At katulad nga ng inaasahan ni Franz. Sermon na naman ang inabot niya kinabukasan dahil sa nangyari. Lunes na lunes ay siya na naman ang bumida sa opisina ng COO nila. "Ano ang kabilin-bilinan ko sa inyong lahat na mga managers or even employees sa kumpanyang ito? Hindi ba at sinabi ko naman sainyo na huwag na huwag kayong magpapatay ng cellphone dahil hindi natin alam kung kailan ang emergency? On-going ang operation natin kahit sunday kaya nga kahit ako ay parating active ang phone. Even the the Chairman. Paano kung ang CEO ang biglang tumawag saiyo? Paano kung may emergency at may kailangan siyang itanong sa iyo? My goodness, Franz! Mabuti na nga lang pala at natawagan si Gabriel kahapon. Muntikan na tayong na tax map dahil hindi ka ma-contact. May BIR visit kahapon sa Tarlac Area pero

