"What?! Sinabi mo iyon? Seryoso ka? I mean, do you really mean it? Gusto mo na talagang makipag hiwalay sakaniya?" Hindi makapaniwalang sambit ni Kaira matapos niyang mag-kwento tungkol sa naging pagtatalo nila ni Franz noong isang araw. "Hinaan mo nga 'yang boses mo, Bruha ka. Baka marinig ka ng mga bata," saway ni Joymi sa kaibigan. Pumunta siya sa kusina para kumuha ng meryenda pero masyado itong curious sa tsismis kaya sumunod pa talaga ito sakaniya habang ang dalawang anak ay abala sa mga coloring book sa may sala. Naisipan ni Kaira na dumalaw dahil day-off niya naman ngayong sabado at gusto niya nga ring damayan si Joymi at usisain na rin tungkol sa nakita niyang babaeng kasama nito noong nakaraan. Pero talaga namang hindi niya inaasahan ang narinig na balita. "Anong naging reaksy

