"Be careful Tristan...!" Tanging sigaw ko ng makitang tumalon sa sahig ang nag-iisa naming angel mula sa couch na inu-upuan nito.
Nagpupunas ako ng mga nahugasan pinggan sa kosina habang panay naman ang aking sulyap kay Tristan upang masigurong ligtas ito sa paglalaro kasama ang mga paborito nitong laruan na walang iba kundi mga robot. Hindi ko maiwasang mapangiti habang iniisip ang mabilis na paglaki ni Tristan. Mabilis nga ang pag-ikot ng mundo at pagtakbo ng oras na tila ay hindi kona namalayan. Parang kama-kailan lang ay nahirapan pa itong magsalita ng iilang salita na kadalasang naririnig sa paligid, pero ngayon ay may mga nalalaman na ito na minsa'y natatawa nalang kami ni Mark.
Maya-maya ay narinig ko nalang ang pagtunog ng telephone. "Babe ako na.." Sigaw ni Mark ng makita niyang lalapit na sana ako sa pinag-lalagyan ng telephone. Eksakto namang papasok na siya ng bahay matapos ang ginagawang pagdidilig ng bulaklak sa labas ng bahay.
Ibinaling ko nalang ang sarili sa pagpupunas ng pinggan at pina-kinggan Kona lamang Ang bawat salitang binibitawan ni Mark. Narinig ko ang pagsambit niya ng pangalan ng kanyang mommy kaya alam kong mother-in-law ko ang nasa kabilang linya.
Sa kalagitnaan ng pag-uusap ni Mark at ng mommy niya ay bigla nalang gumawa ng ingay si Tristan habang hawak-hawak ang laruan niyang robot na natanggal pala ang kaliwang braso.
"Tristan...just wait until your Dad will be finished talking with your grandma....ok?" Sabay lapat ng aking hintuturo sa aking labi upang mas maintindihan niya na dapat niya munang tumahimik.
Mabilis namang naka-intindi si Tristan at agad itong bumalik sa dating pwesto.