Dahil mapilit na si Aeriya ay walang nagawa si Joymi kung hindi ang magdesisyon na lang na bumalik sa Taguig. Noong una, akala niya ay umaayon pa sa kanila ang panahon dahil nga hindi gaanong tirik ang sikat nang araw. Kaya nga lang ay inabutan naman sila ng ulan. Mukha tuloy silang basang sisiw na mag-iina nang makarating sa apartment. And she really doesn't know what to feel nang makita ang itsura ng apartment pagbukas niya pa lang sa pinto. May baso at plato na naroon pa nakakalat sa sala. Idagdag pa ang ilang piraso ng damit na nasa sofa. Napapailing na dumiretso na lamang siya sa kwarto para mabihisan ang mga bata bago pa matuyuan at magkasakit. At muli nga siyang napabuntong hininga nang nakita na hanggang sa kwarto nila ay nagkalat ang mga damit ni Franz kaya sa kabilang kwarto ni

