Chapter 1

1328 Words
"Sigurado ka na ba talaga? Baka naman nabibigla ka lang, Joy?" hindi makapaniwalang sambit ng bestfriend niyang si Kaira ng makita ang in a relationship status niya sa isa sa kaniyang mga social media account. Hindi na talaga magtataka si Joymi kung bigla silang palayasin sa library dahil ayaw paawat ng kaibigan. Ngayon pa talaga ito nang intriga kung kailan naroon na sila. Matalas pa naman ang pandinig ng librarian nila. "Don't worry, Kai. I can feel naman that Franz is sincere. At saka, kahit naman patagalin ko ang panliligaw niya ay wala ring silbi. Ang lalaki, kung magloloko, magloloko 'yan kahit ano pang gawin mo. And besides, karamihan din naman sa mga lalaki inilalabas lang ang totoong kulay once na nasagot na sila. Mga ningas-kugon kumbaga. Magaling lang sa umpisa." "Do you love him?" "I like him. He's understanding, not demanding and we are vibing. Alam mo naman na number one turn-on sa akin if the guy have the same interest as me 'di ba?" kibit-balikat na sagot pa ni Joymi. Alam niyang mawiwindang ang lahat na nakakakilala sakanilang dalawa ni Franz sa biglaan nilang pag-change status sa kanilang social media accounts. Expected na rin niya ang napakaraming tanong mula sa mga ito dahil hindi naman talaga siya easy girl. Iba lang talaga ang pakiramdam niya kay Franz. They met almost two months ago sa birthday party ni Lovely. After the celebration, nang makauwi siya ay nakatanggap siya kaagad ng message mula kay Franz. Tinanong daw nito ang pangalan niya kay Lovely para mahanap ang social media account niya because he's interested with her. He's straightforward and she likes that. Hindi ito katulad ng iba na ang dami pang sinasabi tapos at the end of the day ay bigla na lang mawawala. Papakiligin ka lang sa una tapos sa huli ay kaibigan lang pala ang turing sa'yo. At least alam niya agad ang intensyon nito simula pa lang. Hindi siya hopya pag nagkataon. Yes, he's handsome. He is very cool in his high fade with quiff haircut which suit his square-shaped face, na-emphasize din ang hugis ng panga nito dahil sa gupit. His long lashes plus thick brows is what makes him even more attractive. Pero hindi naman iyon ang dahilan kaya niya nagustuhan ito. Una pa lang kasi ay hindi na siya na bore habang kausap ang binata kaya naman nag tuloy-tuloy ang pag-uusap nila. What she likes about him the most is that, hindi kung ano-ano lang ang pinag-uusapan nila. They exchange knowledge and ideas most particularly in their accounting subject. He's also the type of a person na pipilitin kang mag review at okay lang kahit hindi mo muna ma-replyan kaagad ang mga messages nito. May iba kasing lalaki na hindi ka lang makapag-reply sasabihin kaagad na wala kang time. Then they will use that as an excuse when you caught them cheating. Joymi is not an average type of a girl either. She's beautiful and looks so expensive. Hindi sila mayaman, karamihan nga sa mga suot nitong damit ay galing pa sa ukay. But her sense of fashion is superb. Bumagay din sa hugis puso nitong mukha ang inverted bob cut hairstyle nito. Sa kinis at puti nga ng balat ng dalaga ay madalas siyang pagkamalang anak mayaman. Maya-maya ay bigla na lang siyang siniko ni Kaira. Nang lingunin niya ang kaibigan ay may nginu-nguso ito. Nabaling doon ang tingin ng dalaga. And there, she saw Franz at the entrance door. He smiled at her the moment their eyes met. Joymi smiled back. Nang makuha na nito ang librong kailangan ay umupo ito sa tabi niya at saka nag abot ng maliit na papel na may nakasulat na Good luck sa exams. I'll see you later after class, okay? Ngiti at marahang tango naman ang naging tugon niya rito. --- "Seryoso ka ba talaga, Franz? Kung sasaktan mo lang din naman si Joy itigil mo na 'yan dahil baka masapak kita," banta ng pinsang si Lovely kay Franz. Sinugod pa talaga siya nito sa tambayan nilang computer shop nang makarating dito ang balita. Hinila niya naman ito palabas doon para makapag-usap sila ng maayos. Maingay kasi sa loob. "Kailan ba ako nanloko ng babae, Sis?" natatawang sambit naman nang binata. Inismiran naman siya nito. "Ayoko lang na dumating 'yung araw na kailangan kong magalit sa isa sainyo kapag may nasaktan." "Seryoso ako sakanya. Believe it or not pero sa tingin ko... No, I mean alam ko sa sarili ko na I fell inlove with her at first sight." "Siguraduhin mo 'yan, ha?" Pinanlakihan pa siya ng mata ni Lovely. "Yes, Boss!" Sumaludo pa siya rito. "Nga pala, anong mga gusto niyang kainin? Hihintayin ko siya mamaya, eh. Ang pangit naman kung wala man lang akong dala." Umirap pa ito bago tumugon. "Ni wala ka pa palang alam sa mga ayaw at gusto ng girlfriend mo. My goodness, Franz." She sighed out of frustration. "Sorry na. Pag bigyan mo na lang muna ako, kasi nga nagsisimula pa lang 'di ba?" "Fine! Whatever." She rolled her eyes once again. "She likes drinking java chips flavored frappe every after exams. Samahan mo na rin ng burger. Just a regular and plain burger. Ayaw niya ng may gulay at may cheese." "Okay! Thank you! You're the best sister in the world," sambit niya na muling kinairap ng dalaga. "Lumayas ka na nga sa harapan ko at baka hindi na kita matantsa riyan." "Aye, Aye, Captain!" Sumaludo pa ulit si Franz bago sumibat at bumalik sa loob. This is the first time na nakaramdam ng ganoon ang binata. Si Joymi ang kauna-unahang babae na nakakuha ng atensyon niya in an instant. He really likes her, a lot. Hindi lang sa panlabas na kaanyuan nito but also because she's smart and not boring. In short, she likes everything about her. --- "Hey!" masiglang bati ni Franz kay Joymi. Bahagya pa nga itong nagulat dahil hindi yata inaasahan nito na sa mismong tapat ng classroom nila siya maghihintay. Kitang-kita niya rin ang pamumula sa magkabilang pisngi ni Joymi nang bigla silang tuksuhin ng mga classmate nito. "Joy, una na ako, ha? Kikitain ko rin kasi si Mama. Nagpapasama siyang mag-grocery." "Okay, ingat." Bumeso ito kay Kaira. "Hoy, Franz. Ingatan mo 'tong kaibigan ko, ha? Ipapalapa kita sa doberman namin kapag pinaiyak mo 'yan." "Baka nga ako pa ang paiyakin ni Joy, eh." sagot naman nito habang nakatitig kay Joymi. "Sira! Anong akala mo sa akin mapanakit?" tumatawang sagot naman nito. "Mamaya kayo maglandian pwede? Pwede bang hintayin n'yo muna akong maka-alis? Respeto lang sa walang jowa, guys." "Go na kasi! Dami pang katak, eh." "Ay, atat ang bruha na masolo ang jowa? Ito na nga, eh. Maglalakad na. Ciao!" Kumaway pa ito bago umalis. "I bought you something," nakangiting sabi ni Franz at saka inabot dito ang paper bag na may lamang burger at frappe from her favorite cafe'. "Wow! Kanino mo nalaman 'to, ha? Yayain palang mga sana kita, eh. Sobrang bigat kasi ng pakiramdam ko ngayon kaya gusto kong ma-refresh." "Sabagay, ramdam naman kita. After ng exam kanina sa accounting subject, feeling ko ay naiwan ko ang kalahati ng pagkatao ko sa loob ng room. Hindi naman kasi porke balanse tama na 'di ba? Ang hirap tuloy makampante." "Super true!" anito at saka sumimsim sa frappe na binigay ng niya. "This is so refreshing! So, saan tayo tatambay? May klase pa ako mamayang 6:00 -- 9:00 pm. It's already five in the afternoon. May isang oras na lang." "How about arcade games?" "Game! Paramihan ng bolang masho-shoot, ha?" "Sure. Basta ba may consequences ang matatalo, para mas enjoy." "Fine with me. Asa ka namang matatalo mo ako," she said with confident. "Let's go?" Inilahad pa ng binata ang kamay dito. Inabot naman ng dalaga iyon. "Let's go!" Magkahawak-kamay silang nagtungo sa arcade game center na malapit sa school. They spent their first day having fun kaya sisiguraduhun ni Franz na they will spend more years having fun together.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD