Angela Parang nanigas ang mga ugat ko sa katawan sa kanyang tanong. Saglit syang tumigil sa paglalakad at hinarap nya ako. Ramdam na ramdam ko ang tumatambol nyang puso na tila nagmamakaawang sagutin ko ang kanyang mga tanong. Nagsusumamo ang mga mata nya na sabihin ko ang katotohanan tungkol sa pagkatao ng anak ko. Naramdaman ko din ang pagpisil nya sa mga palad ko. "Anak ko ba sya?" Tanong pa nyang muli Napasapo ako sa aking dibdib dahil hindi na kinaya ng puso ko ang matinding kirot nito. Marahan lang akong tumango sa kanya bilang pagsang-ayon. Hindi ko na pinagkait sa kanya ang aming anak. Sa nakikita ko sa kanya ay alam kong mahal na mahal nya si Iggy kahit hindi pa man nya nalalaman ang tungkol sa aming anak. Nagbagsakan na rin ang luha sa mga mata ko sa pag-amin ko sa kany

