"Minsan konting panahon lang ang kailangan mo para malaman mo kung ano ba talaga ang hinahanap mo."
KARI's POV
"You're coming with me." seryosong sabi nito.
"Ha? Naku Flynn, huwag na, ibaba mo na ko sa tabi, nakakahiya family dinner niyo yun."
"Family dinner lang tawag nila, pero for sure may mga ibang tao din dun... kaya ok lang."
"Pero Flynn.."
"Kari please! Lagi ka nalang ba makikipgtalo sa akin?"
"Lagi nalang din ba akong susunod sa gusto mo?" at napabuntong hininga ako.
"Yes"
.
Kunot noo akong napatingin dito.
"2 weeks, remember?" tinapunan ako ng tingin nito at may pagkindat pa.
Naiiling nalang ako, dahil kahit anong pakikipagtalo pa ang gawin ko, mukhang hindi rin naman ako mananalo, kaya pagtyagaan ko nalang ang 2 weeks...
"So what happened?" tanong nito pero nakasentro ang atensyon sa pagmamaneho.
"Huh?"
"Why didnt he come?"
"Emergency meeting daw" sagot ko dito, pero sa labas nakatingin.
"Tsk! excuses.... naniwala ka naman?"
"Sabi niya eh... anong magagawa ko."
"For Pete's sake Kari!. Hindi lahat ng sasabihin niya sayo paniniwalaan mo." may diin sabi nito.
Wait... bakit parang mas galit pa siya kaysa sa akin?
May pagtatakang tumingin ako dito...
"What?" tinapunan lang ako ng tingin nito.
"Bakit ka galit?"
I heard she sighed... "Of course not."
"Galit ka eh."
"No, I'm not."
"Di nga?"
Bigla nitong itinabi sa gilid ang sasakyan at humarap sa akin..
"Fine, sige nga sabihin mo sa akin kung anong kagalit galit dun?"
I can't stand the way she looks at me kaya napayuko nalang ako. .. galit nga talaga ito...
"He just made you look stupid sa paghihintay sa kanya, anong nakakagalit dun? Meron ba!?"
Leche naman Bakulaw ka eh, ayoko na ngang isipin, ipamukha pa ba talaga!?
Hindi ko naman naiwasan hindi mapaluha... Oo na, mukha na ngang tanga eh... umasa nanaman ako....
Mukhang napansin naman niya ito...
"Hey.. Look at me." at pilit nitong inihaharap sa kanya ang aking mukha... gusto ko sanang umiwas pero mapilit ito.
"Im sorry... hindi ako sayo galit ok." sabi nito habang pinupunasan ang aking luha. "Naiinis ako sa ginawa nanaman sayo ng mokong na yun... pinaasa ka nanaman........ and one thing , I don't like the idea of you, walking down the streets all alone.... paano kung may di magandang mangyari sayo."
Syete! Ang puso ko nagkukumawala, Flynn ano ba namang tingin yan??
Mayamaya lang ay bigla itong tumawa...
"Ikaw pa mandin, may pagka ano...hahaha!"
Bakulaw talaga to! Akala ko pa. mandin seryoso... tsk!
"pagka ano!?" Nakasimangot na tanong ko dito.
"Haha, wala...I was just joking." sagot nito at biglang sumeryoso..... "Para magsmile ka na..I dont wanna see you crying.... it breaks my heart." and she gave me her sweetest smile bago pinaandar ulit ang sasakyan.
Ok.....ako na ang speechless....ako na ang kinakabahan...at ako na ang..... kinikilig?
And then I realized, I'm already smiling....
Juicecolored...confirmed, kinikilig nga ako...
Flynn's POV
Yeah, totoo yung sinabi ko.... masakit para sa akin na makita siyang umiiyak, lalo na sa walang kwentang lalaking yun...
Kung pwede ko lang talagang sabihin na sa kanya ang tungkol sa kalokohan ng bf niya... ginawa ko na, pero may isang salita ako, at hanggat maaring maiwasan na mas masaktan siya, yun ang gagawin ko.
Mayamaya lang ay nakarating na kami sa bahay ng mga magulang ko..
"We're here." at lumabas na ako ng sasakyan saka pinagbuksan ng pinto si Kari.
"Flynn..... nahihiya talaga ako." sabi nito habang hinihila na naman yung hem ng suot kong button down polo..
I hold her hand as an assurance that everything will be fine...
"Kari, it's ok, I'm here, hindi naman kita iiwan eh... ok?"
Tumango naman ito... "Basta Flynn ha, wag mo ko iiwan, wala akong kakilala dito."
"Hahaha! Yeah, I promise... so ok ka na?"
"Yes"
"Good, lets go."
At pumasok na kami sa loob holding each other's hands.
Ewan ko ba, parang ayaw ko ng bitiwan ang kamay ni Kari..ang sarap lang ng feeling...
Pagpasok palang namin ay sinalubong na kami ni Kuya Red...
"Hey Avhz... I'm glad you're here." at niyakap ako nito.
"Of course Bro, ikaw pa ba tatanggihan ko. hahaha!"
"I know... hahaha!..and may I know who's this beautiful lady beside you?" at may nakakalokong ngiti pa ito.
"Hahaha.... By the way Bro., this is Kari, Kari meet my brother Red." pakilala ko sa dalawa.
"Hi Kari." nakangiting bati ni Red dito.
"Hello" bati rin ni Kari, medyo nahihiya pa ito.
"Thank God you're not late."
Sabay sabay pa kaming napatingin sa nagsalita...
"It's my mom, come, I'll introduce you." at inaya ko siyang lumapit, mukhang nahihiya pa ito kaya muli kong hinawakan ang kanyang kamay.
"Hi Mom, I miss you" at niyakap ko ito.
"I miss you too honey"
"By the way Mom, this is Kari, a good friend of mine, Kari meet the most beautiful and sexiest Mom ever.. hahaha!" biro ko kay Mommy, na nagpangiti naman dito.
"Good evening Ma'am"
"Good evening Kari... pagapasensyahan mo na yang anak ko, love na love lang talaga ako niyan..hahaha"
"Totoo naman po talaga yung sinabi ni Flynn"
"See, I told you Mom"
" Oh, thank you Kari... by the way Honey, where's Stef?"
Nagkatinginan kami saglit ni Kari...
Buti naman at pinatawag ni Dad si Mom kaya hindi na nito naantay pa ng sagot ko.
Sa may garden nakaset up ang catering, as expected, nandoon ang ibang family relatives and friends namin...
"I told you, may ibang tao diba." bulong ko dito habang papunta kami sa table.
"Dude! Over here." yaya sa amin ni Jaze dun sa pwesto nila ng iba pa naming mga pinsan.
"Hi Kari!" bati nito dito sa kasama kong kulang nalang magtago na sa likod ko. "You look as pretty as always."
Ngumiti lang naman ito kay Jaze.
"Dude, pakilala mo naman si Kari sa kanila."
"Oh,yeah...Guys, this is Kari, Kari, mga cousins ko, Nica, Belle, Drake, Leo and Gracey."
"Hi Kari" bati nila dito.
"Hello sa inyo."
"Can you stay here with Jaze for a while kuha lang ako ng food natin?"
Tumango lang naman ito at ngumiti...
Seriously Kari?Nalunok mo ba dila mo?
I never thought na ganito kamahiyain ito...
"Don't worry Dude, I'll take care of her..... go."
"Dude! Behave ok." at binigyan ko ito ng umayos-ka-look
"Hahaha! Of course Dude"
"You sure you'll be fine?" tanong ko ulit dito.
"Yeah, sige na, ok lang ako."
"Sige na Dude, she's safe with me... hahaha!"
I know what she's trying to say.... at iniisip nito na may something na kami ni Kari...
"Ok, I'll be fast." at tumalikod na ko.
Habang kumukuha ng food, naka
sabay ko si Kuya Red...or should I say, sinabayan niya talaga ako....
"Hey, I won't ask, but I know you've been going through a hard time...and it's about Stef right?"
Yeah, he really knows me well....aside from being my brother, he's also my best friend, kaya alam na alam nito kapag may pinagdadaanan ako.
Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagkuha ng pagkain...
" Well, maybe this is not the right time to talk about that, let's have a coffee the day after tomorrow?"
"Sure, I really wanted talk to you."
"Ok....by the way, is she the new girl?"At sumulyap ito kay Kari...ganun din naman ako.
"No, she's just a friend." nakangiting sagot ko dito.
"Oh yeah...but the way you look at her...hahaha!"
"Hahaa! What?"
"Nevermind, Hahaha! She's pretty anyway." at tinapik pa ako nito sa balikat bago umalis.
Habang pabalik na ko sa table namin ay napansin kong masayang nagkekwentuhan si Kari at Jaze, at medyo magkalapit pa ang mga ito.
Ewan ko ba, pero para pang bigla akong naiinis sa ayos nilang dalawa...
Tahimik kong inilapag yung dala kong food at naupo sa tabi niya. Nagpaalam naman si Jaze na may tatawagan kaya pumasok sa loob ng bahay.
"Ok ka lang?"tanong nito sa akin.
"Yeah, kain ka lang, just tell me if may gusto ka pa."
At nagpatuloy kami sa pagkain, pero di ko pa rin siya kinakausap, naiinis pa kasi ako eh...
"Hmmm...bat ang tahimik mo?Ok ka lang ba talaga?" tanong ulit nito.
"Bakit masyado kayong close ni Jaze?Ang saya saya mo pa." tanong ko dito, pero sa pagkain nakatuon ang aking pansin.
"Ha?"
Tumingin ako dito at kitang kita sa mga mata nito ang pagtataka...
"Ulitin ko pa? Nabingi ka na rin?"
"No, I mean, may masama ba dun?"
Bigla naman akong natahimik sa tanong nito..
Tsk! Bakit nga ba ganito nalang ang inis ko?Eh ano naman kung maging close sila ni Jaze?Ano nga bang masama dun?
"Nevermind, just eat."
"Don't tell me nagseselos ka kay Jaze ha?" natatawang sabi nito.
Bigla akong kinabahan at napatingin dito..
Di nga kaya nagseselos ako?
***