┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈
Tahimik na nakaupo si Victor sa kaniyang swivel chair, nakatitig sa screen ng computer monitor niya, pero makikita sa mga mata niya na wala ruon ang focus niya. Kanina pa siya nakatitig sa mga numbers, sa mga reports na nasa harapan niya, at sa mga emails... lahat ng 'yon ay nasa harapan lang niya, pero parang wala siyang nakikita kahit isa, tila ba ang lahat ay blangko lang. His mind was somewhere else, drifting, restless. Maging siya ay hindi niya maintindihan kung ano ba talaga ang gumugulo sa isipan niya. Ang alam lang niya, may kung anong mabigat na pakiramdam na hindi niya maipaliwanag, parang may kulang o may mali na hindi niya matukoy. Dumagdag pa sa isipan niya ang isang babaeng hindi naman niya kilala. Ang isang babae na bigla na lamang pumasok sa buhay niya kahit na ayaw niya.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya, at saglit na ipinikit ang mga mata. Napailing siya, still trying to shake off the thoughts na paulit-ulit na bumabalik sa kaniyang isipan. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari sa bar ilang gabi na ang nakakaraan. It was supposed to be nothing... just another night, just another place, but somehow, it left something in him unsettled. Something he couldn't ignore.
Iminulat niya ang kaniyang mga mata, hindi pa rin makapaniwala na tinulungan niya ang babaeng 'yon, at hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit niya 'yon ginawa.
Sumandal siya sa upuan niya, marahang ipinikit muli ang mga mata bago niya hinilot ang sentido niya. Hindi naman masakit ang ulo niya, not really, pero parang iyon lang ang paraan para kahit papaano ay mabawasan ang ingay sa utak niya. Ang daming naglalaro sa isipan niya... the tension, the unanswered questions, the vague flashes of memory... lahat nagsisiksikan sa isip niya ng sabay-sabay kaya parang kay ingay ng utak niya, at hindi na niya maintindihan pa ay kung bakit sumisiksik pa ang babaeng 'yon sa magulo na niyang utak. Iyon ang bagay na hindi niya maunawaan sa ngayon, para siyang pilit na hinihila pabalik sa gabing iyon sa loob ng VIP room.
Iminulat niya ang kaniyang mga mata at muling napatingin sa monitor, pero wala pa ring nagbago. The screen stared back at him, blank and meaningless. At sa unang pagkakataon sa matagal na panahon, naramdaman ni Victor ang isang bagay na bihira sa kaniyang mangyari, o hindi pa nangyayari sa kanya... uncertainty.
"Shiiit!" Mura niya, sabay hampas ng malakas sa ibabaw ng desk niya. The sharp sound echoed inside his office. Napapikit siya saglit, mariing pinipigilan ang sarili na mawalan ng kontrol. Hindi niya gusto ang pumapasok sa utak niya. Hindi siya dapat magpadaig sa sariling damdamin.
"Dude, are you okay?" Boses ni Ashford mula sa may pintuan nang bigla itong bumukas. Nakasilip muna ito bago tuluyang pumasok.
Victor didn't answer right away. Nakatingin lang siya sa desk niya, nagngangalit ang panga, before he slowly leaned back on his chair. He ran a hand through his hair, exhaling deeply as if trying to release something heavy inside his chest.
"I'm okay." Simple niyang sagot. Tinitigan naman siya ni Ashford, tila ba hindi ito naniniwala sa isinagot sa kanya ng pinsan niya.
"Huwag mo akong tignan ng ganiyan. Ang sabi ko, okay ako... then okay ako." Sabi pa nito, kaya nagkibit balikat na lamang si Ashford. Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Victor, at saka niya ipinatong ang dalawang braso sa ibabaw ng desk, habang ang isang kamay nito ay nilalaro ang pen na hawak niya.
"I'm going to take over my grandparents' company here in the Philippines." Sabi pa niya, kaya biglang napatingin sa kanya ang pinsan.
"I think it's finally time I face everything I've been running from. I can't change the past... I can't bring them back. So this is it. I'm stepping up... no more running." Dagdag pa niya.
Isang malalim na buntong hininga muli ang pinakawalan niya, saka bahagyang napailing, as if still trying to convince himself na tama ang desisyong ginagawa niya. The weight of it was obvious... the responsibility, the memories, everything tied to that place.
"Finally!" Biglang sagot ni Ashford, ang laki pa ng pagkakangiti nito.
"Akala ko tatanda na ako bilang acting CEO mo sa kompanyang naiwan sa'yo ng lolo at lola mo." Sabi pa niya. Napangiti siya ng bahagya habang nilalapitan si Victor.
"I'm glad nakapag-isip-isip ka na rin. Ilang beses ka nang kinausap ng Dad ko tungkol dito, remember? Mabuti naman at nakapagdesisyon ka na. Matatanggap ko na rin ang paglilipat sa akin ng lolo ko bilang bagong CEO ng company namin." Sabi pa niya, at saka niya tinapik sa balikat ang pinsan niya.
Tahimik lang si Victor, hindi niya magawang tignan ang pinsan niya. Nakatingin lang siya sa monitor niya, pero tila ba kay lalim ng iniisip nito. Dahan-dahan siyang sumandal ulit sa swivel chair niya, his fingers tapping lightly on the armrest, a habit he had whenever he was thinking too much.
"This isn't just about the company. It's about going back to everything I tried to forget." Mahina niyang sabi.
Saglit na natahimik si Ashford sa sinabi niya, pero hindi na siya nagtanong pa. Instead, tumango lang siya at naupo sa gilid ng desk, crossing his arms. Naiintindihan niya ang pinsan niya. Alam niya na ayaw ng maalala pa ni Victor ang lahat ng nangyari sa PIlipinas, pero ngayong tumapak muli ang mga paa ni Victor sa lupang pinanggalingan niya... para kay Ashford ay ito na ang tamang oras upang akuin na ni Victor ang lahat ng responsibilidad nito.
"Pilit kong tinatakasan ang nakaraan na nangyari sa buhay ko. Pero pakiramdam ko, lagi lamang akong ibinabalik ng alaala ko kung ano ang nangyari nuon, kaya haharapin ko na lang muna kung ano ang mga naiwan sa akin. Baka sa gagawin kong ito, unti-unti kong makakalimutan ang lahat. Baka unti-unti kong matanggap sa sarili ko na... yeah, nag-iisa na lang ako at wala na nga sila." Sabi niya. Tumango muli si Ashford. Agree siya sa sinabing 'yon ng kaniyang pinsan.
"Then I guess it's about time. You've been running long enough, cuz. Hindi mo naman kailangang balikan ang nakaraan. Ang kailangan mo lang ay harapin ang kasalukuyan mo at kalimutan na ang nangyari nuon para maka-move on ka na. Huwag mong hayaang mapabayaan ang lahat ng naiwan sa'yo na pinaghirapan ng mga mahal mo sa buhay. Bro, you're the only one left. The sole heir to everything your family built... your dad, your grandparents, your aunt. It's all on you now. So stop running... and start doing your job." Sagot ni Ashford.
Muling napapikit si Victor, and for a brief moment, he let himself feel it... the past, the pain, the memories. Pero nang muling dumilat ang mga mata niya, mas malinaw na ang pag-iisip niya.
And this time, hindi na niya tatakasan ang obligasyon niya. Haharapin na niya ito. Iniiwasan niyang maalala ang lahat ng nangyari sa Pilipinas kaya ayaw niyang pamahalaan ang mga negosyo na naiwan sa kanya na nasa Pilipinas, pero ngayon... haharapin na niya ito. Walang nakakakilala sa kanya sa kompanya ng lolo niya. At ito na amg oras upang ipakilala kung sino ang tunay na nag-mamay ari ng kompanyang pinapasukan ng kanyang mga empleyado.
"Tara, kain muna tayo. Nagugutom na ako." Sabi ni Ashford, sabay tawa nito. Tinitigan naman ni Victor ang lahat ng nasa ibabaw ng kaniyang desk, saka ito napailing ng ulo. Ni isang trabaho ay wala man lamang siyang natapos.
"After nating kumain, pupunta tayo sa company ng lolo at lola mo na pinamamahalaan ko pansamantala." Sabi pa ni Ashford. Napatingin tuloy sa kanya si Victor.
"No. Not today. Maybe next time, pero don't worry, ako na ang hahawak ng kompanyang 'yon." Sagot niya. Napailing-iling si Ashford sa kanyang narinig.
"Anong kompanyang 'yon? Dude, kompanya mo 'yon. Pag-aari mo. Kung kaya mong hawakan ang mga kompanyang nasa ibang bansa na minana mo... bakit hindi mo magawa dito? You have an empire... global, at that. So face all of it. Huwag mong pabayaan ang naiwan dito dahil lamang sa pilit mong tinatakasan ang nakaraan mo."
Hindi na nagsalita pa si Victor. Ayaw niyang makipagtalo pa sa kanyang pinsan. Tahimik lamang niyang sinalansan ang lahat ng mga dokumento na hindi naman niya nagalaw. Ni hindi nga niya nabasa ang mga 'yon dahil sa dami ng tumatakbo sa kanyang isipan.
"Tara na nga. Masyado kang masermon. Mas lalo tuloy akong nakakaramdam ng gutom dahil sa'yo." Inis na sabi ni Victor, kaya tawa ng tawa si Ashford.
"Ako na ang mag-drive. Ako na ang pipili ng masarap na restaurant." Sabi ni Ashford. Nagkibit balikat lang si Victor at kinuha na ang phone niya na nakapatong sa ibabaw ng desk at isinuksok sa bulsa ng kaniyang pantalon.
Hindi nagtagal ay sakay na sila ng mamahaling sasakyan ni Ashford. Malakas ang music sa loob ng sasakyan, pero mas malakas ang ingay sa isipan ni Victor kaya sobrang tahimik niya. Pero biglang nagsalita si Ashford ng mag red light at napahinto ang sasakyan niya, kaya napukaw ang malalim niyang iniisip.
"Hindi ba at iyon ang mga tinulungan natin sa bar?" Sabi nito, kaya bigla namang napatingin si Victor sa direksyon na tinitignan ng kaniyang pinsan. Napakunot ang noo niya ng makita niya ang babaeng tinulungan niya, pawis na pawis, naka-shorts lang ng maigsi at naka suot ng kupas na t-shirt. Ang baklang kasama nito ay may hawak na basket na puno ng balut at penoy na itinitinda ng mga ito. Hinagod niya ng tingin ang kabuuan nito, mula ulo hanggang paa, saka siya napailing ng ulo.
"Lunes na Lunes... wala bang trabaho ang mga babaeng 'yon?" Sabi ni Ashford, pero ibinaling lang ni Victor ang tingin sa harapan... tila ba wala naman siyang pakialam sa sinabi ng pinsan niya. Pero nagulat sila ng marinig nila ang malakas na boses ng isang babae, lalo pa at bahagyang nakabukas ang bintana sa side ni Ashford dahil naninigarilyo ito.
"My future husband! Pinagtagpo na naman tayo ng tadhana." Malakas na sigaw ng dalaga, kaya biglang napalingon si Victor. Kunot na kunot ang noo niya. Inis na inis sa babaeng maingat at makulit.
"Damn bro. Future husband? Tama ba ako ng narinig? She's really into you." Tumatawang sabi ng pinsan niya. Aliw na aliw sa narinig nito mula sa dalaga.
"She's crazy. I have no interest in her whatsoever."
Tawa lang ng tawa si Ashford sa narinig niya mula sa pinsan, kaya sa inis ni Victor ay sinuntok niya ito ng may kalakasan sa braso. Pag green ng stop light, mabilis na humarurot ang sasakyan ni Ashford, pero isang lingon ang ginawa ni Victor sa dalaga, kaya humagalpak ng malakas na tawa ang pinsan niya.
"Wala pala ha. Mukhang hinahamon ka ng tadhana at ginagamit niya kung sino man ang babaeng 'yon. Tignan mo, mukhang lagi kayong pinagkikita sa kahit na anong paraan." Pang-aasar pa ni Ashford. Napapailing naman ng ulo si Victor, inis na inis sa kaniyang pinsan na kanina pa siya inaasar ng dahil sa babaeng 'yon. Kaya mas lalo tuloy siyang naiinis sa dalagang bigla na lang sumulpot sa buhay niya para inisin lang siya, at kahit pangalan nga nito ay hindi naman niya alam. Pero heto at parang parte na ng buhay niya ang babaeng 'yon dahil lagi silang pinagtatagpo.
"Shut up, bro. As I said, I don't care about her at all, kaya kung ano man ang tumatakbo diyan sa isipan mo... tigil-tigilan mo dahil wala naman akong pakialam sa babaeng 'yon." Wika niya, pero nagtatanong ang isipan niya kung bakit mula pa kaninang umaga ay laman na ito ng kaniyang isipan kung wala naman talaga siyang pakialam sa babaeng 'yon? Ipinilig na lamang niya ang kaniyang ulo. Kailangan niyang alisin sa isipan niya ang babaeng 'yon. Para sa kanya, ang mga babae ay walang maidudulot na mabuti sa kanya.
"Pero ang gaganda nila bro. Type ko 'yung isa... type kong ikama." Sagot ni Ashford, sabay tawa ng malakas, kaya napapailing na lamang ng ulo si Victor. Kilala niyang chic boy ang pinsan niya, at alam niya na kung sino ang natitipuhan nito... gagawin ang lahat, maikama lang niya. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata, pero biglang nag-flash sa isipan niya ang magandang mukha ng dalagang kinaiinisan niya, kaya bigla siyang napadilat na tila ba nagulat pa siya, kaya napalingon sa kanya ang pinsan niya. Hindi siya makapaniwala na bigla na lamang pumasok ang mukha ng babaeng 'yon sa kaniyang isipan. Does he care about her? His mind says no, yet uncertainty remains.
"Are you okay?" Tanong niya.
"Yes. I'm okay." Mahina niyang sabi. Hindi na sumagot pa ang pinsan niya. Tahimik na ang loob ng sasakyan habang binabaybay nila ang daan patungo sa restaurant na kakainan nila.