Masyadong naging mabilis ang pangyayari. As soon as nakompirma ang pagbubuntis ni Joymi nang samahan siya ng kapatid para magpa-check up ay agad ding namanhikan sina Franz. Isang buwan lang ang naging preparasyon at kinasal sila agad sa huwes.
Halos lahat naman ng kababaihan ay gustong ikasal sa simbahan. Pinangarap niya rin namang magsuot ng wedding gown at maglakad sa pulang carpet habang hinihintay ng lalaking mahal niya sa harap ng altar. Pero siya na mismo ang nagpumilit na sa huwes na lang sila ikasal.
Aside kasi sa nahihiya siya sa mga magulang dahil biglaan ang mga pangyayari, ayaw niya ring ang mga ito pa ang gumastos ng lahat gawa ng kapusukan nila. Nakakahiya naman kasi kung magde-demand pa siya ng engrandeng kasal samantalang hindi na nga siya makakatulong matapos siyang pagaralin. Masyado naman yata siyang pabigat pag nagkataon.
"Nga pala, baka may gusto kang kainin? May gusto ka bang ipabili?" Umiling si Joymi. Araw-araw iyong tinatanong ng asawa bago umalis para pumasok na akala mo ay recorded voice message kaya naman natawa na lang siya.
"Nothing, Babe. Umuwi ka lang ng maaga sapat na iyon." Napangiti naman ito sa sagot niya. Joymi became more clingy because of her pregnancy.
Gusto niya ay parati niya itong nakikita. Hindi rin siya makakatulog kung wala ito. Mabuti na lang nga at hindi ito masyadong nag-o-over time kaya madalas, alas sais palang ng hapon nasa bahay na ito.
"O s'ya, lumayas ka na at baka ma-late ka pa."
"I'll see you later, Babe. I love you."
"I love you too." He gave her a quick peck on the lips bago tuluyang umalis.
After the result of the board exam ay mabilis namang nakapasok si Franz sa isang Accounting Firm. Aaminin niyang hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng inggit. Gustong gusto niya na rin kasing masubukan ang buhay opisina. Lahat naman siguro ng fresh graduate ay ganoon ang pakiramdam pero hindi na siya sumubok pang maghanap ng trabaho kahit tatlong buwan palang ang tyan niya because the doctor suggested not to.
Joymi is experiencing Hyperemesis Gravidarum. It is the most severe form of nausea and vomiting during pregnancy that leads to many maternal and fetal consequence that includes dehydration, electrolyte, and metabolic disturbances and nutritional deficiency, that may require hospitalization kung hindi maaagapan.
And because of her sensitive pregnancy, ipinilit ng mga magulang niya na roon na muna sila tumira upang kahit papano ay mamonitor siya ng kapatid. Pabor na rin naman sakanila iyon dahil nga hindi pa naman ganoon kalaki ang sahod ni Franz dahil kasisimula pa lamang nito. Hindi pa rin kasi sasapat iyon kung tutuusin sa pang upa ng bahay at sa iba pang mga gastusin. Ngayon pa lang ay ramdam niya na agad na hindi talaga ganoon kadaling magkapamilya kung hindi ka financially stable.
Maya-maya lang naman ay pumasok sa kwarto ang Ate Joan niya dala ang usual breakfast niyang cereal at lemonade. Kailangan niya kasi ng bland diet para kahit papaano ay mabawasan ang pagsusuka.
"Ate naman, eh. Sabi ko namang hindi mo na kailangan pang mag abala. Kaya ko naman. Dapat nagpapahinga ka na para may lakas ka mamaya. Baka ikaw pa ang magkasakit sa ginagawa mo, eh," nahihiyang sambit niya. Alam niya namang nag-aalala ang mga ito, kaya lang ay hindi talaga siya komportable na nakaka istorbo at pinagsisilbihan kahit na nga abala na ang mga ito sa iba pang bagay.
"Ano ka ba! Sanay kaming mga nurse sa pagod at puyat. Kaya nga namin ang straight duty in forty eight hours, eh. Mano lang ba naman itong ilang minuto kung para naman saiyo at sa pamangkin ko. Basic na basic, Sis," tumatawang sambit nito.
"Thank you so much, Ate," naiiyak tuloy na sambit ni Joymi.
Ramdam na ramdam niya ang pagmamahal ng mga ito at never ipinamukha ang pagkakamali niya. Sinadya pa nga ng kapatid na magpalipat sa night shift para mabantayan siya sa umaga kung kailan madalas na nakasumpong ang pagsusuka at pagkahilo niya. Lalo tuloy siyang nahiya. Pakiramdam niya talaga ay masyado na siyang pabigat. She's one hell of a lucky b*tch.
Mabilis niyang pinunasan ang luha. Totoo nga talagang masyadong emosyonal ang mga buntis. She's becoming a crybaby this past few days.
Maya-maya lang ay ang mama naman nila ang sunod na pumasok. "Look at this, Joy. Bumili ako ng mga maternity dress. At saka nighties na rin. Healthy kaya ang s*x lalo na sa early stage of pregnancy."
"Ma!" nahihiyang saway niya rito. Biglang nag-init ang magkabilang pisngi niya dahil sa tinuran ng nito.
"Bakit? Nagsasabi lang naman ako ng totoo, ah. Magandang exercise kaya iyon," tumatawang biro pa nito. "Tama naman 'di ba, Jo?" anito na humanap pa ng kakampi.
"Pwedeng-pwede naman talaga, Sis. Basta 'wag lang masyadong malakas ang ungol, ha? Magkakatabi lang kwarto natin," pang-aasar pa ng kapatid. Inirapan niya naman ito.
Naging routine na ng mga ito ang panggugulo at pang-aasar sakaniya. Maybe because they are afraid that she might suffer from stress lalo na nga at talagang napaka-emotional niya.
---
"Franz! Gusto mo bang sumama sa amin?" Umiling agad si Franz kahit na wala pang nasasabi ang katrabaho niyang si Joseph kung saan sila pupunta.
Kulang na nga lang ay hilahin niya ang oras para matapos na ang trabaho dahil hinihintay siya ng asawa kaya wala siyang oras para sa gimmick.
"Ang bilis naman ng pagtanggi mo. Uwing-uwi masyado, ah."
"Ganoon talaga kapag may misis kang naghihintay."
Pumalatak pa ito. "Hindi ba mahirap tumira kasama ang mga byenan, Pare?" bigla ay usisa pa nito.
Natatawang umiling si Franz. "Mababait naman sila kaya walang problema," sagot niya. 'Wag mong dalasan ang panonood ng telenovela, Pare. Mukhang may trauma ka na sa mga in laws, eh. Ikaw rin, baka hindi ka makapag asawa," biro niya pa at saka ito tinapik ng marahan sa balikat.
"Gag*! Hindi, ah! Huwag ka sanang magdilang anghel. Ayaw kong tumanda mag-isa habang buhay. Gusto ko pa mag asawa ng tatlo." Tumawa nalang si Franz.
"Sige, Pare. Mauna na ako, ha? Advance happy birthday."
"Salamat, Pare. Ingat!"
"Kayo rin ingat."
Mabuti na lang at iniregalo sakaniya ng Kuya Erwin niya ang Vios nito kaya may nagagamit siyang service. Hindi gano'n kalaki ang sahod dahil hindi pa naman siya regular at wala pang masyadong benefits kaya kailangang magtipid. Nakakahiya naman sa mga magulang ni Joymi kung hindi niya matutustusan ang mga pangangailangan nito. Plus, kailangan niya ring pag-ipunan syempre ang para sa panganganak ng asawa. Hindi nga pala talaga ganoon kadali ang buhay may asawa kung hindi pa stable ang buhay.
Mabuti ang pakikitungo sakaniya ng pamilya ni Joymi. Wala siyang tulak-kabigin sa mga ito. Kaya lang ay iba pa rin ang pakiramdam. Kung hindi nga lang maselan ang pagbubuntis nito ay gusto niya talagang bumukod na. Ayaw niya rin kasing isipin ng mga ito na hindi niya kayang buhayin ang asawa't-anak. At higit sa lahat, ayaw niyang ipaako sa iba ang responsibilidad niya.
Alam niya rin namang ganoon ang pakiramdam ng asawa. Kilala niya si Joymi, ayaw nitong nagmumukhang pabigat, ayaw rin nitong masyadong dumidepende kahit pa sa mga taong malapit dito dahil nga sa nahihiya ito. Both of them ay parehas na mataas ang pride kaya siguro ganoon.
"Magandang hapon po," bati niya sa mga byenan ng madatnan sila sa sala. Lumapit pa siya sa mga ito para magmano.
"Magandang hapon din sa'yo, Anak," nakangiting sagot naman ni Lorna Ang kanyang mother-in-law.
"Magandang hapon din. Umakyat ka na roon at baka umiiyak na naman ang asawa mo kakahintay saiyo. Ganyan na ganyan din kasi itong si Lorna noong nagbubuntis. Kulang na lang ay itali ako sa bewang niya. Manang-mana talaga iyang si Joy sakaniya," tumatawang sabi naman ng kanyang Father-in-law.
Napangiti na lang siya habang tinitignan ang mga ito na nag-aasaran. Just like his parents, kitang-kita pa rin niya ang pagmamahalan ng kanyang mga in-laws sa isa't-isa. Kaya sisiguraduhin niyang habang buhay niya ring ipaparamdam kay Joymi ang pagmamahal niya dito. Gusto niya ring dumating ang panahon na sila naman ang i-a-admire ng mga anak dahil sa tibay ng pagmamahalan nilang dalawa.
"Sige, Ma, Pa. Akyat na muna po ako," paalam niya maya-maya. Sabay namang tumango ang mga ito.
---
Biglang lumawak ang ngiti ni Joymi nang makita si Franz na iniluwa ng pinto. Agad namang lumapit ito at niyakap siya. Gustong gusto niya talaga ang amoy ng asawa bagong ligo man ito o hindi. Mukhang ito nga yata ang napaglilihian niya. Hindi na talaga siya magtataka kung kamukhang-kamukha nito ang magiging anak.
"I miss you," malambing na sabi nito.
Humiwalay naman si Joymi mula sa pagkakayakap dito. "I miss you too. Where is my kiss?" Franz immediately gave him a quick kiss on the lips.
"Ang ganda naman ng asawa ko." He tucked her hair behind her ears. "Kahit manganak ka pa ng isang dosena ay hinding-hindi ka papangit sa paningin ko."
Hinampas naman siya ni Joymi sa braso. "Isang dosena talaga? Hindi mo naman ako gustong malosyang 'no?"
"The more the merrier nga 'di ba?"
"Anong akala mo sa akin? Inahing baboy?" she pouted.
"Ikaw ang pinakamasarap na baboy kapag nagkataon," pilyong biro nito kaya hinampas niya tuloy ito sa braso.
"Pero manok ang paborito mo 'di ba?" Tinaasan niya pa ito ng kilay.
Mabilis na umiling naman ito. "Ikaw lang ang paborito ko," anito at saka siya muling niyakap. "I love you so much, Babe."
"Mahal na mahal din kita," sagot niya at saka hinigpitan ang pagkakayakap.
She will never get tired loving this man. Tutal ay araw-araw rin naman nitong pinaparamdam sakaniya kung gaano siya nito kamahal