Migz Bumalik kami ng Pilipinas upang ibalita sa aming pamilya ang magandang nangyari sa amin sa Iceland. Napakaligaya ng puso ko dahil hindi ko lubos akalain na sa bansang iyon mabubuo ang pamilya ko. Wala akong kamalay malay na nagka-anak pala kami ni Angela at pilit nyang itinago ito sa akin dahil ang akala nya ay may sarili na akong pamilya. Ibang klase ding mambully ang tadhana. Dinaig pa nya ang mga pambubully ko noon sa mga kapatid ko. Kung ano anu ang mga inisip namin ni Angela kung kaya't nagkawalay kami ng dalawang taon. At ngayong ngang natagpuan ko na ang aking mag-ina, ay wala na akong aaksayahin pang oras at sandali upang ipadama sa kanila ang pagmamahal ko. Hindi mapigilan ni Mama ang kagalakan nang mayakap at mahawakan nya ang kanyang apo. Kumpleto ang pamilya ko n

