Kanina pa paikot-ikot at hindi mapakali si Franz habang nag aantay sa labas ng delivery room. Nasa opisina kasi siya kanina ng mag-labor si Joymi kaya naman ngayon lang siya nakarating. Isang family lang ang pinapayagan ng hospital na mag-stay sa loob ng delivery room at ang ina ng asawa ang kasama nito sa loob ngayon habang ang byenang lalaki at ang mga magulang naman ang kasama niya sa labas.
"Kumalma ka nga riyan franz. Ako'y nahihilo na sa kakaikot mo. Baka mamaya ay mawalan ka na rin ng malay sa sobrang pag-aalala mo," sita sakaniya ng ina at saka siya hinatak paupo. "Matapang na bata iyang si Joy kaya siguradong ligtas at malusog silang makakaraos na mag-ina," pagpapagaan pa nito sa loob niya.
Isang malalim na buntong hininga na lamang naman ang pinakawalan ni Franz. Alam niya namang healthy ang mag ina niya dahil todo rin ang pag-aalaga rito ng kaniyang byenan at hipag kaya lang ay hindi pa rin talaga siya mapalagay. Dala na rin marahil ng labis na excitement kaya halos kumawala na ang puso niya sa katawan sa sobrang lakas ng t***k.
Nang lumabas ang doctor ay agad nila itong nilapitan. "Kamusta po ang mag ina ko, Doc?"
"They are both okay and in good condition. You can visit the mother after siyang mailabas sa delivery room and mailipat ng kwarto. And we will bring the baby later. We still need to run a few test and check ups to make sure that the baby is healthy but don't worry, this won't take long."
"Thank you, Doc." Tinanguan na lamang sila ng Doktor bago tuluyang umalis.
Samantala, patuloy pa rin ang malakas na pagkabog nf dibdib ni Franz. Hindi yata siya kakalma hangga't hindi niya nakikita ang mag ina niya.
Naramdaman niya ang marahang pagtapik ng ina sa kaniyang likuran ng lumapit ito. "Congratulations, Anak. Tatay ka na," maluha-luhang sambit ng ginang habang may malawak na ngiti sa mga labi.
Nangilid din ang luha sa mga mata ni Franz matapos marinig ang salitang Tatay. Tila ba may kamay na humaplos sa puso niya at talaga namang hindi niya maipaliwanag kung gaano siya kasaya sa mga oras na iyon.
Maya-maya pa nga ay lumabas na mula sa delivery room ang ina ni Joymi. Tulad nila ay may bakas rin ng pagluha sa mga mata nito habang may malawak na ngiti sa mga labi. Batid ni Franz na lahat sila ay pantay-pantay ang kagalakang nararamdaman dahil ito rin ang unang apo ng mga magulang.
Hindi pa man nila nahahawakan at nasisilayan ang bata ngunit ibang klaseng tuwa na kaagad ang nararamdaman nila. His heart is so full just by the thought of having an angel sent from above as a gift in their life.
Agad na sinubong ni Leo ang asawa at mahigpit na niyakap. Ilang saglit lang din ay agad na itong lumapit sa gawi nila. "Nailipat na sa private room si Joy. Pwede na ninyo siyang bisitahin sa room 203. Uuwi na muna kami ni Leo para kumuha ng mga gamit," sambit ng ginang.
"Sige, Balae. Kami na muna ang bahala kay Joy. Mag-ingat kayo, ha?" sagot naman ng kaniyang ina.
"Salamat, Balae," anito at saka tumingin sa relong pambisig. "Magdadala na rin kami ng makakain pag balik namin mamaya para makapag dinner din kayo ng maayos."
"Naku, salamat."
"Walang anuman, Balae. Maliit na bagay. O s'ya mauna na kami, ha? Para makabalik din kami kaagad dahil itong si Leo parang gusto pang magpaiwan sa sobrang kagustuhang makita kaagad ang bata," biro pa nito. Bumeso pa ang ginang sa kanilang mag-ina at tumango sakaniyang ama bago tuluyang umalis kasama ang asawa.
"Mauna ka na muna sa kwarto ni Joy, Anak. Bibili muna kami ng maiinom ng papa mo." Tinanguan na lang naman niya ito bilang tugon. Marahang tinapik pa siya ng ina sa braso bago siya iwan.
Biglaan lang din kasi ang naging pagsugod ng mga ito ng malaman ang pagla-labor ni Joymi kaya wala silang bitbit na kahit maiinom man lang. Halos hindi na nga nakapagbihis ng maayos ang mama niya kaya t-shirt pa ng papa niya ang naisuot nito.
Parehas na bunso sina Joymi at Franz kaya naman kahit na magkaka-anak na sila at lahat at grabe parin ang pagaasikaso ng mga magulang nila sakanila.
----
Samantala, pakiramdam ni Joymi ay nakalutang siya sa alapaap sa mga sandaling iyon. Hindi dahil sa mga gamot kun'di dahil sa labis na kaligayahan ng marinig ang iyak ng kanilang munting anghel.
Hindi maipaliwanag ni Joymi kung ano nararamdaman niya habang nasa labor room. Hindi niya alam kung alin ba sa katawan niya ang masakit. Halos maluha na lang talaga siya sa nararamdaman.
"Ayos lang 'yan, Anak. Konting tiis lang. Lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon ay itatangay ng hangin sa oras na makita mo na si baby," sambit ng ina habang hawak niya ng mahigpit ang kamay nito. Tila ba ro'n na lamang siya kumukuha ng lakas.
Hindi siya makaimik dahil pakiramdam niya kapag magsalita siya ay mas lalong mahahati ang katawan niya. Nang lingunin niya ang ina ay nakita niya ang nangingilid na luha sa mga mata nito na tila ba nais akuin ang kung ano mang nararamdaman niya ngayon kung maaari lamang.
"Ma, naman. Bakit naiyak ka rin diyan? Dapat ako lang, eh. Moment ko 'to, Ma. Huwag mo akong agawan," biro niya at saka pilit na ngumiti para kahit papaano ay mapagaan ang loob nito.
"Masaya lang ako para saiyo, Anak. Parang kailan lang kasi noong ako ang narito para ilabas ka, ngayon magkaka-baby na ang baby ko," emosyonal na sambit nito.
"Sana nga ay makapag-asawa na rin ang ate at ang kuya mo para naman maabutan pa naming lumaki ang mga mini-me ninyo," singit naman ng ama.
"Salamat, Ma, Pa. Salamat sa lahat ng suporta. At saka sorry, sorry kung hindi man lang ako nakatulong sainyo pagkatapos niyo akong palakihin at pagaralin. Sorry kung---"
"Wala kang dapat ihingi ng tawad, Anak. Obligasyon naming mga magulang na bigyan kayo ng maayos na buhay at pag-aralin hindi para sa amin, kun'di para sa future niyo. Para mabigyan niyo rin ng maayos na buhay ang mga magiging anak ninyo. Hindi kayo investment na pinalago namin to get something in return. Ang kaligayahan niyo ang pinaka mahalaga. Kaya wala kang dapat ihingi ng tawad, Joy."
Mas lalo pa ngang naiyak si Joymi. Napaka swerte niya talaga sa mga magulang. Kahit kailan ay hindi sila sinumbatan ng mga ito sa kung ano mang naibigay sakanila kaya talaga namang nahihiya siya. And she's really hoping na sana ay maging ganoong klaseng magulang din sila ni Franz. Sana ay mapalaki niya ring maayos ang mga magiging anak nila. Sana ay magkaroon din sila ng masaya at maayos na pamilya.
Mabilis na pinahid ni Joymi ang luhang tumulo sa mga mata ng maalala ang pangyayari kanina. Mula sa labor room hanggang sa delivery room ay hindi siya iniwan ng ina at hawak-hawak lang nito ang kamay niya. She is forever grateful for having such a wonderful parents. She is indeed beyond lucky.
Hindi rin naman siya nagtatampo kung hindi man nakarating si Franz at hindi ito ang kasama niya kanina sa panganganak dahil alam niyang bukod sa pagiging asawa ay may responsibilidad din naman ito bilang empleyado.
Nang marinig ang pagtunog ng pinto ay agad na napalingon si Joymi para tignan kung sino ang dumating. Malalaki ang bawat paghakbang ni Franz na tila ba madaling-madali itong makalapit sakaniya.
"Sorry kung ngayon lang ako nakarating, Babe." Hinalikan pa siya ng asawa sa noo. Bakas sa mukha nito ang labis na pagaalala kaga nginitian niya na lamang ito.
"It's okay, Babe. Ngayong nakalabas na si baby para ngang ayaw na kitang makita, eh. Bigla akong nakaramdam ng umay," biro niya para pagaanin ang loob nito. Ayaw niya namang makaramdam ng guilt ito. Gusto niya ay masaya lang ang lahat ngayong araw.
"Hindi ako naniniwala.Alam ko namang mula nang makita mo ako ay parati mo ng hinahanap hanap ang presensiya ko," mayabang na sambit nito at saka siya kinindatan.
Pabirong inirapan naman ito ni Joymi. "Ang kapal nito, ikaw nga itong una pa lang ay nagpapapansin na sa akin."
"Aba! Hindi ko na kasalanan kung masyado akong kapansin pansin para saiyo. Kasalanan ko bang maging gwapo?"
Habang nagkukulitan ang mag asawa ay nakarinig sila ng sunod-sunod na katok. At maya-maya nga lang ay iniluwa ng pinto ang isang nurse na buhat ang kanilang munting prinsesa. Mas lalo pa ngang lumawak ang ngiti ng dalawa habang nakatitig sa sanggol.
Samantala, saglit namang tila tumigil sa pagikot ang mundo ni Franz. Sa ikalawang pagkakataon, pakiramdam niya ay na love at first sight siya. Naibaba na at lahat lahat ng nurse ang bata sa tabi ni Joymi ngunit siya ay tulala pa ring nakatitig dito.
"Siyam na buwan ko siyang dinala but look at her, wala man lang siyang nakuha sa akin. She really looks like your xerox copy," nakangiting sambit ni Joymi habang nakatingin sa anak. Kuhang kuha ng bata mula sa makapal na kilay at mahabang pilikmata maging ang shape ng ilong at labi ng ama.
Nagpalipat lipat ang tingin ni Franz sa kaniyang mag ina. He will do everything para lang mabigyan ng magandang buhay ang mga ito. He will do everything to provide for them and give them what they deserve. At syempre para sakaniya, they deserve the best so he have to work harder.
"Look at your daddy, Aeriya. He is mesmerized because your are very gorgeous like me," nakangiting sambit ni Joymi at saka marahang hinaplos ng daliri ang tungki ng ilong ng sanggol.
"Mukhang marami akong mababalian ng buto kapag nag dalaga ang baby ko, ah," sawakas ay sambit ni Franz at saka humila ng upuan para ilagay sa tabi ng hospital bed. "Ngayon ay may karibal ng babae si mommy sa buhay ko. Sana huwag siyang mag selos," biro pa ni Franz at saka siya tinapunan ng nakakalokong tingin habang hinahaplos ang maliit na kamay ni Aeriya.
"Hoy! Hindi ako selosa, 'no."
"Anyway, why do you like the name Aeriya so much?" maya-maya ay tanong nito ng maalalang pinipilit niya na talaga ang pangalan na iyon the moment na nalaman nila ang gender ng bata after ultrasound.
"Eriya in japan means blessed. Our little Aeri is a blessing, we are blessed to have her in our life."
"And I promise to take a good care of the best blessing I have ever received. At iyon ay kayong dalawa, I love you," he said then gave Joymi a quick but firm kiss on the lips. Ilang saglit pa nga ay dumating na ang mga magulang ni Franz. Kaagad ngang lumapit ang ina para buhatin ang bata.
"Naku, Joy. Kamukhang-kamukha nga talaga ni Franz. Kapag nagtagal ay paniguradong mauumay ka na sa mukha niya dahil pares na ang makikita mo. Hindi mo na siya hahanap-hanapin katulad noong nagbubuntis ka pa lang. Tignan mo lang itong si baby ay hindi mo na siya mami-miss," biro pa nito habang malawak ang ngiting hinehele ang apo.
"Kaya nga po, Ma. Sabi ko nga kaninang nakita ko si Franz umay na ako kaagad."
"Naku, Ma. Malabong mangyari iyan dahil patay na patay sa akin iyang si Joymi. Kaya siguradong minu-minuto at oras-oras pa rin niyang hahanapin ang kagwapuhan ko."
"Parehas na parehas talaga kayo nitong tatay mong mahangin," baling nito sa asawang titig na titig sa apo habang nakangiti.
"Ay aba s'yempre! Kanino pa ba naman magmamana ng kagwapuhan si Franz? Natural sa akin," sagot naman nito.
Nang bahagyang kumibot ang labi ng sanggol ay natawa ang ginang. "Nakita niyo ba 'yon ha? Pati si baby hindi kumbinsido sa pinagsasasabi niyo."
Napangiti na lang tuloy si Joymi habang pinagmamasdan ang mga ito. Hindi niya na talaga alam kung anong klaseng kabutihan ang nagawa niya at binigyan siya ng mga ganito kababait na tao sa paligid niya. She is indeed lucky. And she is very happy right now to see everyone close to her heart happy as well. It feels really good kapag tanggap na tanggap ka ng mga in laws mo. Hindi nakaka suffocate sa feeling.