Ngayong araw ang interview ni Franz sa Julian's Bakeshop kaya maaga palang ang umalis na ito para hindi maabutan ng traffic at hindi ma-late. At mula kaninang umalis ito ay hindi na rin nakatulog si Joymi. Maging siya kasi ay kinakabahan. Pero malaki ang tiwala niya sa asawa. She know that he'll do well. Kanina pa rin siya paikot-ikot sa kwarto at tingin ng tingin sa orasan.
Nang mag-ring ang cellphone ay dali-daling sinagot iyon ni Joymi. Inaasahan niya na kasing tatawag amng asawa kapag nakarating ito. "Almost two hours ka ring nagbyahe. Mabuti naman at nakarating ka agad before eight."
"Oo nga. Mabuti na lang at walang masyadong traffic so I arrived earlier than expected. Pinapasok na kami ng guard sa may lobby at parang nailipad na ng hangin ang confidence na baon ko dahil sa itsura ng mga iba pang applicants. Narinig ko nga iyong dalawang nag-uusap kanina at sa mga matataas at kilalang eskuwelahan sila nakapagtapos."
"Ano naman ngayon kung doon sila nag aral? I'm sure mas magaling ka pa rin sa kanilang lahat kaya huwag kang nega. Nakakapangit 'yan," biro ni Joymi parakait papaano ay gumaan ang pakiramdam ng asawa. Napangiti na lang siya ng marinig ang mahinang tawa nito sa kabilang linya.
"Thank you, Babe. The best ka talaga kahit kailan."
"Ako pa ba? Kaya huwag na huwag kang titingin sa ibang babae riyan dahil wala ka ng makikitang kasing perfect ko. Nag-iisa lang ako sa mundo."
"Ang yabang, ah."
"HIndi kayabangan ang pagsasabi ng totoo, 'no."
"Kung sabagay. Kaya nga bagay tayo dahil parehas tayong perfect."
"Syempre naman 'no? Anong akala mo sa akin walang taste? Aba! Mataas kaya ang standard ko. So kung nakapasa ka sa akin malamang ay high quality ka. Kaya huwag kang titiklop d'yan kung ayaw mong balian kita ng buto.'
"Ako? Titiklop? Not even in my dreams."
"Very good! That's my man." Gumaan na rin ang pakiramdam ni Joymi ng maging masigla na ang boses ni Franz. Mukhang kahit papaano ay naibsan na ang kaba at pressure na nararamdaman nito.
She is really happy and so proud of him for having that kind of opportunity although she's envious at the same time. Iba pala ang pakiramdam kapag napag iiwanan ng pagkakataon. Sabay nilang pinangarap iyon pero ito na lang ang tumutupad. Sana talaga ay hindi siya tuluyang mahuli at talikuran ng pangarap niya.
HIndi pa posible sa ngayon dahil hindi niya naman isasakripisyo ang kalusugan ng anak para sa pangarap niya. Ayaw niya namang ipasa sa mga magulang ang responsibilidad niya sa pag-aalaga ng anak. Iyon nga lang pagtira nila roon at pag-alalay sakaniya ay labis na para sakaniya. Ayaw niya rin namang ikuha nalang ng yaya ito dahil hindi naman siya sigurado kung tututukang mabuti nito ang bata so maghihintay na lang talaga siya ng tamang pagkakataon. Tutal naniniwala naman siyang kung para sakaniya, ibibigay naman ng diyos. Kailangan niya lang tanggapin na hindi pa ngayon ang time niya to shine.
"Hello, Babe? Nandiyan ka pa ba?"
Bahagya pang napapitlag si Joymi ng marinig ang boses ng asawa sa kabilang linya. Hindi niya namalayang lumipad na naman kung saan ang utak niya kaya nakalimutan niyang kausap niya nga pala ito. "Yes, nandito pa ako. Gumalaw kasi si Aeri, naingayan yata sa akin kaya hindi ako agad naka-imik," pagdadahilan na lamang niya,
"Gano'n ba? O sige, ibaba ko na ito ng makapagpahinga ka pa habang tulog pa siya. Napuyat ka pa naman kagabi dahil mulat siya magdamag. Tatawagan kita agad mamaya bago ako umuwi after interview, okay?"
"Sige hintayin ko ang tawag mo. Goodluck, Babe. I love you."
"I love you more, bye!"
Busy tone na ang sunod na narinig ni Joymi mula sa kabilang linya. Isang malalim na buntong hininga pa ang pinakawalan niya bago ilapag sa may bedside table ang cellphone at saka humiga sa tabi ng natutulog na anak. Wala pa nga talaga siyang tulog pero hindi rin naman siya dinadalaw ng antok dahil mas nangingibabaw ang kaba at excitement na nararamdaman para sa asawa. Pakiramdam nga niya ay siya ang sasalang sa interview.
---
"Maagang umalis si Franz kanina, ah. May problema ba sa opisina?" bungad ng ina ni Joymi nang madatnan sila ni Aeri sa sala. Kagagaling lang nito sa eskuwelahan kung saan ito nagtuturo. Ito na rin ang huling taon nito sa pagtatrabaho dahil magreretiro na ito.
"May interview po kasi siya ngayon sa Taguig, Ma," sagot niya naman bago ipag patuloy ang pagsubo ng cerelac sa anak na ngayon ay nakasakay sa stroller nito.
"Ha? Bakit? Nag resign na ba siya sa pinapasukan niya?" gulat na tanong pa ng ginang.
"Hindi pa po. Pero iyong boss niya raw mismo ang nag-recommend sakaniya sa Julian's. Nagkataon po kasing kaibigan niya ang HR manager doon at nabanggit nga daw ni Franz before na ro'n siya unang nag apply."
"Hindi ba at doon mo rin gustong makapag trabaho?"
Isang pilit na ngiti ang ibinigay niya sa ina ng balingan ito. "Yes, Ma. pero unfortunately si Franz lang ang nakaapak doon for interview. "Sana nga ay makapasok siya dahil alam kong gustong-gusto niya rin talaga ro'n."
"Paano kayo? Sasama ba kayo sakaniya kapag natanggap siya?"
"Opo, Ma. Itutuloy na po namin ang plano naming pagbukod kapag nakapasok po siya." Hindi alam ni Joymi kung ano ang mararamdaman ng makita ang paglungkot ng itsura ng ina.
"Kaya niyo na ba?"
"Ma, kailangang kayanin syempre. Ayoko naman pong masanay na umaasa at nakadepende sainyo. Gusto ko na rin pong magampanan ang obligasyon ko bilang asawa at ina ng ako lang. Nang hindi na po nakakaabala sainyo."
"Anak, hindi naman kayo abala sa akin. Bata ka pa kaya---"
"Ma, hindi na po ako bata. Kita mo nga at nakagawa na ako ng bata, oh," biro niya pa to lighten the mood. "Bibisitahin na lang po naman kayo madalas para naman hindi ninyo gaanong ma-miss si Aeri."
Nagpakawala pa ito ng malalim na buntong hininga bago tumugon. "Sabagay, wala naman akong magagawa kung iyan ang desisyon ninyong mag-asawa," tila nagtatampong sagot pa nito.
Tumayo naman si Joymi para lapitan ang ina. "Huwag ka ng mag tampo, Ma. Promise po aalagaan kong mabuti si Aeri."
"Huwag mo ring pababayaan ang sarili mo, ha?"
"Oo naman po. Ako pa ba? Kayang-kaya ko 'to! Strong woman kaya ako. Mana saiyo," aniya at saka inakbayan ang ginang.
"At talagang nakuha mo pa akong bolahing bata ka."
"Si Mama talaga ang kulit. Hindi na nga ako bata. Tignan mo nga at may cute na cute akong bubwit na alaga, oh." Nang lingunin nila si Aeri ngumiti ito ng malawak at ginalaw-galaw pa ang mga kamay at paa na tila naintindihan ang sinabi niya.
"Naku, mami-miss ko ang makulit kong apo," sambit ng ina at saka madaling lumapit kay Aeriya para kargahin ito.
Sa tuwing dumarating talaga ito galing sa trabaho ay agad nitong binubuhat ang apo kaya sigurado siyang hahanap-hanapin nito iyon kapag umalis sila pero ganoon talaga, kailangan na nilang bumukod kaya kahit alam niyang malulungkot ang mga ito ay wala siyang magawa dahil buo na rin naman ang desisyon nilang mag asawa.