bc

My Possessive Boss is My Husband (SSPG)

book_age18+
19
FOLLOW
1K
READ
billionaire
dark
contract marriage
one-night stand
HE
escape while being pregnant
fated
opposites attract
arrogant
badboy
kickass heroine
heir/heiress
drama
bxg
small town
assistant
like
intro-logo
Blurb

“Asawa na kita sa papel, sa kama at mananatili kang nakatali sa akin hanggang sa araw na hindi na kita kakailanganin, Shekaina.”

Kumapit ako sa patalim, at nagpaangkin sa isang lalaki na hindi ko kilala para sa isang daang libong piso na pambayad sa operasyon ng aking ama. At karagdagang isang daang libong piso kapag pumayag ako sa gusto niya.

Ang kasunduan namin ni Jaxton Arquilles maging pekeng asawa niya ako sa papel at sa kama. Upang may maipagyabang sa babaeng tunay nitong minamahal.

Hanggang sa unti-unti kong nararamdaman na hindi lang katawan ang nag-iinit kun'di pati na rin ang aking puso. Akala ko matutunan niya akong mahalin ngunit nagkamali ako.

Aasa pa ba ako sa pagmamahal ni Jaxton o ibabaon ko na lamang sa limot ang aking pag-ibig?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Shekaina’s PoV “Gawin ninyo ang lahat, doc. Kung kailangan na ngayon ni Tatay na maoperahan, sige na po, gawin na ninyo, doc.” Umiiyak kong pakiusap habang inilalabas ang isang valid ID na mayroon ako. “Pakiusap, doc. Parang awa na po ninyo, babalikan ko ang Tatay ko. Hahanap lang ako ng pera.” Pinahid ko ang luhang bumalong sa aking mga mata at saka lumuhod sa harapan ng doktor na kausap ko. Wala na akong natitirang kahihiyan pa sa aking sarili habang pinagtitinginan ako ng lahat ng taong nakakakita sa akin sa labas ng emergency room. Bumuga nang malalim ang doktor na kausap ko. Hinawakan nito ang aking balikat at tumango. Mabilis akong tumayo at wala ng sinayang na oras. Dinampot ko ang de-keypad kong cellphone sa aking bulsa at tinawagan ang aking kaibigan na si Ara. Ang pole dancer sa Istigma Club na pinagtrabahuan ko noon bilang waitress. “She, napata---” “Pumapayag na ako sa trabahong iniaalok mo sa akin, Ara. Didiretso ako ngayon diyan sa club… handa na ako,” humihikbing sabi ko sa kabilang linya bago tapusin ang pakikipag-usap dito. Hindi gusto ni Tatay na nagtratrabaho ako sa club na iyon dahil kilala nito si Ara. Isang babaeng bayar@n at pole dancer sa club. Hindi na nito gusto na matulad ako sa aking Ina. Hindi ako tunay na anak ni Tatay Ador, inampon niya lamang ako at iniligtas sa mapang-abuso kong tunay na ama. Bouncer si Tatay Ador sa bar na pinagtrabahuan ng aking Ina noon. Biktima ako ng r@pe ng aking sarili kong ama noong labing dalawang gulang pa lamang ako. At si Tatay Ador ang sumagip sa aking buhay. Mula noon nangako na ako sa aking sarili na gagawin ko ang lahat para masuklian ang kabutihan na ginawa sa akin ni Tatay Ador maging buhay ko man ang kapalit. Pinahid ko ang aking luha sa mga mata at pumara ng tricycle. Pupunta na ngayon ako sa Istigma Club. nakakunot pa ang noo ng tricycle driver nang ibaba niya ako sa club. Ibinigay ko rito ang natitirang bente pesos sa aking bulsa. Pagpasok ko sa bar ay hinanap ko si Ara. Nakita ko ito na nakabihis na, kulay itim na br@lette na puno ng sequence at maikling maong na short na kita ang hubog ng mat@mbok nitong p'wetan. Hinila ni Ara ang aking kamay at nagtungo kami sa Pepper ang manager ng Istigma Club na siyang nagma-manage sa mga dancers at escorts ng club. Ngumunguya ng bubble gum si Pepper. Nakasuot ng sleeveless na damit na kulay pula at bikini short. May nakataling tela sa bewang nito at humihithit ng sigarilyo. "Oh, bakit ka pa nandito, Ara? Mamaya narito na ang mga VIP's!" singhal nito sa aking kaibigan. "Mommy Pepper, ipapasok ko sana ngayon ang kaibigan ko dahil kailangan niya ng pera. Magaling siyang pole dancer," pagrerekomenda ni Ara sa akin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Baka naman iyakin ang babaeng iyan, Ara. Alam mong VIP ang mga guest natin ngayong gabi. Paano kung kursunudahin iyan?" Nakataas ang isang kilay na tanong nito sa amin. Kinakabahan akong tumango. "Okay lang sa akin, madam," mahinang sabi ko rito. Tinapik nito ang aking pisngi. "Sigurado ka? Baka mamaya problemahin pa kita? Alam mo naman ang kalakaran dito sa loob ng Istigma Club, alam mo rin na hindi ka lang dancer dito kun'di nagtitinda ka rin ng aliw sa mga parokyano. Isang libo ang bawat pagsayaw mo sa pole. At kung makalimang sayaw ka at nagustuhan ng VIP's dadagdagan ko ng limang libo ang talent fee mo. At kung sasama ka naman sa parokyano para magbigay ng aliw, may ten percent akong komisyon sa ibabayad sa iyo, malinaw ba iyon?" seryosong paliwanag nito sa akin. Napatango na lamang ako sa lahat ng sinasabi ni Pepper. Ngumiti naman sa akin si Ara para pagaanin ang aking loob. "Magbihis ka na. Ano nga pala ang pangalan mo?" muling tanong nito sa akin. "She... Shekaina po." "She na na lang ang itatawag ko sa iyo. Magbihis ka na, She. Ara, tulungan mo siya para magpaganda at kung p'wede bilisan na ninyo!" Hinila ni Ara ang aking kamay patungo sa dressing room ng club. Tumambad sa akin ang mga GRO na nagpapaganda ng mukha. May iba pang nagpapahid ng makakapal na lipstick at mayroong umiinom ng alak. Nakatingin sila sa akin habang inaayusan ako ni Ara. "Huwag mo silang pansinsin dahil sigurado na mas maganda ka sa kanila. Tandaan mo na sa trabaho nating ito hindi ka p'wedeng magtiwala sa ibang tao... maliban sa akin at kay Mommy Pepper. Pare-pareho tayo rito na nangangailangan ng pera kaya mas mabuting huwag magtitiwala sa iba para hindi mapapahamak. She, alam kong ginagawa mo ito sa Tatay Ador mo. Tatagan mo sana ang loob mo dahil hindi kita kayang ipagtanggol sa magiging escort mo mamaya. Hindi ako p'wedeng makialam baka kasi mapunta ka lalaking s@dista," nag-aalalang sabi nito sa akin. Nauunawaan ko na nag-aalala lamang sa akin si Ara. "Para sa aking Tatay Ador, gagawin ko ang lahat, Ara. Maraming salamat." Nginitian ako ng aking kaibigan na umiiyak. Hindi ito ang pangarap ko sa buhay... hindi rin ito ang trabahong gusto ko. At hindi rin ito ang trabahong tinapos ko. Ngunit heto ako at makikipagsapalaran dahil kailangan ko ng pera, at kailangan kong mailigtas ang buhay ng aking ama. Alam kong sesermunan ako ni Tatay Ador. At handa na ako sa galit nito sa akin. Ang importante lamang ay gumaling ito. PAGLABAS ko ng dressing room. Nakasuot na ako ng pulang br@lette na may palamuting makikinang na glitters at sequence. Nakasuot din ako ng bikini short na kulay pula at nakasuot ng mataas na red high heels. May suot akong maskara katulad ni Ara. Nagsimula ang romantikong tugtog ay sinimulan kong gumiling sa harapan ng pole. Bumuk@ka at iind@yog ang aking katawan sabay sa saliw ng erøtikong kanta. Bumaba si Ara sa pabilog na stage na kinaroonan ng pole. Naiwan akong mag-isa at nagsimulang lumambitin sa pole. Ikinapit ko ang aking paa at legs 'tsaka ako umikot sa pole na nakabaliktad doon. Flexible ang aking mga paa habang paakyat at dumadausdos sa pole. Bawat paghampas ng aking balakang ay nakaayon sa saliw ng awitin. Nagmistulan akong ibon na malayang sumayaw sa pole, gumiling, umikot, tumihaya at tumuw@d doon. Ang ang panghuli kong ginawa ay ang paghawak sa pole pabaliktad habang naka-split sa ere bago tuluyang bumaba sa pole na may mapang-akit na ngiti sa aking mga labi. Tinawag kami ng isang grupo ng mga kalalakihan na nakaupo sa VIP seats. "Hi, ang galing mong sumayaw, Miss Seksi," anang matandang lalaki na hinipu@n ako sa legs. Hindi ako nagreklamo dahil sa bawat paghipø may perang iniipit ang mga ito sa damit ko. "Jaxton, sa iyo na si Miss Seksi. Para naman makalimutan mo na si Olive," natatawang sabi pa ng isang lalaki dito. Binalingan ko ang tinawag na Jaxton ng lalaki. Sa aking tansiya nasa middle thirties ang lalaki. Plantsado ang suot na american suit at itim na pants. Kumikinang ang leather shoes na kulay itim at ang relo nito isang mamahaling relox. "She, halika na..." Tawag sa akin ni Ara. Lalapitan ko na sana ang aking kaibigan nang hawakan ng isang lalaki ang aking kamay. Binalingan ko ito at nakita ko si Jaxton. Nakatingin ito sa akin at nakatayo ito sa aking tabi. "You're mine now. Kakausapin ko si Pepper para mailabas kita. Gusto kong paligay@hin mo ako ngayong gabi," mahinang sabi nito sa aking tenga. Mainit ang hininga ng binata. Amoy na amoy ko ang matapang na brandy na ininom nito. Hanggang dibdib lamang niya ako at may malaki din itong pangangatawan. Bumilis ang t***k ng aking puso at lumayo rito. "Mayaman ka ba?" mahina kong tanong dito. Kailangan kong maging matapang para sa aking ama. Malakas niya akong tinawanan. "I'm Jaxton Arquilles, Miss Pole Dancer. Magkano ba ang talent fee mo at dodoblehin ko?" "Fifty thousand pesos," matapang kong sagot dito. Hinawakan nito ang aking kamay. "Kaya kong magbayad ng kahit na magkano, Miss Pole Dancer. Kung magagawa mong paligay@hin ako ngayong gabi... baka triplehin ko pa ang ibabay@d ko sa iyo." Hinapit nito ang aking bewang at inilapit ang mukha sa may leeg ko. "Nanginginig ang katawan mo... mukhang... first time mo," sabi pa nito bago dantayan ng halik ang aking leeg. Itinulak ko siya at lumapit sa amin si Pepper. "Sir Jax, kukunin mo ba si She?" natutuwang sabi ni Pepper dito. "Fresh 'yan at siguradong magugustuhan mo. May available akong kuwarto sa itaas katulad pa rin ng dati," mahinang sabi ni Pepper dito. Tumawa naman ang lalaki at kinuha ang wallet sa may loob ng business suit na suot. "I will take her out, Pepper." Ibinigay nito ang tig-iisang libong piso dito at saka nito hinila ang kamay ko palabas ng club. Sumunod ako sa lalaking estranghero na walang ideya kung saan niya ako dadalhin at kung anong kl@seng pagpapalig@ya ang gusto nitong ipagawa sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Six Months Rule

read
31.8K
bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
62.5K
bc

My Cousins' Obsession

read
192.5K
bc

MY HOT UNCLE IN LAWS (SSPG)

read
50.7K
bc

Daddy Granpa

read
292.8K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
259.5K
bc

MY HOT BOSS (SSPG)

read
40.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook