"Hindi lahat ng sumusuko ay mahina at talonan. May mga bagay at tao lang talaga na dapat sukuan para hindi na masaktan."
Kari's POV
Kanina pa ako paikot ikot dito sa higaan ko pero hindi pa rin ako dinadalaw ni haring antok...pasado alas onse na.... kasi naman sobrang lamig kaya dito... hindi pa naman ako sanay matulog sa aircon.
Grabe naman kasi tong bahay ni Bakulaw, para akong nasa hotel, malayo sa iniisip ko na mga condo units na simple lang.
Kung sabagay, what do you expect from a CEO's daughter, titira sa isang simpleng condo?
Combination of black, gray and white ang motif ng unit niya, very manly, parang di babae ang nakatira...
Actually, itong guestroom, parang masters bedroom na nga eh, what more pa kaya sa kwarto niya?
Pero nakakalungkot naman kasi magisa lang siya dito, tapos ang laki laki pa.... mas ok na siguro sa akin na sa simpleng tirahan lang pero kasama ko naman ang family ko.....
Hay! Di talaga ako makatulog... makapunta nga muna sa may kitchen, parang bigla pa akong nauhaw.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto at naglakad patungong kitchen... baka kasi tulog na si bakulaw, ayaw ko naman makaistorbo.
Pero nagulat pa ako ng makita ko itong nakaupo sa mini bar.. nakatitig ito sa hawak niyang basong may lamang alak...
Bago pa niya ko mapansin ay tumalikod agad ako para sana bumalik sa kwarto, pero nakita niya pala ako...
"Hey... where are you going?" tanong nito.
Napahinto ako at humrap sa kaniya...
"What?Do you need anything? " tanong ulit nito.
Lumapit ako sa kanya...
"Kukuha lang ako ng tubig." at pumunta ako sa pinaka kitchen para kumuha ng baso at tubig sa ref.
"Can't sleep?"
Tumango ako... "Ikaw din?"
"Yeah.. nagpapaantok lang."
"Ah... ok ka na ba? Hindi na masakit ulo mo?"Lumapit ulit ako sa pwesto niya.
Nagtanong ka pa Kari, eh kita mo nga umiinom na ng alak, so malamang hindi na... tsk!
Pero hindi ako sinagot nito, nagpatuloy lang sa paginom..
Mukhang malaki talaga ang problema nila ni Ms. Stef.... sobrang seryoso nito at mukhang nakakarami na ng naiinom...
Babalik na sana ako sa kwarto ko ng masalita ito...
"Im not ok..."
Napahinto ako at lumingon sa kanya....
May mga mumunting butil ng luha ang pumatak mula sa kanyang mga mata..
"Flynn"
Yumuko ito, at mabilis na pinahid ang kanyang mga luha..
I saw pain in her eyes...
I know she's hurting.... at kailangan niya ng mapapagsabihan...
Nilapitan ko ito at walang alinlangan niyakap...
I felt her shoulders shaking....... umiiyak ito.
"Sshhh... everything will be ok... kung ano man yan pinagdadaanan mo, if you need someone to talk to, nandito lang ako" habang hinahagod ko ang kanyang likod.
Ibang ibang Flynn ang nakikita ko ngayon... she's weak and so fragile...
Mayamaya lang ay tumigil na ito sa pagiyak at humiwalay sa akin...
Nagsalin muli ito ng alak sa kanyang baso at ininom ito.
"She cheated on me." sabi nito at tumingin sa akin. " Remember the night na sinurprise ko siya?The night before siya pumuntang Paris."
Tumango ako... alam ko yun, dahil ako pa nga ang nagsuggest sa kanya nun.
" I saw her with a guy sa unit niya.. and based on their looks that time, i know they're having s*x" at tumawa ito ng pagak... kitang kita ko din ang paghigpit ng hawak niya sa baso.
Shocks! Kaya pala nagkakaganito siya... Grabe naman yon.
"Mahal na mahal ko siya, ibinigay ko naman lahat, hindi pa ba sapat yun? Am I still not enough? kailangan pa niyang maghanap ng iba?Anong mali sa akin? s**t!" at agad nitong pinahid muli ang mga luhang naguunahan na naman sa pagpatak.
I grabbed her hands... this is the only way I know to make her feel better...na iparamdam na nandito ako para sa kanya.
"Hey, it wasn't your fault... Huwag mong sisihin yung sarili mo sa nangyari... dahil minsan, kahit ibinigay na natin ang lahat lahat, hindi pa rin sapat yun para mahalin tayo ng tapat... kung alam mong ginawa mo naman ang tama, then don't put the blame on yourself .. chouce niya yun at dahil don, siya ang nawalan hindi ikaw."
I know exactly how it feels, yung sobra kang nagtiwala .... twice na akong naloko ni Nico, at talagang masakit yun....Mahal ko kang talaga siya ng sobra, kaya if ever na ulitin ulit ni Nico yun, hindi ko na alam kung paano ko pa haharapin ang sakit ng paulit ulit na maloko.
Tumingin ito sa akin at ngumiti...."Thank you."
I smiled back and tap her shoulder..... "Ok lang yan... take a rest.... tomorrow is another day.. alam kong kaya mo yan, ikaw pa eh Bakulaw ka, hahaha!"
Tumayo ito at bigla akong hinapit sa aking beywang... "Did you just called me, Bakulaw?"
Oh my, Im dead!
Sobrang lapit namin sa isat isa....anong balak nito?
"Eh, ano, ah, nabigla lang ako... Sorry" at nag peace sign ako dito habang unti unti kong iniiwas ang aking mukha.
Mas lalo pa niya akong hinapit palapit sa kanya at muling inilapit ang kanyang mukha kaya napapikit na lang ako...
Juicecolored, bahala na!
"I'll let it pass this time, kasi pinagaan mo yung loob ko.. but, i swear this will be the last."bulong nito malapit sa aking tainga... randam ko pa ang init ng kanyang hininga na nagbigay ng goosebump sa akin...
Shucks! Ang puso ko grabe ang kaba..
Pagkatapos sabihin yun ay bumitiw na ito at sukat tumawa ng tumawa...
"Hahaha! Come on, open your eyes, mahirap matulog ng nakatayo... Hahahaha!"
Tsk! lakas talaga mangbwisit nito.
I opened my eyes and glared at her...
"Pangasar ka talaga eh no!"
"Hahaha! Nakakatakot ka talaga... Lika na nga, tulog na tayo, maaga pa bukas." inakbayan ako nito at iginaya na papunta sa room ko.
"Goodnight, dream of me ok! hahaha!"
"Mukha mo!"
"Hahaha maganda!, pero seriously, thank you for making me feel better." humalik ito sa aking pisngi. "Goodnight Kari"at pumasok na ito sa room niya na katapat ng room ko....
Samantalang para naman akong napako sa kinatatayuan ko...
She kissed me? She actually kissed me!
Tsk! Sa pisngi ka lang hinalikan Kari! Wag kang OA.... sabi naman ng inner self ko.
Hanggang sa makatulog ako ay hindi mawalawala sa isip ko yung kiss na yun, yung feeling actually, para kasi akong nakuryente, tapos biglang bumilis yung t***k ng puso ko....
Weird...
-----
Flynn's POV
6am na pala... parang kakatulog ko palang ah..
I remembered what happened last night.....the way Kari comforted me really helped me a lot... nabawasan yung bigat ng nararamdaman ko.... at some point, tama naman siya eh, ginawa ko naman ang lahat, ginawa ko ang tama, kaya hindi ko dapat sisihin ang sarili ko.... maybe we're not just really meant for each other....
Speaking of Kari, Gising na kaya ito?
I got up in bed to check on her...
Pagbukas ko ng pinto ng kwarto, alam ko ng gising na ito, dahil naamoy ko yung nakakagutom na amoy ng sinangag...
Pero sa halip na magtuloy sa kitchen ay bumalik na muna ako sa kwarto para maligo at magayos... nakakahiya naman kung lalabas ako na ganito ang itsura ko.
Wait, since when did you got conscious with your looks Flynn?
tanong ko sa sarili ko... tsk! ah basta....
After kong makaligo at makapagbihis ay lumabas na ako... pagbukas ko ng pinto ay siyang labas din ni Kari sa kwarto nito....
Bagong ligo and well dressed up...
Good thing at nagdecide ako na mag ayos na rin...
Saglit akong napatitig dito.....
"Goodmorning" nakangiting bati nito. "Akala ko tulog ka pa, gigisingin na nga sana kita eh."
Pero prang hindi ko narinig ang sinabi nito.... para akong namagnet ng mga ngiti niya...
"Uy, Flynn!" tawag nito.
Bigla naman akong natauhan ng banggitin nito ang pangalan ko.
"Ha? Ahmm... No, actually kanina pa ako gising, akala ko nga ikaw ang tulog pa eh." pagdadahilan ko dito.
"Ako pa, maaga kaya akong nagigising, nakaluto na nga ako ng breakfast eh, tara." at nauna na itong naglakad.
Hindi ko nanaman naiwasan hindi ito pagmasdan.
She looks gorgeous and sophisticated on her three piece business suit... na bumagay sa height at curve ng katawan niya..
Gosh, Did I just checked her out.... again? Napapadalas ah..... tsk! Anong nangyayari sayo Flynn?
Weird...
"Hmmmm! Ang bango ah, masarap naman kaya?"
"Naman! Ako pa ba, kaya maupo ka na diyan." sabi nito habang naglalagay ng mga plato.
"Sus, puros fried lang naman yan niluto mo, fried rice, omelet at bacon... hahaha!"
"Wow, ang aga mong mang asar ha?Anong magagawa ko yan lang ang laman ng ref mo? Tikman mo nalang kaya, kesa mambwisit ka dyan." mataray na sabi nito.
"Hahaha! I told you naman diba, walang akong stocks"
"Pero beer meron?"
"Hahaha! Well, thats life... welcome to my world!"
"Sus, dami mong alam, kain na."
Infairness, masarap nga yung fried rice niya at omelette..
"Oh diba? masarap?"
"Pwede na...pwede ng pagtiyagaan"
Sinamaan ako ng tingin nito...
"What?" pigil ang tawang tanong ko dito.
"Pwede lang pala ha,dont worry last mo na yan."
"Hahaha! Grabe siya... I was just kidding...ang totoo masarap,. sisirain mo diet ko."
"Hahaha! Diet ka pa ng lagay na yan?Eh kaya nga kita natawag na bakukaw kasi grabe ka kumain, tapos diet?"
"Well, anong magagawa ko, gifted ako"natatawang sagot nito.
"Tsk! Yabang!"
Natawa nalang ako sa tinuran nito...
Kung ganito ba naman lagi, ang saya gumising araw araw...
******