"Minsan kailangan mo din ngumiti para malaman nila na kahit nasasaktan ka, kinakaya mo pa."
Kari's POV
"Sure ka bang ok lang na makita nila ako na kasabay mong pumapasok?" tanong ko dito habang papasok kami ng building, may ilan kasi na nakita akong lumabas ng sasakyan niya.
At kitang kita ko ang ibat ibang tingin nila.. at puros nega... tsk!
"Why? Any problem with that?"
"Baka lang kasi maging issue, alam mo na, anak ka ng CEO , at boss kita."
"And so? The hell I care, isipin na nila gusto nilang isipin... besides you're my assistant, dapat lang naman na lagi kitang kasama diba?"
"Sa ganitong kaaga?"
Nagkibit balikat lang ito...
"Pwede naman kasi akong mag commute nalang."
"Ha-ha-ha, joke ba yun Kari?" kunwari'y natatawa ito sa sinabi ko... pero obvious naman na nangaasar lang...
"Flynn, I mean Ms. Flynn." pagtatama ko, nasa office na nga pala kami, buti nalang at wala kaming kasabay sa elevator.
"Kari, enough ok, ayokong makipagtalo sayo, ang aga aga... basta kapag sinabi kong walang problema, wala ok?"
I just rolled my eyes....
"Hay... ok sige na, panalo ka nanaman."
"Hahaha, I told you... you'll never win... kaya wag ng makulit."
Paglabas namin ng elevator ay pumunta muna ako ng restroom, pero hindi para sa kung ano man, nagdahilan lang ako para hindi naman obvious na magkasabay kaming pumasok.
Ewan ko ba, nahihiya kasi ako kapag may nakakakita sa amin ni Flynn... natatakot ako sa pwede nilang sabihin sa akin or majudge ba ng iba.... syempre, Flynn is not just an ordinary person, gaya nga ng sabi ko CEO's daughter at Boss ko pa...
Kahit pa ba assistant ako nito... hindi ko pa rin maiwasan di magalala sa sasabihin ng iba...
Palabas na ako ng restroom ng siya naman pagpasok ni Beshy..
"Oh, Beshy, kakadating mo lang? Hindi kayo sabay ni Ms. Flynn?" tanong nito.
"Sssshh! Wag ka ngang maingay diyan, mamaya may makarinig sayo." saway ko dito, akala mo kasi may built in megaphone.
"Sus, eh ano naman Beshy? May problema ba dun?" kunot noong tumingin ito sa akin habang naghuhugas ng kamay.
Seriously? Ako lang ba ang may problema dun?
"Hay, parehas na parehas kayo ni Flynn ng sinabi, di niyo ba nagegets yung point ko?"
"Eh ano ba kasi yung point mo?Wala naman akong nakikitang masama?"
"Ang point ko, baka maging issue yun, alam mo na, maraming chismis sa paligid, baka sabihin, sipsip ako or something, ah basta, ayokong majudge ng ibang tao dahil sa pagiging malapit ko lagi kay Flynn."
"Jusko Besh! Hayaan mo sila... besides, acting assistant ka ni Ms. Flynn ngayon, natural lang na lagi kayo magkasama."
"I know, pero yung papasok kami ng sabay sa umaga, tapos may mga nakakakita pa na nakasakay ako sa sasakyan niya papasok at pauwi, hindi normal yun sa isang assistant." paliwanag ko dito.
"Oh eh two weeks lang naman yun Beshy, mabilis ang araw."
"Oo, mabilis din ang chismis Beshy."
"Hahaha, mabilis din lilipas yun, kaya hayaan mo silang mga inggitera dyan!" umangkla pa ito sa akin palabas. "Kwentuhan mo nalang ako, how was your first night with her? Ayiee!" may halong panunukso nito.
"First night talaga beshy, hahaha, wala eh di pagdating sa bahay, tulog... ano naman iniisip mo na gagawin namin?" well, yeah she's my bestfriend, pero what happened last night, siguro hindi na dapat ikwento pa,.... Flynn trusted me.
"Hala ang defensive niya oh! Hahaha!"
"Ayusin mo kasi pagtatanong mo Beshy, may laman eh.... tsk! Dyan ka na nga." at nagpatiuna na ako sa paglalakad.
Humabol naman ito... at di pa talaga siya nakuntento...
"Hahaha, wala kaya, defensive ka lang talaga.... don't worry Beshy, willing to wait sa mga chika mo... Hahaha!" sabi nito at nagtatakbo na.. dahil alam niyang makakatikim siya sa akin ng kurot.
Naiiling nalang akong pumasok sa loob ng office ni Flynn.
"What took you so long? Are you ok?"
"Sorry, kinausap ko lang si Anne... Oo naman, ok ako.... ikaw ok ka na ba?"
"Yeah... somehow." nakangiting sagot nito... yung totoong ngiti, hindi yung pinilit lang.
"Good."nakangiti ko din sagot dito.
Saglit kaming nagkatitigan, eto nanaman ang kaba sa aking dibdib....
"So, What's my sched for today?" tanong nito, at binaling ang tingin sa monitor ng laptop niya.
"Ahmm... wait check ko lang."
Tsk! Anu ba Kari? May sakit ka na ba sa puso, bakit nadadalas ang mabilis na pagtibok ng puso mo?
"Meeting with the board members at 10am, then meeting with the marketing department at 2pm and last, dinner with your family, 7pm sharp."
"Ngayon pala yung dinner namin nila Mom?"
"Yup."
"I'll drop you off sa condo, before ako pumunta sa dinner."
Pano ko ba sasabihin to.....
"Ahmmm.... No need, kasi ano... susunduin ako ni Nico, siya nalang maghahatid sa akin."
Kunot noong tumingin ito sa akin..
"Does he know about the bet? that you're staying with me for two weeks?"
"Hindi pa.... pero sasabihin ko mamaya."
"Do you think he'll get mad?"
"Hmmm...hindi ko alam, maybe?"
"Do you want me to talk to him?"
"Naku, wag na, kaya ko na yun, besides may kasalanan din naman siya eh."
"Are you sure?" at seryosong seryosong nakatuon ang tingin sa akin.
"Oo naman... hahaha, nu ka ba napakaseryoso mo naman, kaya ko na yun."at umiwas ako sa nakakatunaw niyang titig.... dinaan ko nalang sa biro ito...masyado kasing seryoso... or should I say masyado siyang concern... not the typical Bakulaw na nakilala ko.... nakakapanibago.
"I just dont want you to get hurt." she whispered, pero hindi yun nakatakas sa pandinig ko...pagtingin ko dito ay pinagpatuloy na ang ginagawa niya
Wait? Tama ba yung narinig ko?
Tinignan ko ulit ito... sakto naman ay tumingin din ito.. at ngumiti.
Juicecolored! Ayan na naman yung mga ngiti niya...kinikilig ako??
Tsk! Karishma, umayos ka ha! Straight ka na diba! At hello, may Nico ka na... saway ng isipan ko.
Para naman bigla akong naguilty dun, subsob sa trabajo si Nico tapos ako kung anu ano iniisip ko.... Hay! makapagtrabaho na nga lang din.
Flynn's POV
May family dinner kami tonight, paguusapan kasi namin ang nalalapit na engagement ni Kuya Blue...
Lumalagay na sa tahimik ang dalawa kong kapatid, ako kaya kailan?
Malapit na rin sana, kundi lang nangyari yun.. may plano na akong magpropose kay Stef... akala ko kasi talaga, siya na...
Speaking of Stef, 2 days na rin itong di tumatawag... siguro napagisip isip na rin niya yung ginawa niya... at alam niyang this time hindi ko na siya mapapatawad...
"I'll drop you off sa condo, before ako pumunta sa dinner."
"Ahmmm.... No need, kasi ano... susunduin ako ni Nico, siya nalang maghahatid sa akin." medyo nahihiya pang sagot nito.
Ohhh.... okay... alam na kaya ni Mokong yung pustahan namin ni Kari?
"Does he know about the bet? that you're staying with me for two weeks?" tanong ko dito.
"Hindi pa.... pero sasabihin ko mamaya."
Ano kayang magiging reaction ng mokong na yun kapag nalaman niya na kasama ko ang gf niya ng 2 weeks sa isang bahay... hahaha, I couldn't just imagine.
"Do you think he'll get mad?"
"Hmmm...hindi ko alam, maybe?"
"Do you want me to talk to him?"
"Naku, wag na, kaya ko na yun, besides may kasalanan din naman siya eh."
Well, yeah tama may kasalanan talaga siya sayo...malaki...
Hindi ko nanaman maiwasan hindi makaramdam ng inis sa lalaking yun.
"Are you sure?"
"Oo naman... hahaha, nu ka ba napakaseryoso mo naman, kaya ko na yun."pabirong sagot nito sabay iwas ng tingin...
Hay, bakit ba hindi ko maiwasan di magalala para sayo?Ah. Siguro dahil sa kindness and concern na pinakita niya sa akin...
"I just dont want you to get hurt."
Wait, narinig niya kaya? Supposedly, sa isip ko lang dapat yun... tsk!
Pagtingin ko dito ay mukhang narinig nga niya at di makapaniwala...
I just smiled at her para medyo di obvious na di sinasadya... hahaha..
-----
Saktong 5pm ng mgout si Kari, tsk!... mukhang excited sa pagkikita nila ni Mokong ah...
Since 6pm ko pa balak umalis dito sa office, nagopen muna ako ng mga social media accounts ko...
Pagbukas ko palang ng sss, my messages at message agad ni Stef ang bumungad sa akin.
Stefanie Johnson
Hon, please, lets talk, I'll be back two weeks from now, magusap tayo.... Im sorry, forgive me please..
Haist! Ano ba mahirap intindihin sa salitang AYOKO NA??
Para kasing lahat ng pagmamahal ko sa kanya ay napalitan na ng galit dahil sa ginawa niya...
Ilang beses na ba ko nagpakatanga sa kanya, ilang beses ko na siyang nahuling lumalabas na may kasamang ibang lalaki.. but I always believed in what she says... kaibigan, katrabaho, kakilala, yan ang mga lagi niyang dahilan... at dahil mahal ko, naniniwala ako.
Hay... bakit nga ba pagnagmahal ka, kahit anong talino mo, nagiging tanga ka...
Kring! Kring!
Mom calling...
"hello, mom"
"Honey, remind lang kita sa dinner ok, Don't be late, you know naman your Dad."
"Yes mom, I won't be late, promise, In fact, I am about to go now."
"Ok, drive safely honey, bye"
"I will, bye mom." at inend ko na ang call.
Nagpasya na akong umalis dahil mahirap na malate, ayaw na ayaw pa naman ng Daddy ko ang late...
While driving... I saw a familiar built walking on the side street....
Kari??
Bakit siya nandito??
Beep! Beep!
Huminto naman ito...
Binuksan ko yung salamin sa passengers side...
"What are you doing here? Where are you going?"
Hindi agad ito nakasagot, mukhang nagiisip pa ng alibi niya...
"Ha am... ano. kasi."
I knew it! hindi siya sinipot ng magaling niyang boyfriend.
I opened the door...
"Hop in!"
"Ha?"
"I said hop in!"
At dahil nagcause na kami ng traffic ay napilitan na itong sumakay.
"Flynn anong ginagawa mo?"
"Driving."
She rollled eyes... cute!
"I know, I mean ibaba mo ko, kaya ko naman umuwi."
"You're coming with me."
********