Alas otso na ng gabi ay wala pang natatanggap na tawag o text man lang si Joymi kaya naman hindi na siya mapakali. Kaninang tanghali pa kasi ang naging huling pag-uusap nila during lunch break at kakatapos pa nga lang daw ng exam at hindi pa nagsisimula ang interview. Ang sabi nito ay tatawag bago umalis doon ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin kaya naman nag-aalala na siya.
Kanina pa nga siya nilalamok sa may veranda kakahintay sa asawa. Ang mama at papa niya ang nag-aalaga ngayon kay Aeri. Susulitin na raw kasi ng mga ito na makasama ang apo habang naroon pa sila dahil sigurado naman daw silang matatanggap si Franz. Tulad niya ay malaki rin ang tiwala ng mga ito sa asawa dahil alam naman ng mga ito kung gaano kasipag ang asawa sa trabaho at alam din ng mga ito na matalino at maabilidad si Franz.
"Joy, pumasok ka na kaya muna sa loob nang hindi ka nilalamok diyan? Mamaya ma-dengue ka pa riyan, eh," sambit ng kayang kapatid ng sumilip ito sa may pintuan.
"Hintayin ko na rito si Franz, Ate. Malapit na rin naman siguro iyon. At saka hindi tatalab sa akin ang dengue. Baka nga ang lamok pa malason sa dugo ko, eh," biro naman niya at saka ito nginitian.
"Sira ka talaga," sagot naman nito at saka siya inirapan. "Huwag ka masyadong mag-panic d'yan, ah. Baka mamaya sa pag-iisip mo ng kung ano-ano riyan ay mag-collapse ka," dugtong pa nito. Kaya naman pala silip ng silip ito kanina pa ay dahil nag-aalala sakaniya.
Magmula talaga ng mag buntis siya ay mas naging maingat at concern ang mga ito sakaniya. Not just physically but also mentally and emotionally. Siguro nga ay dahil na rin sa kaselanan ng pagbubuntis niya. "Okay lang naman ako, Ate. Hindi naman ganoon ka-grabe ang kaba ko kaya hindi ako himatayin. Chill ka lang d'yan. Okay lang ako."
"Sure ka, ha? Hindi mo kailangan ng kausap? Para ma-divert kahit papaano ang isip mo."
Umiling-iling siya. "Sure ako, Ate malapit na si Franz kaya 'wag mo na akong masyadong problemahin. Mas mabuti kung magpahinga ka na dahil nag straight duty ka. Alam ko inaantok ka na." Nang hindi pa rin ito kumilos ay tumayo si Joymi para lapitan ito at saka pilit na itinulak papasok ng pinto. "Okay lang talaga ako, Ate. Magpahinga ka na, okay?"
"Sige na, oo na," napipilitang sambit naman nito bago siya tuluyang iwan. Araw-araw niya talagang ipinagpapasalamat sa Diyos na nagkaroon siya ng ganoong klase ng pamilya na kahit kailan hindi ipinamukha sakaniya ang pagkakamali niya.
Aware naman din siyang pinagchi-chismisan siya ng mga kapitbahay nila dahil sa biglaan niyang pagpapakasal at pagbubuntis. Minsan na nga rin niyang narinig ang kaniyang kapatid na sinita ang mga kapitbahay ng marinig na pinag-uusapan siya. Ibang level din kasi ang katarayan ng kapatid kaya naman tiklop ang bibig ng mga chismosa ng mabulyawan nito.
Kahit saan naman yata ay may mga ganoong klase ng tao na walang ibang inatupag kung hindi ang pakialaman ang buhay ng may buhay at tila tuwang-tuwang pag pyestahan ang pagkakamali ng isang tao. Kung minsan ay nahihiya nga rin siyang lumabas lalo na kapag umaga dahil alam niyang pag natanaw siya ng mga ito ay siya na naman ang magiging topic.
Hindi naman sa kinahihiya niya ang anak at ang nangyari. Ayaw niya lang ng gulo dahil nga baka hindi siya makapagtimpi at mapatulan ang mga ito. Hindi niya nga rin talaga maintindihan kung bakit feeling entitled ang mga ito na manghusga samantalang wala rin naman silang ambag sa buhay niya.
Paupo na sanang muli si Joymi ng makarinig ng pamilyar na tunog ng sasakyan kaya dali-dali siyang nagtungo sa gate upang silipin kung ang sasakyan ng asawa iyon at hindi nga siya nagkamali. Agad niya ring binuksan ang gate para makapasok ito.
"Sorry kung hindi na ako nakatawag o nakapag-text man lang. Namatay kasi ang phone ko at nakalimutan ko palang dalhin 'yong powerbank," paliwanag kaagad sakaniya ni Franz pag kababa pa lang ng sasakyan bago siya yakapin at marahang halikan sa noo.
"Akala ko naman ibang bahay na ang nauwian mo. Ready na sana akong sumugod, eh," biro naman ni Joymi nang humiwalay na ito sa pagkakayakap.
"Sorry kung pinag-alala kita. Inabutan kasi ng traffic kaya umabot rin na tatlong oras ang byahe ko pauwi. Anyway, dumaan ako sa mall kanina I bought you your favorite java chips frappe, ham and cheese pizza, burger and fries," sambit nito at saka kinuha sa sasakyan ang mga pinamili.
"Ano 'yan, suhol?" Tinaasan niya ng kilay ang asawa at pinagkuros pa ang dalawang braso sa dibdib nang muling humarap sakaniya.
"Hm? Pang tanggal stress?," tila nag-iisip pang sambit ni Franz. " Alam ko naman kasing nag-alala ka ng todo kaya deserve mo namang suyuin."
"Bakit? Kamukha ko ba si suyo queen?" kunwa'y pagtataray pa niya nang tukuyin ang babaeng trending sa social media na parating binibilhan ng milktea, burger at fries ng boyfriend sa tuwing nagtatampo.
"Hindi naman pero medyo same kasi kayo ng food preferences," pang-aasar naman nito at saka itinaas para ipakita sakaniya ang mga hawak na pagkain. "Tara na sa loob ng makain na ito habang mainit-init pa. At itong frappe mo habang malamig pa."
Kinuha ni Joymi rito ang pizza at frappe dahil baka mabitawan nito at matapon, sayang naman. Kumulo pa naman ang tiyan niya ng maamoy ang fries at burger.
"Kamusta naman ang interview?" maya-maya ay tanong ni Joymi ng makarating sila sa kusina habang nilalatag ang mga dala nito.
"Gising pa ba sina mama? Dalhan mo na lang sila sa kwarto nitong pizza," sa halip ay sagot ni Franz at saka kumuha ng plato.
"Bakit iniiba mo ang usapan?"
Hindi siya ulit pinansin ito. Naglagay lang ito ng slice ng pizza sa plato at saka inaabot sakaniya. "Ibigay mo na muna ito sakanila. Hindi na ito masarap mamaya kapag tumigas na."
Naiiling na kinuha na lamang ni Joymi ang inaabot ng asawa at saka nagtungo sa silid ng mga magulang. Kumatok muna siya bago buksan ang pinto at pagpasok nga niya ay kitang kita niyang gising na gising pa ang mga ito at nakikipaglaro kay Aeriya.
"Meryenda, Ma, Pa. Dumating na po si Franz," sambit niya at saka inilapag sa bedside table ang dalang pagkain.
"Ginabi na siya ng uwi. Inabutan malamang ng traffic," sambit ng kaniyang ama.
"Siguradong pagod iyon sa biyahe. Dito na lang muna matutulog si Aeri para hindi maistorbo ang pagpapahinga niya. Sabado naman bukas at walang klase kaya ayos lang kahit kami muna ng munting prinsesang ito ang magpuyatan," sabi naman ng ina.
"Sige po, Ma. Salamat."
"Salamat din sa paghatid ng makakain. Sakto nga at kumalam na naman ang tiyan nitong papa mo."
"Kaya pala kumalam. Nakaamoy ng pagkain."
"Lagi ka lang kamong gutom. Kaya lumalaki ang tiyan, eh."
"Sinong malaki ang tiyan? Ang baby Aeri?" baling naman ng ama sa bata at saka marahang tinusok ng daliri ang maumbok na diyan nito na siya namang kinahagikhik nito.
"Sige, Ma, Pa. Balik na po muna ako sa kusina at kumakalam na rin ang tiyan ko," paalam niya. Napailing na nga lang rin siya ng hindi man lang siya balingan ng tingin ng anak. Maka lolo at lola rin kasi ito kaya kapag nasa puder nila ay talaga namang hindi na siya naaalala.
"Tulog na ba si Aeri?" tanong ni Franz ng makabalik siya. Nagsisimula na nga itong kumain ng Pizza.
"Itigil mo muna 'yan. Kumain ka muna ng kanin."
"Wala akong ganang kumain ng masyadong mabigat sa tiyan. Pagod ako at gusto ko na ring matulog. Okay na ako sa pizza. Babawi na lang ako ng kain bukas," giit naman nito at saka siya nginitian.
Isang malalim na buntong hininga pa ang pinakawalan ni Joymi bago umupo sa harapan ng asawa. Bigla rin tuloy siyang nawalan ng gana. Hindi kasi maganda ang naging dating at ang pakiramdam niya sa pag-iwas nitong sumagot sa tanong niya kanina.
"Ayos ka lang ba? May problema ba?"
"Wala. Bilisan mo na lang diyan at ng makapagpahinga ka na. Do'n na rin daw muna si Aeri matutulog sa kwarto nila mama para hindi ma storbo ang pagpapahinga mo. Maghapon na naman kasing tulog ang batang iyon kaya panigurado active na active na naman hanggang madaling araw."
"Hm? Parang nawala bigla ang antok ko. Wala bang babe time habang wala si baby?" pilyong biro nito at saka siya kinindatan.
"Lumulusot ka pa rin naman kahit nasa kwarto si baby, ah."
"Baka pwede ang five rounds mamaya? Kahit magbaliktaran tayo magdamag wala tayong aalalahaning magigising."
"Ewan ko sa'yo," sagot niya naman at saka tipid na ngumiti.
"Bakit biglang bumaba ang energy ng mahal ko? May nasabi ba ako?"
"Wala ka ngang sinasabi, eh. Hindi mo kaya sinagot iyong tanong ko kanina," paghihimutok niya.
"Gusto mo ba talagang malaman?"
"Syempre naman! Mula kaninang umaga abot-abot na ang kabang nararamdaman ko. Kulang na nga lang atakihin ako sa puso, eh. Concerned lang naman ako saiyo kasi alam kong gusto mo 'yan, eh. Pangarap mo 'yan so I am manifesting for a positive outcome. Tapos hindi mo man lang ako babalitaan sa result," mabilis na sambit ni Joymi na animo ay isang rapper kaya natawa na lang naman si Franz.
Tumayo ito para lapitan siya. "Sorry na. Huwag ka ng magalit," nakangiting sambit nito at saka pinisil ang kaniyang ilong.
"So ano na nga? Kailan ka mag-start doon?"
"Hindi naman 'yan ang tanong mo kanina, ah."
"Huwag mo nga akong pinagti-tripan, Franz Miares. Alam kong hired ka na," sambit niya kahit na ang totoo ay iba ang nasa isip niya.
"Paano mo nalaman?"
"So hired ka na nga?"
"Bakit mo sinasagot ng tanong ang tanong?"
"Eh, kung sipain kaya kita?"
"Ang init naman ng ulo ng mahal ko. Kulang ka na ba sa lambing?" anito at pisngi niya naman ang pinanggigilan.
"Hindi na ako natutuwa saiyo, ha," banta niya pa at saka ito tinignan ng masama.
"Sorry na. I love you," tumatawang sagot naman nito bago siya kintalan ng halik sa noo.
"Franz Miares."
"Yes, Mrs. Miares?"
"Ano na nga? May result na ba o wala pa?"
"Syempre meron na."
"And?"
"At syempre tanggap ako. Ako pa ba? Hindi mo naman ako pipiliin kung hindi ako high quality 'di ba?"
"Gosh!" Napatayo si Joymi sa labis na tuwa at natutop pa niya ang bibig. "Congratulations, Babe," maluha-luhang sambit niya. She's really happy for him. Agad naman siyang niyakap nito.
"Thank you. Thank you for everything, Babe. Thank you for trusting me at sa pagpapalakas ng loob ko kanina. Ang totoo niyan gusto ko nalang umurong at umuwi kanina when I saw the other applicants at marinig kung anong mga credentials meron sila so thank you for believing in me. Iyon talaga ang naging lakas ko kanina habang nandoon ako," sambit ni Franz habang yakap siya ng mahigpit.
"Sabi ko naman sa'yo 'di ba? Ako ang number one supporter mo. I always got your back since day one to forever," sagot niya naman at saka hinigpitan ang pagkakayakap dito.
"I love you, Joy. Hindi ako magsasawang sabihin iyan araw-araw."
"At hindi rin ako magsasawang sumagot ng I love you more araw-araw," nakangiting sagot niya at saka humiwalay sa pagkakayakap dito. "Ngayon may gana na akong kumain." Natawa na lang naman si Franz at saka muling bumalik sa upuan.
"Sabayan na lang muna kitang kumain or mas tama sigurong sabihin na panoorin na lang muna kitang kumain. Ayoko talagang magpakabusog dahil sigurado akong makakatulog ako agad mamaya. Hinihila na talaga ako ng antok."
"Kung tapos ka ng kumain, pumunta ka na kaya sa kwarto ng makaligo at makapagpahinga ka na," sambit ni Joy nang magsimula ng lantakan ang fries.
Umiling naman si Franz bilang tugon. "Na-miss kita kaya dito na lang muna ako."
"Tigil-tigilan mo 'yang pambobola mo sa akin dahil di ka pa rin makakaisa. Meron ako ngayon," tumatawang biro niya.
"Kaya naman pala ang bilis uminit ng ulo," nakangiwing sambit nito habang pinapanood nga siya sa pagkain.
"Ikaw naman kasi, eh. Ang daming kaartehang nalalaman. Ang sarap mong ibitin patiwarik."
"Alam kong masarap ko."
"Sira ulo! Pag tayo narinig nila mama tutusukin talaga kita ng tinidor."
Namula bigla ang magkabilang pisngi ni Joymi ng maisip na maaga pa kaya posibleng bigla na lang sumulpot ang kung sino man at marinig ang pinag uusapan nila.
"Sorry," Franz mouthed at saka umaktong isinu-zipper ang bibig. Napailing na lang tuloy si Joymi. Kung minsan talaga ay gusto niyang tapalan ng tape ang bibig ng asawa.