Dahil sa sama ng loob ni Joymi sa naging paguusap nila ng biyenan ay walang pasabi siyang umuwi sakanila. Kahit pa nga hindi sanay ay tiniis niyang mag-commute para makauwi. Nagiwan na lang siya ng chat at text messages kay Franz kung saan sinabi niyang gusto niyang surpresahin ang mga magulang. At alam niya namang mamayang gabi pa nito mababasa iyon kapag naka-uwi na ito. "Joy! Bakit hindi ka na lang nagsabi na uuwi ka? Sana ay pinasundo kita sa papa mo kahit diyan lang sa terminal," gulat na sambit ng kaniyang ina nang mapagbuksan siya ng pinto. Agad nitong kinuha ang travelling bag na bitbit niya at binuhat si Aeriya na tila babagsak na ang mata dahil sa antok at pagod sa biyahe. Si Eros nga ay nakatulog na rin. "Bigla ko lang din po kasing naisipan na dalhin dito ang mga bata. Para n

