaling makita ko si Flynn.... pero bigo ako dahil wala ito. Sa may bandang sulok ng cafeteria ako nakahanap ng pwesto. Habang kumakain ay tumunog ang fone ko kaya dali dali ko itong kinuha sa loob ng aking bag, pagkakita ko ng pangalan ni Nico sa screen ay parang nadisappoint pa ako.. Hay... sino bang inaakala mo? Si Flynn? Wag ka ngang asa! Bulyaw ko sa sarili ko sa aking isipan. Walang gana kong sinagot ang tawag ni Nico. Nico: Babe, goodmorning! Ako: Morning din. Nico: Hmmm... mukhang nagtatampo ang Babe ko ah. Ako: tampo? bakit naman ako magtatampo? May katampo tampo ba dun? anniversary natin pero di natin nacelebrate, tapos kahit isa manlang sa mga text or tawag ko kagabi wala kang nasagot? Katampo tampo ba yun? Nico: Look Babe, Im really sorry, its just masyado lang talagang busy kagabi. Ako: sobrang busy na kahit ilang segundo lang ng pagreply kahit isa sa mga text ko, hindi kinaya ng sobrang kabusihan mo? Nico: Babe, cant you understand? Alam mo naman kung paano ako magtrabaho diba? Ako: Exactly Nico, I know... at kahit sobrang busy mo, nagagawa mong isingit ang pagtetext at pagtawag sa akin, pero this past few weeks, ewan ko bakit nagkaganoon. Nico: Hay! Ang aga aga mo naman Babe! Nagulat nalang ako ng bigla nitong inend ang call. Sinubukan ko itong tawagan pero hindi na nito sinagot. "Hey, aga aga nanghahaba yang nguso mo." Bigla akong napatingin sa taong nagsalita. "Kanina ka pa diyan?" Hindi ko kasi napansin na dumating pala ito. "Hmm... Di naman masyado, don't worry hindi ko narinig na nakikipagLQ ka sa boyfriend mo... Hahahaha!" Sabi nito sabay tawa ng nakakaloko. "Ewan!" sabi ko nalang dito at tinuloy ang pagkain. Kahit medyo nawalan ako ng gana, hindi ko naman kayang tiisin ang kumakalam kong sikmura. "Pashare ha" sabi pa nito at ibinaba ang isang tray ng puno ng pagkain. "Bakulaw talaga" bulong ko. "Hey, I heard you" sabi nito. "Ganyan ka ba talaga kalakas kumain? San mo nilalagay?" Sukat ba naman tawanan ako ng pagkalakas nito. "Wow! Salamat sa sagot ha" sabi ko dito sabay irap " Nakakatawa naman kasi yang tanong mo, san ba nilalagay ang pagkain? Sa bulsa?" pangasar nito. "Ah ewan! Diyan ka na nga, baka makalimutan ko pa na Boss pala kita." at tumayo na ko para umalis. "Hey, di mo pa gaano nababawasan yang food mo oh." sabi nito. "Nawalan na ko ng gana, mga tao kasi ngayon, mga walang kwentang kausap." Nagulat nalang ako ng biglang hawakan nito ang aking kamay. "Please, just stay and finish your food..mahirap magtrabaho ng gutom.. . promise, quiet na ko" pakiusap nito. Para naman akong nadala sa pakiusap nito, kaya muli akong naupo at pinagpatuloy ang pagkain. "Thanks" nakangiti pang sabi nito. Gosh..., eto nanaman ang puso ko, ang bilis na naman ng t***k. Bakit ba kada ngingintian ako nito ay parang nabubulabog ang pagkatao ko. After namin kumain ay sabay na rin kaming pumasok sa opisina. Dumaan muna ako sa table ni Beshy, may 20mins pa naman bago mag 8. "Beshy, musta naman ang pagiging executive assistant ng isang Dyosa?!" "Dyosa ka dyan, baka bakulaw no!" sabi ko dito. "Okay let me rephrase it, Bakulaw na Dyosa nalang" natatawang sabi nito. "Whatever Beshy..... well, so far so good naman, nasasakyan ko naman mga pangbu-bully niya"sagot ko dito. "Seriously, binubully ka pa rin nya?" "Yes Beshy, I guess part na ng personality niya yung pagiging bully... pero on the other side may kabaitan taglay din naman... like kagabi, isinama niya ko sa opening ng bar ng pinsan niya" kwento ko dito. "Nagdate kayo Beshy!" medyo napalakas ang pagkakasabi nito kaya napatingin sa amin ang ilan taong nandoon. "Ano ka ba Beshy, 'yang boses mo nga. Saka, hindi un date no." "Eh ano tawag mo 'don Beshy?" "Let's just put it this way, nagmagandang loob lang siya.. isinama niya ko para malibang, kaysa magmukmok sa bahay dahil hindi nga kami nagcelebrate ng anniv. ni Nico, diba natext ko na sayo yun tungkol dun." "Ohhh, i see, so nagkakwentuhan na ng personal na buhay... getting closer! Hahaha!" at ngumiti ito ng nakakaloko.. I just rolled my eyes, kahit kailan talaga tong kwentuhan.... seryoso, pano ko naging bff to!? "Diyan ka na nga!" paalam ko dito. "Miss mo na agad?" pangaasar pa lalo nito "Shut up!" at nagderecho na ko sa paglakad. "Huwag defensive Beshy! Napapaghalataan!" pahabol pa nito. I stop and raised my middle finger on her. Narinig ko pa ang malakas na tawa nito bago ako pumasok sa office ni Flynn. ------- Flynn's POV "Ilang days ka 'don Hon? And why didn't you tell me ng mas maaga?" kasalukuyan kong kausap si Stef sa fone ng pumasok si Kari sa opisina ko. "Three weeks Hon I'm sorry... something came up, that's why we need to fly back to Paris as early as tomorrow" sagot naman ni Stef sa kabilang linya. Kakadating lang nito from a 1 month project sa Paris, isa nga pala itong model... at eto nga nagpapaalam nanaman na aalis ulit siya, at bukas na, agad agad "Well, what else can I do, it's your dream. And I promised to support you in any way I could." Mahal ko ito kaya simulat simula palang ng career niya ay sinuportahan ko na siya. Ngayon ko pa ba pipigilan kung kailan unti unti na nyang natutupad yung pangarap niya. "Kari, Can you please cancel all my appointments for today." Gulat na napatingin ito sa akin. "Why?" "Ms. Flynn, ngayon po kasi yung meeting niyo with the executives ng LV. "f**k!" bigla ko nalang nasabi at napapalo pa sa desk ko. Oo nga pala, ngayon pala yun. isa ito sa mga bigtime client namin na gustong maglagay ng ad sa aming magazine. Pagtingin ko kay Kari ay parang nabigla ito sa aking naging reaksyon. Napabuntonghininga nalang ako.. "Sorry about that." Tumango lang ito at nagpatuloy na sa ginagawa niya. Mukhang walang chance na makasama ko si Stef bago ito lumipad pa Paris.. hay! I love my life! Dahil wala ako sa mood magdrive, yung company car ang ginamit namin ni Kari papunta sa meeting. Mukhang napansin naman nito ang pananahimik ko mula pa kanina. "Are you ok?" may pagaalalang tanong nito. Tumango lang ako. "Sure?" "No, Im really not ok, Stef will be leaving tomorrow for a project in Paris, at 3 weeks siya don kaya dapat nga sana, I want to spend the whole day with her." kwento ko dito. "I see, kaya pala kanina ka pa tahimik. ok lang yan, pwede naman after nitong meeting diba? Saka mabilis lang naman ang 3 weeks." nakangiting sabi nito. Hindi ko alam pero parang naglahong bigla yung pagkabadtrip ko ng makita ko itong nakangiti... Nagkibit balikat nalang ako.. Oo nga naman pwede ko naman itong isurprise sa unit niya mamaya after ng meeting. "Siguro, nakakaproud maging girlfriend ng isang Stefanie Johnson." sabi nito. "Well, Oo siyempre, pero mahirap din... maraming kaagaw? Hahaha!" Totoo naman yun eh, noon ngang hindi pa ito model, marami na kong kaagaw, what more pa kaya ngayon na kilala na siya. "Kaagaw?" "Yeah, people and time, yan ang matinding kaagaw ko sa kanya." sagot ko dito. "I see, kung sabagay, sa ganda nga ni Ms. Stef, hindi malayo.. pero subok naman na ng panahon yung pinagsamahan niyo eh." "Well, we can never tell kung hanggang saan at hanggang kailan." sagot ko dito. Napansin ko naman na natahimik ito at tila napaisip. Im just being honest, hindi sa wala akong tiwala sa pagmamahalan namin ni Stef sa isat isa, pero sa isang relasyon naman talaga, hindi mo masasabi kung anong pwedeng mangyari. "Natahimik ka bigla diyan, nasapul ka ba? Hahaha!" biro ko dito. "Kung sabagay tama ka, maraming pwedeng magbago, pero siguro nasa sa atin nalang din yun kung paano natin iaadopt yung pagbabago na yun." sabi nito sabay buntonghininga ng malalim. "Wow, ang lalim ng hugot mo ah." Ngumiti lang ito, pero kakikitaan mo naman ng lungkot ang kanyang mga mata. Parang biglang may kumurot sa aking puso dahil sa kalungkutang nakita ko. ******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD