Migz Ipinagdrive ko si Angela papuntang Bayan. Ayaw pa nya sana akong pasamahin kanina. Bigla na lang kasi nagbago ang mood nya nitong huli. Ayos naman kami bago kumain pero pagkatapos ay bigla na lang syang naging iritable. Gusto ko syang alagaan at protektahan habang nasa puder ko sya. Gusto kong ipadama sa kanya na sa kabila ng masasakit na pinagdaanan nya ay nandito lang ako sa tabi nya. Nandito lang ako kapag nais nya ng masasandalan kahit hindi naman nya ako kailangan. Alam kong wala nang pag-asa ang aming relasyon ngunit ginagawa ko ito bilang isang matalik na kaibigan. Habang nasa byahe ay nakamasid lang sya sa may bintana. Tila may malalim na iniisip. Naiirita pa rin sya sa akin? "T-shirts na lang na maluwag ang bilhin natin para malaya kang makakilos, saka yung hindi m

