Hindi inaasahan ni Franz ang biglaang pagbisita ni Gabriel sa opisina niya. Oo nga at ilang hakbang lang naman ang pagitan sa opisina nilang dalawa ngunit hindi talaga ito pumapasok sa Audit Department dahil ayaw umano nitong isipin ng iba na nagte-team up sila at gumagawa ng kababalaghan sa budget ng kompanya. Tumingin siya sa suot na relo. Quarter to twelve na rin pala at malapit na ngang mag lunch break. "Anong masamang hangin ang nagtulak saiyo rito sa opisina ko?" tanong niya ng maupo ito sa may sofa na naroon sa tapat ng table niya. "The whole company is in chaos right now dahil may mga nakakita raw kay Miss Maxinne na lumabas sa opisina ng CEO na umiiyak. Hindi na halos magkumahog sa pag tsismis ang mga makakati ang dila. Iba-iba sila ng hinuha kaya naman dumiretso na ako saiyo par

