Chapter 13

1315 Words
"May mga taong ayaw kang mawala, pero hindi naman alam kung paano ka alagaan ng tama." KARI's POV 9:30 AM na pero wala pa rin si Flynn sa office, ano kaya nangyari dun? Wala naman akong text or tawag na natatanggap na di siya makakapasok ngayon... wala din naman siyang nabanggit kagabi bago umalis. Naputol ang aking pagiisip ng biglang bumukas ang pinto. Speaking of Bakulaw.... "Good morning Ms. Flynn" bati ko dito. . Tinanguan lang ako nito. Hmmm... mukhang bad mood ah... Tahimik lang itong nagayos ng mga gamit sa table niya. "What's my sched for today?" "Ahmmm...No scheduled meetings, nagcancel kasi si Mr. Llenares, may mga proposals lang na kailangan ireview and yung mga papers na kailangan pirmahan." "Bakit nagcancel?" kunot noong tanong nito. "May kailangan daw ayusin, legal matters sabi nung secretary niya." Tumango tango lang ito at pinagpatuloy na ang ginagawa. For sure hindi pa ito nagbebreakfast, dahil gaya ko, dito siya lagi nagaalmusal sa office. Hindi na ako nagtanong, ipinagtimpla ko nalang ito ng coffee at ipinatong sa table niya. May pagtatakang tumingin ito sa akin. "Baka kasi..ano...ah.. hindi ka pa... nagbebreakfast." alinlangan na sagot ko dito. Hindi ko kasi alam kung paano ko siya iaapproach.. nakakapanibago siya ngayon. "Thanks" sagot nito. Ngumiti man pero ang tipid. Ano bang nangyayari dito? Anong problema niya? Kahit di niya sabihin, ramdam ko na may pinagdadaanan ito. Mas gusto ko na yata yung Bakulaw na makulit, mapangasar at masayahin... kesa ganito siya. Gusto ko sanang tanungin kung tuloy mamaya yung deal namin, kaso baka wrong timing naman. Antayin ko nalang siguro na siya ang magopen tungkol dun. ------ Hay, nakakaantok naman! Sobrang tahimik dito sa loob ng opisina, parang wala akong kasama. Mula kaninang umaga hanggang ngayon maglalunch na ay hindi ko na narinig pang nagsalita si Flynn. May mga times na nakikita ko itong tulala, nakatingin sa kawalan tapos bubuntong hininga. Hindi ko namalayan na napako na pala ang tingin ko dito kaya naman ang gulat ko ng bigla siyang tumingin sa akin. "Yes Kari? Is there any problem?" Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sa kanya niyan? Nakatingin pa rin ito at nagaantay ng sagot. "Ha, ah.. ano.. ah.. wala naman, lunch break na..Una na ako." yun na lang ang nasabi ko at isa isa ko ng inayos yung mga kalat ko sa table. Tumayo ito at lumapit sa table ko. "Come with me." sabi nito "Huh?" "I said, come with me, let's have lunch, una na ko sa lobby" at lumabas na ito. Lunch date? Hahaha... assumera ng taon! Bago ako bumaba ay dumaan muna ako sa restroom para icheck ang itsura ko. I just put some blush on and lipstick, mahirap na, kahit bakulaw kasama ko, diyosa naman... ----- Flynn's POV Wala talaga akong balak pumasok ngayon, paano ba naman ang aga aga badtrip na ko dahil sa tawag ni Stef. Mula ng mahuli ko ito, kahit nasa Paris siya ay walang tigil ang pagtawag nito, pati na rin ang pagmemessage sa lahat ng social media accounts ko..... She's getting on my nerves! Sa tingin niya ba ganun lang kadaling kalimutan yung ginawa niya? Na kapag nagsorry siya magiging ok na? Mawawala na yung sakit na nararamdaman ko dahil sa panloloko niya? I can't just let it pass, and forgive her Pero dahil sa kasunduan namin ni Kari kaya ako napilitan pumasok... I don't know, but I am thrilled with the idea of living with her in the same roof for two weeks. Speaking of Kari... nasan na ba to? Mayamaya lang ay nakita ko na itong lumabas sa elevator... "You know I hate waiting." "Sorry dumaan pa kasi ako sa restroom." "Whatever, Lets go, Im starving." at hinawakan ko ito sa kamay para ayain palabas ng building. "Hindi tayo sa cafeteria?" tanong nito. "No." gusto kong kumain ngayon sa favorite restaurant ko... baka sakaling mabawasbawasan yung badtrip ko. 15mins. drive lang naman mula sa office yung restaurant. "Good afternoon Ms. Flynn" bati ni Grace, manager ng resto. "Hi Grace, table for two please" "This way Ma'am" Nang makaupo na kami ay ako na rin ang hinayaan niyang magorder. "Seryoso? Kaya mong ubusin lahat yan?" gulat na gulat na tanong nito ng dumating lahat ng inorder ko. Anong magagawa ko eh sa gutom talaga ako, ilang araw na rin akong hindi nakakakain ng ayos..... at stress ako! "Natin, tayong dalawa ang uubos lahat nito." pagtatama ko sa sinabi niya. "Daig pa natin bibitayin nito eh." naiiling na sabi nito habang nakangiti. Hindi ko naman maiwasan hindi mangiti, pano ba naman nakakahawa ang ngiti nito.. "Kumain ka nalang, dami mo talagang alam." Inirapan lang ako nito at nagumpisa na rin kumain. "So, are you ready?" tanong ko dito. "Huh?" "ARe you ready to start the happiest days of your life? Hahaha!" natatawa kong sagot dito. "Sus, akala ko naman kung anu na, Oo, nakapagpaalam na ko kay Nanay.... bigay mo nalang address mo sa akin, nasa bahay pa kasi yung mga gamit ko." "I'll go with you." "Ha? Naku wag na, maaabala ka pa, magtaxi nalang ako." sabi nito. "No, I want to go with you, baka maligaw ka, mahirap na, ikaw pa eh minsan maypagka ano ka... hahaha!" "May pagka ano!?" salubong ang kilay na tanong nito. "Hahaha! Wala, basta sasamahan kita, end of discussion." " Ano pa nga ba? Kailan ba ko nanalo sayo." sabi nito. "Hahaha, Never, kaya wag ka ng makipagtalo." As usual, inirapan nanaman ako nito. ....... "Kunwari ka pa, eh ang dami mo rin nakain." pangaasar ko dito habang papasok kami sa loob ng building. "Excuse me, tinulungan lang kita sayang naman kasi kung di mauubos." sagot nito, ng biglang matigilan sa paglalakad "Babe" si Nico, at may dala dala pa itong bulaklak. The nerve! Tibay ng mukha nitong mokong na to! Inaantay ko itong tumingin sa akin pero sadyang umiiwas ito ng tingin. "Ms. Flynn, ok lang po ba kakausapin ko lang saglit, susunod nalang ako. " Nagkibit balikat lang ako at dumerecho na sa elevator. Ewan ko pero parang may kumurot sa puso ko ng makita kong parang may saya sa mga mata ni Kari ng makita ito. Hindi naman nagtagal ay pumasok na rin ito sa opisina ko, dala dala yung bulaklak na bigay ni mokong..... at may ngiting tagumpay... tsk! Mukhang nabola nanaman. "You're smiling like an idiot" sabi ko dito sabay smirk. "Idiot agad?Hindi ba pwedeng masaya lang?" "So, I guess ok na kayo?" Wtf Flynn!? Nagtanong ka talaga? Tumango ito at ngumiti. "Nagexplain naman na siya kung bakit hindi siya nakarating kagabi...birthday ng boss niya hindi siya makaalis, kaya yun." "And you actually believe in that excuse?" "Hmm.. Bakit naman hindi? Eh kung ganun naman talaga nangyari, saka tapos na yun, ang importante nagpunta siya, nagsorry at ngayon ok na kami" nakangiting sabi nito habang nakatitig sa bulaklak. "So ganun lang yun, ok na agad sayo?" "Oo, kasi kung paiiralin ko pa yung pride ko, baka mas lalong gumulo." Tsk! This girl is really impossible! Kaya naman pala naloloko eh, ang bilis maniwala! Kung alam mo lang! Hay naku! Naiiling nalang ako at pinagpatuloy na ang pagpirma sa mga papeles na nasa table ko. "Ganun naman dapat talaga diba kapag mahal mo? Siguro naman kay Ms. Stef, ganito ka rin diba?" Saglit akong natigil sa sinabi nito. Yes, before I was like her, hindi ko kayang tiisin si Stef... pero what she did this time was really unacceptable. I just shrugged my shoulders, ayokong pagusapan si Stef. "Mali ba ko?If ever na sayo mangyari yun, hindi mo siya agad patatawarin?" "Please, Enough of Stef! I dont wanna talk about her! " at medyo napagtaasan ko ito ng boses, na syang kinagulat naman niya. "Ahmm... ah.. I'm sorry" sabi nito. Fuck! Badtrip na nga ako sa kanya, idagdag pa yung pagkabadtrip ko kay Stef. Tsk! E di wow! "I need some air." Tumayo ako at lumabas ng opisina. *******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD