Chapter 14

1380 Words
"Nakakalungkot lang isipin na ang mga bagay na nagpapasaya sayo noon ay ang mga bagay kung bakit ka malungkot ngayon." Kari's POV "Pano Nay, alis na po kami, kapag may problema or kung anuman, text niyo lang ako.. saka kapag naman po hindi busy sa seminar, uuwi ako." Wala na akong ibang naisip pang dahilan, kunwari ay meron kaming seminar at sa isang hotel gagawin, doon kami tutuloy. "Hay naku Nak, wag mo kong intindihin, ke lakas lakas ko pa, saka nga pala Flynn, anak, salamat at pinagstay mo muna dito si Gina ha, mabuti at may makakakwentuhan manlang ako." "Wala yun Nay, para may kasama din kayo habang nasa seminar kami ni Kari." at saglit na tumingin sa akin. Mula kanina sa office hanggang sa makarating kami dito sa bahay namin ay tahimik lang ito. Honestly, nabigla talaga ako sa kanya kanina.. posible nga kayang may problema sila ni Ms. Stef? Hay Kari! Ano naman ngayon sayo? Concerned masyado? "Lets go?" "Ah, oo sige, lika na.. Nay sige po." at nagmano ako kay Nanay. "Nay, alis na po kami." paalam din ni Flynn, at nagmano rin. "Sige, magiingat kayo ha." "Gina, ikaw na bahala, if there's any problem, just give me a call." bilin naman nito sa personal maid niya. "Opo Ms. Flynn." Bubuhatin ko na sana ang bag ko ng bigla nitong kunin at derederechong lumabas ng bahay kaya sumunod nalang ako. "Let's have dinner first, then supermarket, wala akong stocks sa unit ko." Tumango lang ako.... pero sa labas ako nakatingin... Ewan ko ba, mula kanina ng mangyari yun ay hindi ako makatingin ng derecho sa kanya.. Inaantay kong umandar ang sasakyan pero ilang minuto na ay hindi pa rin nito binubuhay ang makina. Pagtingin ko dito ay nakatingin din pala sa akin... "Ahmm.... may problema ba?" medyo alinlangan na tanong ko dito. Bumuntong hininga pa ito... bago nagsalita... "Look...ahmm... about what happened a while ago... Im sorry., nabigla lang ako.." I can see sincerity in her eyes.... "Ok lang yun, maybe I also crossed the line...?" " No... it's just, Stef and I... Ahmm... we're not in good terms right now, kaya hindi ako comfortable pagusapan siya." then again she sighed... at ramdam ko ang bigat ng pinagdadaanan niya. Sabi ko na eh, kaya pala ganyan siya... kaya pala panay ang hugot kanina pa... tapos natutulala. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at hinawakan ko ito sa kanyang kamay na nakapatong sa manibela. "I'm sorry... kung ano man pinagdadaanan niyo... sana maayos din agad." Umiwas ito ng tingin... "I dont know....I dont think so." and for the nth time, isang malalim na buntong hininga nanaman ang pinakawalan nito. Gustuhin ko man siyang tanungin kung bakit, pero pinigilan ko nalang ang sarili ko, dahil sabi nga nya, ayaw niyang pagusapan ang tungkol kay Stef. "Anyway, Lets go, gutom na talaga ko." sabi niya at ngumiti... pero bakas pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata. Ilang minuto rin ang lumipas at huminto kami sa harap ng McDonalds. "Ok lang ba dito tayo kumain?Namimiss ko na kasi yung fries nila." sabay kamot sa kanyang noo na para bang nahihiya pa. Hahaha! Ang cute niya lang tignan..... kaya naman hindi ko naiwasan ngumiti. "Is there something funny about what I said?" kunot noong tanong nito. "Ha? Ah, ano hindi, wala... natutuwa lang ako sayo." "So pinagtatawanan mo ko?" "Excuse me, ang sabi ko, natutuwa, hindi natatawa." at inirapan ko ito. . "Hahaha! Sungit mo talaga no!" at pinisil ang aking ilong. "Tsk!. Ano ba, hilig mo ba talagang mangganyan? " "No, actually sayo lang... ang cute mo kasi eh, lalo na pagnabibiwisit... lumalaki yung butas ng ilong.. hahahaha!" Tignan mo tong taong to, may saltik yata talaga... kanina sobrang lungkot, tapos ngayon tawang tawa sa pangbibwisit niya. Pero mas ok na rin naman to, kaysa sobrang tahimik niya... atleast sa pangaasar niya napapangiti ko siya..... hindi nga lang ngiti eh, tawa pa. . Flynn's POV Until now, I still can't believe na nagawa kong magsorry kay Kari....although I know its my fault naman talaga, napagtaasan ko siya ng boses, to think na wala naman siyang ka alam alam sa pinagdadaanan ko ngayon... but im not really the type of person na madaling magsorry, kahit pa kasalanan ko, maybe because of my pride, masyadong mataas... at bukod tanging kay Stef lang hindi umiiral ang pride ko.... I chose not to tell her the real score between me and Stef, para hindi na humaba pa .. at hindi ko pa rin kasi kayang pagusapan yun nangyari. After namin kumain ay dumerecho na kami sa supermarket na malapit doon. "Flynn, Ok lang restroom muna ako.." paalam nito. "Sure, I'll just wait for you here." Habang nagaantay ay nagtingin tingin muna ako ng magazines na nakadisplay malapit sa entrance ng supermarket, ng mahagip ng aking paningin ang taong papasok... si Janiz! Shit! What if kasama nito si Nico? Paano si Kari? Bago pa man makabalik si Kari ay nilapitan ko na ito. "Hey! Janiz." "Uy, Flynn, Hi! What are you doing here?" "Grocery, ikaw? Sinong kasama mo?" "Si Nico, nagpapark lang." "Ohhh.. ok, cge Janiz, I gotta go, message nalang ako sa get together natin." "Yeah sure!" I run as fast as I can towards the parking lot.... sakto naman na nakalabas na ng sasakyan si Nico... nilapitan ko agad ito at medyo nagulat pa ng makita ako. "Im with Kari." wala ng paligoy ligoy pa. Bakas sa mukha nito ang takot at pagkabigla. "Hanggang kailan mo siya balak lokohin?" Pasalamat kang mokong ka, kaya ko pang controlin sarili ko, sarap sapakin! "Look, please, nakikiusap ako, humahanap lang ako ng tiyempo para hiwalayan si Janiz, mahal ko si Kari,ntatakot lang ako sa pwedeng gawin ulit ni Janiz sa sarili niya." pakiusap nito. Anong pinagsasasabi nito?? "What do you mean?" "I think this is not the right time para pagusapan yun, pero please, pakiusap, wag sanang makarating kay Kari, i love her so much.... please, nakikiusap ako sayo.... aayusin ko to. " patuloy na pkikiusap nito. "1 week! Im giving you one week para tapusin ang dapat tapusin, or else, ako mismo ang magsasabi kay Kari." Siguro naman sapat na yung isang linggo para magawa niya yun.... dahil kung hindi, Ako na talaga ang magsasabi. "Thank you." sabi nito. "Im only doing this for Kari....mahal ka niya, kaya magisip ka!" at tinalikuran ko na ito para bumalik sa loob ng supermarket...siguradong hinahanap na ako ni Kari. Pagpasok ko ay nakita ko itong palingon lingon. "Hey, lets just go home." at hinila ko na ito palabas. "Ha?Bakit?Akala ko mag grocery tayo." "Bukas nalang, sumakit bigla yung ulo ko." At pinaandar ko na agad ang sasakyan. "Ok ka lang ba? May gamot ako dito." "Im ok, Tulog lang kailangan ko." Sinulyapan ko ito at nginitian. "Thanks anyway." "Sus! Maliit na bagay." nakangiting sagot naman niya. I couldn't just imagine, paano nagawang lokohin ng mokong na yun ang katulad ni Kari... Aside from being beautiful, I know she also has a good heart... an ideal girl.... parang ang sarap niyang magmahal at mahalin? ..... What?? Ano ba tong mga iniisip ko?? Tsk! Umayos ka Flynn! At dahil masyadong occupied ni Kari ang isip ko, hindi ko napansin na may kausap pala ito sa fone. Malamang si Mokong yun at kung anu anong kasinungalingan na naman ang sinasabi. "Hindi pa ako sure, bahala na... text nalang kita Babe bukas if pwede." narinig kong sabi nito. Nang matapos ang pakikipagusap nito ay saktong nasa condo na kami. Kinuha ko ang bag niya na nasa likod ng sasakyan. "Ako ng magbubuhat nyan, magaan lang naman."sabi nito. Pero hindi ko ito pinansin, sa halip ay binuhat ko yung bag niya at hinila na siya papasok sa loob. nang makapasok kami sa elevator ay nakasimangot ito. "Anong mukha yan?" "Ang hilig mong manghila kasi eh." "Baka kasi tumakas ka,hahaha!" Inirapan lang ako nito... "Dont worry, may isang salita ako no!" "Baka kasi magbago isip mo, sayang naman yung opportunity mo na makasama ko... hahaha!" "Wow! Grabe ha... once in a lifetime experience ba?" "Oo naman, I told you, happiest days of your life ang experience... hahaha!" "Anong masaya sa pagiging katulong mo??" "Hahaha, marami, just wait and see." at kinindatan ko pa ito para mas lalong maasar. "Whatever!" ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD