Dalawang linggo na ang nakakalipas matapos ang huling pagtatalo nina Joymi at Franz at dahil nga pride ang pinaiiral ng dalawa ay talaga namang hindi na nga sila nakapag usap pa matapos ang hindi pagkakaintindihan. Joymi always try her best to avoid him at all cost, ganoon din naman si Franz, hindi man lang siya nagtangkang subukan na kausapin ang asawa tungkol sa nangyari. Iniisip niya kasi na kahit ano pa ang sabihin o paliwanag niya ay hindi rin papakinggan o iintindihin nito at paniguradong mauuwi lang na naman sila sa bangayan. Masyado na siyang loaded at maraming iniisip sa trabaho, ayaw niya ng dagdagan pa ang stress. For as long as naroon ang mga anak at hindi inilalayo sakaniya ay walang problema. Samantala, si Joymi naman ay abala na rin sa paghahanap ng pwedeng pasukan. Nagsi

