The most important promises has came. Natuloy nga ang ipinangako ni Mark na muli niya akong pakasalan bilang panibago naming simula sa buhay.
Tahimik na ang gabi at nagsipag-uwian na ang mga dumalo sa among kasal. Ilan sa kanila ay mga kaibigan ni Mark sa koleheyo at ang iba naman ay mga katrabaho ko noong namasukan pa ako bilang staff ng beach resort sa Pampanga. Ang ina naman ni Mark at ang iba nitong kamag-anak na naninirahan abroad ay hindi na pina-alam pa sapagkat mas makakabuting walang alam ang mga ito sa kakaibang pangyayari sa kanyang buhay.
"Babe...." Mahinang sambit ni Mark sa kalagitnaan ng Gabi. Nanatili pala itong gising. Marahil ay hindi mawala sa isipan nito ang mga maganda naming simula tungo sa panibagong buhay.
"Hmmm...?" Kunwari ay mahimbing ang tulog ko at naputol lamang ng inilapit nito ang bibig sa aking tainga.
"Are you happy?" Sabay yakap ng mahigpit sa aking baiwang.
"Of course I am....and why did you ask?"
"I just wanted to hear it from you.."
Sinikap naming hinaan lalo ang mga boses namin upang hindi madistorbo ang pagtulog ng aming nag-iisang angel. Inilagay ko ang kanan kong kamay sa kanyang pisngi at marahan ko itong hinihimas. "You don't have to worry babe. Alam mo naman diba kong gaano Kita kamahal at hindi naman siguro ako papayag magpakasal sayo Kong wala akong naramdaman."
Ngumiti sakin si Mark. "I love you babe..."
"I love...you..more.." Saka ko dahan dahang ipinikit ang mga mata.
"Babe...." Muling sambit ni Mark.
"Shhhhh...." Ganti ko habang nanatiling nakapikit ang mga Mata.
"Ang cute mo...." Sabay pisil saking ilong na tila pinang-gigilan.
Nanatili paring nakapikit ang aking mga mata subalit hindi ko maiwasang kiligin sa sinabi nito at minabuti kong mag-panggap nalang na nasa mahimbing na pagkatulog.