Chapter 82.2

1045 Words

Samantala, pagpasok pa lang naman ni Joymi sa canteen ay palinga-linga na siya. Napansin naman kaagad iyon ni Lyka kaya tinukso tuloy siya nito. "Hinahanap mo ba si Sir Franz?" anito na may nakakalokong ngiti sa mga labi. "Hindi, ah." "Bakit halos magkandahaba-haba na iyang leeg mo kakalingon?" Sinundot pa ng makulit na kaibigan ang tagiliran niya kaya napaatras siya. "Naghahanap lang ako ng bakanteng table na mauupuan natin." "Sus! Hindi pa nga tayo nakakakuha ng pagkain, table na agad ang hinahanap mo? Ikaw talaga. Magpapalusot ka na lang palpak pa. Dapat ulam muna ang sinisilip mo bago table. Mamaya may pwesto nga tayo pero wala naman pala tayong kakainin," tumatawang biro pa nito. "Bakit, Sis? Miss mo na ba si Sir? Grabe naman, parang hindi iisang bahay ang inuuwian niyo, ah," h

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD