Episode 9

365 Words
"Anong pinag-uusapan niyo ng mommy?" Mabilis kong tanong Kay Mark pagkatapos ng mga ginagawa ko sa kosena. Naunang umupo sa couch si Mark na tumabi Kay Tristan. Agad niyang kinuha ang laruan ni Tristan na nasira ang braso at pareho naming napansin ang pagliliwanag sa mukha ng bata na tila alam na nitong aayusin ito ng Daddy niya. Tumabi narin ako sa pagkaka-upo. "May inalok siya sa akin. Gusto niyang ako yong magma-manage sa pag-aari niyang restaurant sa Antipolo. Medjo matanda na kase si Manang Maming na siyang pinag-kakatiwalaan ni mommy dun sa mahabang panahon kaya naisipan niyang ako nalang muna." Paliwanag niya habang busy ang mga kamay nito sa laruan ni Tristan. "Pumayag ka?" Marahan Kong tanong. "Well, kung gusto mo naman ay tatanggapin ko." Saka siya bumaling ng tingin sakin. "Aba syempre Oo! Para din satin yun babe..." Sagot ko. "Ok...tatawagan ko si mommy mamaya at sasabihin ko sa kanya na tinatanggap Kona ang alok niya." Ani Mark. "Yeeey..!" Sigaw ni Tristan matapos makita ang laruan nitong bumalik na sa dating ayos. Napatalon pa ito sa subrang saya. Naagaw niya ang atensyon namin at napasabay pa kami sa tuwa.  "Yeeey...!" Pag-uulit ko sa sigaw niya habang si Mark ay ginulo ang buhok nito. Kinagabihan, matapos ang pag-uusap namin ni Mark ay napagkasunduan namin na lumipat na lamang ng tirahan sa Antipolo. Medjo may kalayuan iyon pero planado na namin lahat ng mga gagawin namin. Hindi naging madali ang mga naging desisyon naming mag-asawa pero sa tulong ng mga kaibigan ni Mark at kahit nasa abroad ang ina nito ay lagi parin itong naka-supurta sa amin.  Una naming naging hakbang ay ang pagbebenta ng dating bahay ni Mark upang makabili ng desente at maayos na bahay sa Antipolo. Buo na ang desisyon ng aking asawa at ganun din ako.  Hiniling naman sakin ni Mark na kung maaari ay ma-una muna siya sa Antipolo upang asikasuhin ang lahat. Gusto niyang maayos at nakahanda na lahat pagdating ko doon at ni Tristan dahil ayaw niyang ma-stress  ako. Sa umpisa ay hindi ako pumayag dahil gusto Kong tulungan siya pero talagang mapilit si Mark. "Haaayss... Please help him Lord...Sana gabayan mo siya lagi..." Bulong ko sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD