Nang umaga ring iyon, pagkatapos ng lahat ng kailangan tapusin ay agad na nagtungo si Franz sa office of the CEO para mag-report. "Good Morning, Sir," bati niya matapos ibaba sa table nito ang mga bitbit na folder. "Good morning, Mr. Miares," sagot naman nito at saka tumingin sa relo. "Mamayang alas dose pa ang deadline na ibinigay ko saiyo but you are two hours ahead of time. Considering na late pa akong nag utos. Hindi talaga ako nagsisisi for promoting you as audit head." "Thank you, Sir." Bahagya pa siyang yumukod biglang pag galang matapos siyang purihin ng kanilang big boss. "So kamusta naman ang ipinagawa ko saiyo?" "Regarding sa mga cash advances ng Admin Department, Sir. Marami pa ngang unliquidated. Last month ay nagpunta sila sa divisoria to buy materials needed para sa mga

