Linggo ngayon at day-off ni Franz, nagkataon din namang maganda ang pakiramdam ni Joymi kaya naman pinilit niya ang ina na sila na lamang dalawa ang mamamalengke ngayong araw dahil nga bagot na bagot na talaga siya sa bahay at gustong gusto niya ng makalabas.
"Nagugutom ka ba? May gusto ka bang kainin? Cravings? Saan mo gustong kumain pagtapos nating mamalengke?"
"Kadarating pa lang natin pagkatapos ay pagkain na agad ang nasa isip mo? At saka lumolobo na ako kaka-kain ko, oh. Gusto mo na ba akong magmukhang balyena?" natatawang biro na lamang ni Joymi at saka humawak sa braso ng asawa. Akala yata ni Franz ay oras-oras siyang gutom.
"Ano naman ngayon? Kahit na lumobo ka pa, kahit maging triple pa ang laki ng katawan mo, ikaw pa rin ang pinaka magandang babae sa paningin ko."
Mas lalo pa ngang natawa si Joymi sa ka-cornyhan ng asawa. "Naku, tigil-tigilan mo ako sa pambobola mong ganyan, ha? Asawa mo na ako at lahat binabanatan mo pa rin ako ng ganiyan. At saka nakakahiya sa mga makakarinig. Sabihin pa nila kung saan-saan tayo nagkakalat ng kaharutan."
"Nagsasabi lang naman ako ng totoo, ah."
"Oo na sige na," naiiling na pagsang-ayon na lamang niya habang may malawak na ngiti sa mga labi. Hindi naman dahil sa kinikilig siya, masaya lang talaga siya sa tuwing kasama niya si Franz. She's not sure if it is just because of her hormones and pregnancy o sadyang dahil mahal na mahal niya lang ito.
Kung minsan nga ay gusto niya na lang matulog ng matulog kapag nasa trabaho ito para magising na lang siya kapag nakauwi na ang asawa. Pakiramdam niya kasi ay napakahaba ng oras sa tuwing hinihintay niya ito kaya doble rin ang pagka bagot niya. Hindi na talaga siya magtataka sa oras na maging xerox copy nito ang magiging anak nila dahil mukhang ito ang kaniyang pinaglilihian.
Habang nag-iikot ang mag-asawa sa wet market ay bigla na lamang nag ningning ang mga mata ni Joymi nang makakita ng pulang-pulang mansanas kaya agad niyang hinila si Franz palapit doon.
"Magandang araw. Ano pong sainyo, Ma'am, Sir?" magiliw na sambit ng ginang habang malawak ang pagkakangiti.
"Magkano po rito sa mansanas niyo, Lola?" tanong ni Joymi habang namimili.
"Bente singko isang piraso, Iha. Pero bente na lang para sainyo dahil gwapo at maganda kayong mag-asawa," tuwang-tuwa pang sambit ng ginang "Paniguradong gwapo at maganda rin ang mga magiging anak ninyo."
"Naku, salamat po." Nginitian ito ni Joymi. Hindi na siya magtataka kung bakit kaunti na lamang ang tinda ng ginang kumpara sa mga katabing tindahan nito. Dahil siguro sa pagiging magiliw nito sa customer at sa galing mang-sales talk kaya ito tinatangkilik.
"Kumuha na rin tayo ng ubas, pinya, orange at pakwan. Mahilig sa prutas sina mama 'di ba?" sambit naman ni Franz at saka nagsimulang mamili ng mga prutas.
"Bagong kasal lang ba kayo?" maya-maya ay usisa ng tindera sa kabila.
"Opo," magalang na sagot namin ni Joymi.
"Naku! Kaya naman pala." Pumalatak pa ito. "Ganyan na ganyan din sa akin ang asawa ko noon. Hindi mahiwalay sa akin, sinasamahan ako kahit saan ako magpunta. Pero nang lumaon ay halos hindi ko na makita ang pagmumukha sa loob ng bahay."
"Paanong hindi ka lalayasan, parati mong inaaway," pabirong sambit naman ng ginang na binilhan nila.
"Kung ikaw ba naman magkaroon ng asawang palamunin na walang pakinabang, lamon at tulog na nga lang ang ginagawa ang lakas pang mambabae at uminom. Ewan ko lang kung hindi umiinit ang bumbunan mo araw-araw."
"Bakit mo kasi pinakasalan?"
"Aba'y malay ko bang sa umpisa lang magaling ang unggoy na iyon."
"Ewan ko ba saiyo, Mare. Dapat kasi noong una pa lang ay hiniwalayan mo na agad," naiiling na sambit ng ginang habang sinisimulang balutin ng plastik ang mga binili nila.
"Kung hindi lang talaga sa mga anak ko, Mare. Ayaw ko naman kasing lumaki silang hindi buo ang pamilya kaya kahit sawang-sawa na ako ay pinagtyagaan ko na lang."
"Ewan ko ba bakit minalas ka sa lalaki."
"Ikaw nga riyan hindi na nakapag asawa dahil iniwan at pinagpalit ka ng boyfriend mo sa kaibigan mo, eh."
"Kahit kailan talaga ay chismosa ka. Parehas lang tayong minalas talaga. Mabuti na lang itong si pogi at mukhang mabait at matino," baling nito kay Franz ng abutin ang bayad nila.
"Syempre naman po. Bakit pa ako maghahanap ng iba kung nasa akin na po ang pinaka the best na asawa," sagot naman nito saka siya kinindatan. Pinamulahan tuloy siya ng pisngi dahil sa hiya.
"Subukan mo lang naman kasing magluko, babaliin ko lahat ng pwedeng baliin saiyo," banta niya naman na ikinatawa na lamang ng dalawang ginang.
"Salamat sainyo! Balik kayo," paalam pa nga ng isa matapos maiabot ang kanilang sukli at mga pinamili.
"Salamat din po," sagot naman ni Franz. Ngiti at tango na lamang naman ang ibinigay ni Joymi sa dalawang ginang bago sila tuluyang umalis.
---
"Anong problema? May nararamdaman ka ba? Nahihilo ka ba?" nag-aalalang tanong ni Franz ng mapansin ang pananahimik ni Joymi habang nag-iikot sila sa supermarket.
"Wala naman, naisip ko lang kasi 'yong sinabi nang ale kanina. Na dahil lang daw sa mga anak niya kaya hindi niya iniwan ang asawa niya. I am just wondering, what if sa akin o sa atin mangyare iyon. Okay lang kaya kung mag-stay pa rin sa relationship na hindi na binded ng love. I mean, how is it possible? Magkasama sa iisang bubong pero wala ng pakialamanan gano'n?"
Inakbayan siya ni Franz at saka marahang hinalikan sa noo. Napatingin tuloy siya sa paligid para i-check kung may nakakita at nakahinga lang siya ng maluwag ng walang makitang tao sa paligid. Naroon kasi sila sa canned goods section.
"Huwag mo ng isipin dahil hindi naman iyon mangyayare. Sabi ko naman saiyo 'di ba? araw-araw kitang mamahalin hanggang sa huling hininga ko."
"Sus! Ayan ka na naman sa kamaisan mo, eh," mahinang kinurot niya ito sa braso at saka malawak na nginitian. "I love you."
"I love you more." Mabilis na hinalikan pa nito ang tungki ng ilong niya bago muling sinimulang itulak ang cart.
At first, akala niya mahihirapan sila because this happen unplanned. But so far, so good naman or is it too early to say na everything is fine and will be fine. Aaminin niya na until now she still have thoughts that what if hindi sila naging reckless and mapusok? How is the feeling kaya to work together with him gaya ng plano nila noon?
But she always shrugged off those thoughts by thinking that there is always a right time for a right moment. For as long as she have him and her family that keeps cheering her up, there is no way she will give up on her dreams. Someday, matutupad din ang mga plano nila ni Franz at may bonus pa ngang munting anghel.
Napalingon siya sa asawa na ngayon ay abala sa pag dampot ng mga biscuit and healthy snacks. They just graduated at aaminin niyang hindi pa siya ganoon ka mature so she isn't sure if she'll be a good wife and a good mother but she's really thankful na pinanagutan siya nito at hindi tinakbuhan tulad ng nangyare sa iba. Mabuti na lang talaga at very matured at understanding ng asawa kaya napagtitiyagaan pati na ang mood swings niya.
Inilibot niya ang paningin at kumurap-kurap ng maramdaman ang pangingilid ng luha. Umatake na naman ang pagiging iyakin niya. "Bakit, Babe? Nahilo ka na ba?"
Nang lingunin niyang muli ito ay bakas ang pag-aalala sa mukha nito. "I'm okay, iniisip ko lang kung anong bibilhin ko. Was actually thinking about getting sanitary pads kaso naalala ko buntis nga pala ako," she said cutely kaya natawa na lang ang asawa.
"Naku, mukhang gutom na ang mahal kong asawa. Kung ano-ano na ang sinasabi, eh."
---
Nang makauwi sila ng bahay ay agad silang sinalubong ni Leo ang ama ni Joymi para tulungan sa pagbubuhat ng mga pinamili. Her father is an engineer pero madalang na itong kumuha ng proyekto dahil ang tiles business nila ang pinagkaka-abalahan nito ngayon.
Nang maidala sa kusina ang lahat ng mga pinamili nila ay saka naman sumulpot si Lorna ang kanyang ina. "Tamang-tama ang pagdating niyo. Tapos ko ng gawin iyong lesson plan ko kaya pwedeng pwede na akong tumambay rito sa kusina," nakangiting sambit nito habang tinitingnan isa-isa ang mga pinamili nila.
"Ako na po ang magluluto, Ma. Magpahinga na lang po muna kayo at saka mukhang bored din si Papa manood mag-isa kaya samahan mo na, Ma," sambit naman ni Franz.
"Naku, hayaan mo na iyong matandang iyan. Sanay na iyan mag-isa sa harapan ng tv," tumatawang biro naman ng ginang. "Ako na ang bahala rito. Umakyat na muna kayo sa kwarto at magpahinga. Alas singko na rin naman ng hapon baka inaantok ka na, Joy," baling nito sakaniya.
Agad naman siyang umiling. "Mas napapagod na ako kakahiga, Ma. Okay lang naman po ang pakiramdam ko ngayon. Hayaan niyo na po sa kusina itong si Franz. Hindi niya naman susunugin ito," biro ng dalaga. "Samahan ko na rin po muna siya at ako naman po ang bahalang mag-ayos nitong mga pinamili namin. Sabi naman ni ate kailangan ko ring kumilos-kilos kahit papaano para hindi sumakit ang balakang ko kakahiga."
"Sige na nga. Mukhang kahit sa kusina ay hindi kayo mapaghihiwalay na dalawa," malawak ang ngiting sambit na lamang ng ginang. Nagniningning pa ang mga mata mata nito habang salitan silang tinitignan. Sa tuwing kaharap niya talaga ang mga ito ay hindi niya maiwasang hindi sariwain ang nakaraan nang bagong kasal pa lamang sila ni Leo. Ganoon na ganoon din kasi sila.
Lalo na nga ng pinagbubuntis niya si Joymi, gusto niya ay parating katabi at nakikita ang asawa kaya tuloy parang binagbiyak na arinola ang mag-ama. "O siya, maiwan ko na muna kayo rito. gigisingin ko lang saglit ang ate mo para makapag handa na rin sa pagpasok," paalam niya sa mga ito.
"Ang swerte ko talaga hindi lang saiyo. Kun'di pati na rin sa pamilya mo. Ang sarap pala sa pakiramdam magkaroon ng in-laws na hindi katulad ng mga napapanood sa telenobela," sambit ni Franz habang abala sa paghuhugas ng mga isasangkap niya sa ilulutong kaldereta habang si joymi naman ay inaayos na sa may drawer ang mga delata.
"Ganiyan din naman ang pakiramdam ko. maswerte tayo dahil parehas na mapagmahal at malawak ang pang-unawa ng mga parents natin. Akala ko talaga ay masasakal ako ni Papa noong malaman niya na buntis ako."
"Yes, I am very grateful as well na hindi ako sinalubong ng maso ni Papa nung nalaman niyang buntis ka," biro pa nga niya nang humarap kay Joymi.
"Natakot ka ba?"
"Oo naman! Pero ang mas kinakatakot ko talaga is baka ma-disappoint sila sa akin at hindi ako tanggapin. You don't have any idea kung gaano ako ka-thankful dahil never ko naramdaman na hindi ako belong sa pamilya niyo."
"Kay kuya ba hindi ka na takot?" biro ng asawa. Hindi pa kasi niya nakilala sa personal ito dahil nasa abroad ito nagta-trabaho bilang architect at limang taon na ngang hindi pa nakakauwi.
"Mas takot pa rin ako saiyo," sagot niya naman habang nagsisimula ng maghiwa. "Anyway, Is it okay with you kung bubukod na tayo after mo makapanganak? Wala naman akong problema rito sainyo but I really wanted to take full responsibility sainyo ng magiging anak natin," paliwanag niya kaagad dahil baka ma-offend ito.
He understand that she's still young and must be afraid dahil nga biglaan naman ang mga pangyayari but he knows his wife very well. Alam niyang matapang ito at handang tumayo sa sariling mga paa.
"I am not really sure kung magiging mabuti at perpektong ina at asawa ba ako. Natatakot ako na baka hindi ko kayanin without guidance ni Mama pero syempre hindi naman pwedeng maging dependent pa ako masyado sakanila samantalang magiging magulang na rin ako, tayo. So it's fine with me kung bubukod na tayo. Para masanay na rin tayo at syempre para hindi rin masyadong nakakahiya kina mama. Ayoko namang isipin nila na nakaya nating gumawa ng bata ng tayo lang pero hindi natin kayang palakihin ng tayo lang dalawa. You know me, babe. Just like you, parehas na mataas ang pride and ego natin," mahabang litanya nito.
"Makakaya natin ang lahat for as long as we have each other. I can't promise to be a perfect husband and father as well but I promise to be good and to do good para maalagaan kayo ng baby natin. I will do my very best to provide your needs."
Lumapit si Joymi at saka siya niyakap mula sa likuran. "Thank you, Babe. I love you."
"I love you more, Joy."
"I love you most."
Napangiti na lang si Franz, he could argue with her forever if who love who more. Hindi man ito kasama sa mga naginf plano nila noon. Ang mahalaga magkasama pa rin sila para bumuo ng panibagong plano at tuparin in the future ang mga plano nilang naudlot.