Chapter 2

1167 Words
"Bruha ka talagang babaita ka. Napaka pihikan mo pa namang mamili ng ireregalo tapos rush kang kikilos?" reklamo ni Kaira. Halos naikot na kasi nila ang buong mall doon sa Pampanga pero hanggang ngayon ay wala pa rin itong nahahanap na pasok sa panlasa nito. "Nakalimutan ko nga kasi. Kung hindi niya pa ako binati kanina hindi ko maaalala na anniversary namin ngayon. Sa dami ng iniisip ko, nakalimutan ko na ang araw at petsa. Alam mo namang naging busy tayo sa pag-re-review 'di ba?" Noong isaw araw pa sila nakapag-take ng board exam. Kaya lang ay medyo sabog pa siya at kinakabahan para sa result. May hang-over pa siya kumbaga kaya hindi niya na tuloy namalayan ang paglipas ng araw. "In all fairness naman, Sis. Hindi ko inakala na tatagal kayo. Ang bilis ng panahon 'no? Parang kailan lang nagkakahiyaan pa, ngayon three years na kayo." "Sabi naman saiyo, eh. At least 'di ba? Nalampasan man namin yung ligawan at getting to know each other stage. Ang mahalaga, palalim ng palalim ang pagmamahal namin sa isa't-isa, araw-araw." "Medyo corny na, Joy. Balik nalang tayo sa paghahanap ng regalo," anito at saka pumasok sa isang stall doon na may mga branded items. Naiiling na sumunod nalang naman si Joymi. Kaya walang boyfriend ang kaibigan dahil sa tuwing nakakarinig ito ng ka-cornyhan ay nambabara agad ito. "Look at this, Frenny. 'Di ba mahilig sa white--- Oh my gosh! Are you okay?" mabilis siyang nilapitan ng kaibigan nang makita siyang hawak-hawak ang sentido. Bigla nalang kasi siyang nakaramdam ng hilo. "I think I need to see a doctor. Lately kasi ay parati akong nahihilo. Baka anemic na ako dahil sa kaka-puyat," aniya nang maging okay na kahit papaano ang pakiramdam. "You look pale, Frenny. Kaya pa ba?" Tumango siya bilang tugon ngunit nang may dumaan sa harap nilang babae na may hawak na shawarma ay bigla nalang siyang naduwal. "Oh my gosh, Frenny! Are you... pregnant?" alanganin at hindi makapaniwalang tanong ni Kaira. "N-no, T-that can't be," nauutal na tugon niya naman. Hindi siya pwedeng mabuntis. Not at this moment. Irregular ang menstruation niya kaya hindi siya nag-aalala kung dadatnan man siya o hindi. They always use protection naman kapag nagse-s*x sila kaya hindi na pumasok sa utak niya na maaring buntis nga siya. "Make sure to see a doctor, Sis." "Yea, pupunta ako agad bukas." Hindi ito sumagot ngunit makikita pa rin ang labis na pag-aalala sa mukha nito. "Ano ka ba! Okay nga lang ako. I think migrane ko ang nakasumpong. 'Di ba naduduwal at nahihilo rin naman ako noon? Bili nalang tayo ng gamot. Naubos na kasi yung stock ko, eh." Nginitian niya pa ang kaibigan. "No! 'Wag ka munang uminom ng gamot. Magpa-check up ka muna. What if buntis ka? Baka maka-apekto pa sa baby." "Paranoid ka lang, Sis. Tara na nga! Okay na ako. Ituloy na natin ang paghahanap," tumatawang sambit pa niya at nauna ng maglakad. Sa totoo lang ay bigla rin siyang kinabahan. Bukas na bukas talaga ay magpapa-check up siya. Pero paano nga kung buntis siya? Paano na ang career niya? Ipinilig niya ang kanyang ulo. Bahala na bukas. Tatanggapin niya nalang kung ano man ang magiging kapalaran niya. There is no way in hell na ipa-abort niya ang bata kung meron man. Makakapag hintay naman ang pangarap niya. But still, there is a part of her wishing na sana ay false alarm lang. Hindi pa siya handang maging ina. And what if hindi rin magustuhan ni Franz? --- "Happy third year anniversary, Babe!" bati ni Franz sakaniya ng pagbuksan niya ito ng pinto. Sinundo siya ng kasintahan ngayon sa bahay nila dahil pupunta sila sa amusement park to celebrate their anniversarry. aInabot nito sakanya ang dala nitong bouquet of chocolates, pati na rin ang paper bag na naglalaman ng regalo. "Happy anniversary, I love you." Niyakap niya ito. Until now ay bothered pa rin siya. Maraming tanong ang gumugulo sa isip niya ngayon kaya hindi siya masyadong makapag-focus Ipinasok niya muna sa loob ang regalong dala nito bago sila umalis. Sina Joymi ay nakatira sa Masantol, Si Franz naman ay sa Macabebe. Both a high class municipalities in the province of pampanga. Malayo-layo rin sa lugar nila ang pupuntahang amusement park. Mabuti nalang at gamit nito ang Toyota Vios ng kapatid. Wala rin kasi siya sa mood makipagsiksikan sa jeep o sa bus. Ngayon niya lang din napag-tuunan ng pansin ang pagiging irritable niya lately, pati na rin ang mabilis na changes of mood. "Babe, what if buntis ako?" tanong niya kapagkuwan. Hindi talaga siya matahimik. Kating-kati na talaga ang dila niyang itanong iyon kanina pa. "Edi, pakakasalan kita. Advantage na sa akin 'yon, Babe. Wala ka ng kawala sa akin." Tumawa pa ito. "I am serious, Franz. Paano nga?" iritableng sambit niya. "Seryoso rin naman ako, Joy." "Pero hindi pa tayo handa." "So? Mapapa-aga lang naman kung sakali. Ikaw lang din naman ang babaeng gusto kong makasama habang-buhay, eh." Nanahimik na lang ang dalaga. Hindi niya kasi alam kung ano ang mararamdaman. Natatakot din siya sa pwedeng sabihin ng mga magulang niya. Katatapos niya lang mag-aral, ni hindi pa nga siya nakakatulong sa mga ito tapos ay bubuo na siya agad ng sarili niyang pamilya. --- Nagising si Joymi na tila hinahalukay ang sikmura kaya agad siyang tumakbo papunta sa banyo. Kahapon nga ay hindi rin sila nakapag-enjoy ni Franz dahil bigla na naman siyang nahilo. Nakalimutan na nga rin niyang ibigay rito ang regalo dahil wala talaga siya sa sarili. Isang makahulugang tingin ang pinukol sakanya ng Ate Joan niya ng lumabas siya sa CR. "Okay ka lang ba?" Tinanguan niya lang naman ang kapatid. "May gusto ka bang sabihin sa akin, Joy?" Sa tanong nito ay bigla nalang siyang naiyak. Agad naman siyang dinaluhan at niyakap nito. Her mother is a Teacher at Engineer naman ang papa nila. Tatlo silang magkakapatid. Ang Kuya Michael niya ang panganay, isa itong Architect. Ang ate niya naman ay isang nurse. Kapag nagkataon talaga ay siya ang kauna-unahang magiging disappointment ng mga magulang. "Meron akong pregnancy test kit. Do you want to try?" mahinahong sambit ng nakatatandang kapatid habang hinahaplos ang likuran niya. Sinasabi na nga ba niya at nagdududa na ito. "Natatakot ako, Ate." Mas lalo pa syang napahagulhol. "Shh, 'wag ka ng umiyak. Napapansin na rin naman ni Mama. Sa tingin ko nga ay nakausap niya na rin si Papa. Wala kang dapat ipag-alala." "T-totoo?" "Ano ka ba, mothers knows best nga daw 'di ba? At saka, tatlo na tayong nailabas niya. Malamang kabisado niya na ang sitwasyon at kalagayan ng mga buntis." pag-aalo pa nito sakaniya. "We'll go see a doctor tomorrow, Okay?" Tumango na lang siya bilang tugon. Halos wala na kasing salita ang gustong lumabas sa lalamunan niya. Masyado siyang nanghihina dahil sa sari-saring emosyon na nararamdaman. Nanatili lang muna siyang nakayakap sa kapatid upang doon kumuha ng lakas kahit papaano. Hindi niya na talaga alam ngayon kung paano haharapin ang mga magulang sa sobrang hiya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD