Chapter 8

1718 Words
"Kung sino pa yung gusto mo, siya pa yung hinding hindi puwedeng maging sayo." *********** Kari's POV Kanina pa ko nakaharap dito sa salamin sa kwarto ko pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapagdecide sa susuotin ko. "Tsk! Karishma ano bang nangyayari sayo?! Kailan ka pa namuroblema sa isusuot mo? Eh ano naman kung di magustuhan ni Flynn? Arggh!!!" para lang akong baliw na kinakausap ang sarili ko sa salamin. 7:45 ng nakapagayos ako, isang backless cream dress ang napili ko. Once or twice ko lang yata ito naisuot dahil sabi ni Nanay ay masyado daw revealing... magdadala nalang siguro ako ng blazer para naman di nga masyadong revealing, baka mabatukan pa ko ni Nanay kapag nakita niya ko na ito ang suot. Matapos ko sipatin ang aking itsura sa salamin ay nagpasya na akong bumaba, ilang minuto nalang naman ay siguradong darating na si bakulaw. Habang pababa ako sa hagdanan ay narinig kong parang may kakwentuhan si Nanay at nagtatawanan pa ang mga ito. "Oh ayan na pala si Ava eh" pagkakita sa akin ni Nanay. Pagtingin ko kay Flynn ay titig na titig ito sa akin. Tama ba ang nakikita ko sa mga mata nito... paghanga? "Hi! Kanina ka pa?" tanong ko dito. Para naman itong biglang natauhan.. "Ahmm... hindi naman" tipid na sagot nito. " Aba'y iyan pala talaga ang sinuot mo?" sabi ni nanay. Sabi ko na eh, umiral na naman ang pagka-conservative nito. "Nay, don't worry, may blazer po ako." at isinuot ko ito. "Buti naman... baka kasi mapulmonya ka" sabi pa nito sabay tawa. Magkaroon ka ba naman ng Nanay na ganito... nuknukan ng kulet, pero syempre love na love ko 'yan. Pagbaling ko ng tingin kay Flynn ay nakangiti ito... Hmmm.. in fairness kay Bakulaw, ang ganda talaga niya, lalo na kapag nakangiti.. "Lets go?" tanong sa akin nito. "Yup, tara na, Nay, alis na kami ha." "Oh siya sige, magingat kayo ha. Flynn anak, wag mong kakalimutan sa susunod na linggo ha" baling ni Nanay kay Flynn. Hmm.. close agad sila? At anong meron sa susunod na linggo? "Opo Nay, di ko po kakalimutan 'yun" nakangiting sagot nito. Mamaya nalang ako magtatanong kapag nasa sasakyan na. "O siya cge na lakad na." --- Flynn's POV Hindi ko maiwasan hindi humanga kay Kari sa ayos niya ngayon, mas lalong lumabas ang ganda nito ng magmakeup at magayos ng buhok... sama mo pa ang suot nito ngayon... sineryoso yata yung sinabi ko na magsuot siya ng seksing damit. Hindi ko maiwasang hindi mangiti habang nag da-drive... at napansin naman nito. "Hala siya, ano nginingiti-ngiti mo dyan?" sabi nito sa akin. "Ha? Wala, hindi naman ako nakangiti ah." "Hindi ka dyan, eh abot nga hanggang tenga yang ngiti mo, para kang timang" naiiling na sabi nito. "Hahaha! Okay okay, naalala ko lang kasi yun sinabi ko sayo na wear something sexy.... mukhang sineryoso mo nga"sakto naman na stop light kaya tinignan ko ito mula ulo hanggang paa at kinindatan. "Manyak ka talaga!" at hinampas ako nito sa braso. " Grabe ka sa kin ha! Parang tinignan ka lang eh" natatawang sabi nito. "Tingin lang ba yun? eh makakindat ka dyan wagas! Mahipan ka sana ng hangin" at inirapan pa ako nito. "But seriously you really look good tonight." seryoso kong sabi dito. I really can't help not to say those words... actually kanina pa dapat, pero naunahan ng pangaasar ko dito. Tumingin naman sa akin ito na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Kaya naman nginitian ko nalang siya at nagpatuloy na sa pag-drive. Ang weird lang kasi hindi ako nakaramdam ng ganitong paghanga kay Stef, yun bang ayaw mo ng maalis ang mga mata mo sa pagtingin sa kanya... to think na mas maganda naman ito kay Kari... well siguro mas maappeal lang si Kari kaya ganun? yeah... yun nga siguro yun.... yun lang yun.... "Oo nga pala, ano yung pinaguusapan niyo ni Nanay kanina? Anong meron sa next week?" tanong nito. "Seriously? Di mo matandaan??" Saglit na nagisip ito, pero wala pa rin maisagot. "Duh! Birthday ng nanay mo kaya." sagot ko dito. "Oh my gosh! Oo nga pala." "Don't tell me nakalimutan mo?" at tinapunan ko ito ng tingin. "eh.. oo..." alinlangan na sagot nito sabay takip ng mukha... "hala.... ang sama kong anak... masyado kasi akong nafocus sa mga deadlines ko." "Hey! It's okay, ang importante ngayon, alam mo na, you can take a leave on Friday, wala naman tayong sched on that day diba? Para makapagprepare ka pa, maswerte ka sa Nanay mo, so make her day special." "Seryoso ka ba dyan Flynn? Pwede ako mag-leave sa Friday?" "My Gosh Kari, kakasabi ko nga lang diba?" I just rolled my eyes... kasi naman ano bang di kapanipaniwala sa sinabi ko? Masyado ba akong naging harsh sa kanya? "Thanks Bakulaw!" sabi nito at may pagyapos pa sa aking braso. Para naman akong nakaramdam bigla ng bolta boltaheng kuryenteng dumaloy sa aking katawan kaya napatingin ako dito. "Ay! Sorry, Flynn pala." sabi nito sabay tanggal ng pagkakayapos niya at umiwas ng tingin. Hahaha! Akala niya ang napansin ko ay ang pagkakatawag niya ng bakulaw sa akin. Mayamaya lang ay nakarating na kami sa bar. Pagpasok palang namin ay kung sino sino na ang bumati sa akin, yung iba hindi ko na maalala, pero isa lang ang sigurado ko, lahat yun kaibigan or kakilala ng pinsan kong si Jaze, ang nagmamay ari nitong bar... actually its a lesbian bar. "Couz!". speaking of Jaze... palapit ito sa amin. "Im glad you came, akala ko iturn down mo nanaman ako eh.. magtatampo na talaga ko sayo." sabi pa nito sabay yakap sa akin. "Sus! Ang drama mo ha, busy lang talaga this past few days... By the way Couz, si Kari, Kari si Jaze, cousin ko and may ari nitong bar. Lumapit ito kay Kari at personal na nagpakilala. "Hi Kari!, Im Jaze" bati ni Jaze dito sabay lahad ng kanyang kamay... kitang kita sa mga mata nito ang paghanga kay Kari "You look stunning" papuri pa nito. Si Kari naman ay ngumiti lang at halatang nahihiya dahil sa pamumula ng pisngi nito "Couz, hanap na kami ng pwesto ha." putol ko sa pagmomoment nitong dalawa. "Oh yeah, sure Couz'.... See you later Kari." Tumango lang naman ito, at iginayak ko na sa may bandang sulok ng bar. Parang wala ako sa mood makipag usap sa mga tao dito. "Drinks?" tanong ko dito. "Yeah sure, ikaw na bahala, kung anu un sayo ganun nalang din sa akin." "Okay, if you say so." at tumawag ako ng waiter para magorder ng drinks. "2 Martini please, vodka." Napansin ko na pinagmamasdan nito ang paligid ng bar. "Bakit puros babae yata ang tao dito?" tanong nito. "This is a lesbian bar, i forgot to tell you." "Oh... I see.. kaya pala.... so no boys allowed." nakangiting sabi nito. "Hahaha... kinda" natatawa kong sagot dito. "Why? lookibg for one? "Uy hindi ah, ok na ko sa bf ko." sagot nito. "Hmm... kung sabagay 6 years.. still no plans of settling down?" out of curiosity ay natanong ko ito. "Hindi pa naman namin napapagusapan, and di pa rin naman siya nagpopropose, so I guess, hindi pa siya ready." sagot nito. "Pero ikaw, gusto mo na ba?" Nagkibit balikat lang ito. Mayamaya lang ay dumating na yung drinks namin. "Cheers?" "Cheers!" nakangiting sagot nito at sabay kaming nag sip. Pero hindi ko maalis alis ang aking tingin dito. Shit! Bakit ang sexy at ang hot nyang tignan, to think na umiinom lang naman ito.... Hay! Flynn what is happening to you?? "Hey! You know staring is rude right?" sabi nito sa akin sabay smirk. "Hahaha! As if im staring at you."pagdedeny ko dito. "Ah, hindi ba sa akin?Eh kanino? " "Of course not you, it's the beautiful girl behind you" sagot ko dito.. sana makalusot. "Oohh! Hindi obvious ha" sabi nito habang nakatingin sa babaeng tinutukoy ko. "Mas maganda pa si Ms. Stef dyan no, wag ka nga!" Speaking of Stef, kanina ko pa ito kinocontact pero panay lang naman ang ring ng cellphone nito. "Oo naman, maganda ka pa nga diyan eh." wala sa loob na nasabi ko... Pagtingin ko dito ay nagbablush nanaman. "Bolera ka rin eh no or talagang lahat nalang maganda sayo?" nakataas ang isang kilay na tanong nito. "Grabe sya oh! Ano akala mo sa akin... honestly, bihira nga ako makaappreciate ng itsura, kaya swerte mo no.. hahaha" sabi ko dito sabay kindat. Nakita ko nanaman ang pamumula ng mga pisngi nito... ang cute lang.. hehe. "Hay naku tigilan mo nga akong bakulaw ka!" at inirapan pa ko nito. Hmmm... bakulaw pala ha... "What did you just called me?" at unti unti kong inilapit ang aking mukha sa kanyang mukha. Napaatras naman ito at muntik ng makabangga ng waiter, buti nalang at naging maagap ako at nahapit ko siya sa kanyang beywang. Isang pulgada nalang ang distansya namin sa isat isa, ramdam ko na rin ang init at mabangong hininga nito...kaya hindi ko rin maiwasan hindi mapatitig sa kanyang mapupulang labi na tila ba nagaanyaya ng halik. "Hey Couz, Kari! Are you guys ok in here?" Agad naman humiwalay si Kari sa akin at umiwas ng tingin. Thanks Jaze, baka di ako nakapagpigil kung di ka pa dumating... Kari, what are you doing to me??? "Oh yeah, Couz' we're good... Congrats, daming tao." sabi ko dito. "Oo nga Couz', daming chikababes hahaha!"birong totoo nito. "But Kari here is one of a kind" sabay baling naman niya kay Kari. "Can I have your number please" Tumingin naman si Kari sa akin na tila ba humihingi ng saklolo. "Sad to say Couz, she can't, this girl is already taken." at ngumiti ako ng nakakaloko. "Oohh! Sayang naman." at pinalungkot pa nito ang kanyang mukha. "It's okay Jaze, dami ka pang makikilala diyan" sabi ni Kari at ngumiti ito. "Well, I hope I can find someone who's as beautiful as you." sabi nito sabay kindat. "Surely, you will" sagot ni Kari. "Basta kapag naging single ka, feel free to inform me, hahaha!" Sabay pang tumawa tong dalawang to... Saya niyo ha! Ewan ko ba, parang nainis pa ko bigla sa hayagang pagpapakita ni Jaze ng pagkagusto kay Kari. This girl really makes me feel weird... At kung anuman ito, I'll figure it out.... *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD