Buong akala ni Joymi ay babalik na sa dati ang takbo ng pagsasama nila ni Franz pero nagkakamali siya. Isang beses lang itong umuwi ng maaga at ngayon nga ay abala pa rin ito sa harapan ng laptop kahit na linggo. Pero kahit na isang beses lang iyon, kahit papaano ay nabawasan ang mga gumugulo sa isipan niya. Ngayon ay abala siya sa paghuhugas ng pinggan dahil katatapos lang nilang mananghalian. Patapos na siya nang bigla na lamang niyang marinig ang malakas na sigaw ni Franz sa may sala. Kaya dali-dali siyang nagtungo roon para tignan kung ano ang nangyari. At ganon na lamang ang panlalaki ng mata ni Joymi nang makita niyang pinalo ni Franz ang kamay ni Eros dahilan para umiyak ito. "Franz! Bakit mo sinasaktan ang anak ko?!" sigaw niya at saka mabilis na binuhat ang anak. "Kanina pa ako

