"Good morning, Dad. Pinatawag mo raw ako?" nakangiting bati ni Maxinne sa ama pagpasok sa opisina nito. "We are in the office at the moment so I am not your father, I am your boss so act accordingly and mind your manners," pormal na sagot nito sa ma-awtoridad na tinig kaya naman unti-unting nawala ang kanina'y malawak na ngiti sa mga labi ng dalaga. "Sorry, Sir," agad na hingi niya ng paumanhin. Buong buhay niya ay never naman talaga silang naging close na mag-ama. Kaya hindi rin niya maintindihan kung bakit nagugulat pa siya sa trato nito sakaniya. Well, oo at sa ibang tao ipinapakita nitong concern siya sakaniya but not when there is no one around. All her life, she felt like her own father only sees her as an object. Pero parang kahit na anong gawin niya ay never siyang naging enou

