Chapter 9 -Panaginip lang daw-

2022 Words
❀⊱Mattie's POV⊰❀ Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko, mabigat ang talukap ko na parang may kung anong mabigat na nakadagan sa mga mata ko. Bakit pakiramdam ko ay parang binibiyak ang ulo ko sa sobrang sakit? Ang sakit, at ramdam na ramdam ko 'yon kaya nakahawak lang ako sa ulo ko. Sinubukan kong alalahanin kung ano ang nangyari kagabi... kami ng mga kaibigan ko, masaya lang kaming nag-iinuman, at may lumapit sa amin na mga kalalakihan dahil nakipagkilala sa amin, pero pagkatapos nuon, blank na. Unti-unting luminaw ang paningin ko, at ang unang sumalubong sa akin ay ang maliwanag na ilaw sa kisame. Nagulat ako. Halos. lumuwa ang mga mata ko habang nakatitig ako sa magandang ilaw na 'yon sa kisame. Bigla akong kinabahan, kaya napabalikwas ako ng bangon, mabilis ang bawat pagtibok ng puso ko na parang may hinahabol na kung ano. Nakakaramdam din ako ng takot. Nakidnap ba ako? May namantala ba sa akin? Nasaan ba ako? Kanino ba ang silid na ito? Hindi ako pamilyar sa paligid ng silid na ito. Mas lalo akong natakot nang mapansin ko ang mga damit ko na nagkalat sa sahig, hindi maayos, parang basta na lang hinubad at inihagis sa sahig. Parang bigla na lamang akong hindi makahinga dahil sa takot na nararamdaman ko. Napatingin ako sa sarili ko, agad kong sinalat ang mga braso ko, leeg, tiyan... tinitignan ko kung may masakit ba sa katawan ko, kung may mali ba. Pero wala. Wala akong nararamdaman na kahit na anong masakit sa katawan ko. Kahit ang pagitan ng aking mga hita ay hindi naman masakit kaya alam ko na walang gumalaw sa akin, pero nasaan ako at sino ang nagdala sa akin sa lugar na ito? "Buti naman at gising ka na." Napapitlag ako sa biglang boses na narinig ko palabas ng banyo. Napatitig ako sa isang babae na may suot na makapal na salamin, siguro nasa mid-forties na siya. Kalmado lang naman siya, pero hindi siya ngumingiti sa akin. Hindi ko siya kilala, kaya bahagya akong napaatras. Ibebenta na ba niya ako? Jusko, baka nagbebenta sila ng mga lamang loob at isa ako sa biktima. Jusko, ang dami ng tumatakbo sa utak ko na mga negative kaya mas lalo tuloy akong nakakaramdam ng matinding takot. Nakatitig lang ako sa kanya, nakayakap pa ako sa sarili ko at ang mga mata ko ay nagtatanong kung sino siya, at kung bakit ako napunta sa lugar na ito. "Maswerte ka dahil nailigtas kayong magkakaibigan ng amo ko. Nasa ibang silid sila, at nandito pa rin kayo sa bar. Pero don't worry dahil bayad na ang lahat ng silid na tinulugan ninyong apat. Sa susunod, huwag kayong magtitiwala sa kahit na sinong estranghero. Muntikan na kayong mapahamak, at mabuti na lamang at nandito rin ang amo ko at nakita ang nangyayari sa inyo kagabi, kaya iniligtas nila kayo. Pwede na kayong umuwi. Huwag ka ng magtanong pa kung sino ang amo ko dahil wala ka rin namang makukuhang sagot mula sa akin. Good day, miss." Sabi ng babae, at kinuha na niya ang bag niya na nasa sofa, at walang sabi-sabing lumabas na ng silid. Hindi ako nakapagsalita. Awang lang ang labi ko. Tumingin ako sa paligid, at saka ko kinuha ang damit ko na nakakalat sa sahig. Nagulat pa ako dahil basang-basa ito kaya inilagay ko ito sa plastic bag na nakita ko. Hinanap ko ang bag ko, at nakita ko ito sa ibabaw ng maliit na table, at saka ako nagmamadaling lumabas ng silid upang hanapin ko ang mga kaibigan ko. At saktong paglabas ko... akma sanang kakatok sa pintuan ang tatlo. "Jusko, ano ang nangyari kagabi? Hindi ko maintindihan ang sinasabi ng babaeng bouncer na may nagligtas daw sa atin, at may pinainom daw na gamot sa atin ang mga lalaking lumapit sa atin kagabi. Mabuti na lang daw at may nakapansin, at iyon nga ang tumulong sa atin kagabi at nagbayad ng mga VIP rooms na tinulugan nating apat." Sabi ni Clover, pero para akong walang naririnig dahil ang utak ko ay naglalaro sa aking mga magulang na alam kong nag-aalala na ngayon sa akin. Baka nga hindi pa sila natutulog. Binuksan ko ang bag ko, at kinuha ko agad ang phone ko. Ang daming missed calls, ang daming messages, kaya lagot talaga ako. Hindi ko tuloy alam kung paano ako magpapaliwanag sa kanila pag-uwi namin. Lagi pa naman akong binibilinan ni Tatay at Nanay na mag-iingat at huwag magtitiwala kahit na kanino, pero heto at kamuntikan na kaming mapahamak. Pero sino nga kaya ang mga lalaking tumulong sa amin, at bakit nila kami tinulungan?​ "Grabe, pinatulog ako. Alam nila na kahit baklita ako, kaya ko silang patumbahin." Sabi ni Freyah, pero ako ay tahimik pa rin, yakap ang phone ko ng muli itong mag-ring. "Ayan na... tumatawag na ba ulit si Tita o si Tito?" Tanong ni Claudia. Pagtingin ko ay ang kapatid ko ang tumatawag, kaya agad kong sinagot. "Ate, ano ang nangyari sa inyo? Kung saan-saan na kami nakarating ni Tatay, si Nanay inaatake na ng nerbyos dahil hindi namin alam kung ano na nangyari sa inyo. Ang tatay at nanay nila Ate Claudia at Ate Clover, iyak na rin ng iyak." Bungad ng kapatid ko, at rinig na rinig nila dahil naka-speaker phone ako. "Uuwi na kami. Diyan na lang kami magpapaliwanag sa inyo. Huwag kayong mag-alala okay na okay lang kami." Sagot ko. At matapos ang pag-uusap namin ay nagpasalamat na lang kami sa mga babaeng bouncers na nagbantay daw sa kanila, at saka kami tuluyan ng umalis sa bar na 'yon. Pagkauwi namin, halos hindi pa kami nakakapasok ng maayos sa loob ng bahay nang salubungin agad kami ng mahigpit na yakap ng mga magulang namin. Kitang-kita sa mga mukha nila ang pag-aalala... namumulang mga mata, nanginginig na boses, at 'yong takot na pilit nilang tinatago pero ramdam na ramdam namin. One by one, ikinuwento namin ang nangyari sa amin, kahit hirap kaming buuin ang mga detalye. Habang nagsasalita kami, mas lalo lang bumibigat ang pakiramdam ko dahil nakikita ko na sobrang apektado ang mga magulang namin. At gaya ng inaasahan namin, mahigpit na ipinagbawal na sa amin ang pagpunta sa mga bar. Iyon na raw ang una at huli naming pagkakamali. Masyado raw kaming naging kampante, masyadong nagtitiwala sa mga taong hindi naman namin kilala... lalo na sa mga mayayamang taong kayang manipulahin ang mga katulad naming walang laban sa kanila. Masakit mang aminin pero tama sila. Kaya wala kaming nagawa kung hindi ang tumango at mangako na hindi na iyon mauulit pa. "Huwag na ninyong uulitin 'yan. Muntik na akong atakihin sa puso." Nanginginig na sabi ni Nanay, kaya agad akong napayuko at humingi ng tawad. Lumapit siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit, para bang ayaw na niya akong pakawalan pa. Niyakap ko ng mahigpit ang aking ama at ina, at duon ko lang talaga na-realize na kung hindi dumating ang mga taong tumulong sa amin... ano na kaya ang nangyari sa amin ngayon? Hindi ko kayang isipin. Baka hindi na kami ganito ngayon, baka mas malala pa ang sinapit namin sa kamay ng mga lalaking 'yon. "Sorry po, Tita..." Mahinang sabi ni Freyah, halatang punong-puno ng guilt ang boses niya. Hindi siya makatingin ng diretso sa mga magulang namin, nakayuko lang habang kinakalikot ang mga daliri niya. "Wala po akong naitulong sa kanila... kasi parang may pinainom po yata sa akin na pampatulog. Bigla na lang po akong nanghina, tapos wala na po akong maalala sa mga sumunod na nangyari. Mabuti na lang talaga at may mga taong mabubuti ang puso at tinulungan nila kami. Pinabantayan pa ang mga kasama kong babae upang walang makalapit sa kanila. Utang namin sa kanila kung bakit hindi sila napahamak kagabi. Sorry po, hindi na mauulit ang mga nangyari." Naiiyak na sabi ni Freyah, kaya niyakap namin siya nila Clover at Claudia. "Kasi naman, ang sabi lang po nila ay sila ang may-ari ng bar at pa-birthday daw lang po nila ang mga inumin na 'yon. Akala namin swerte na kami, iyon pala... customer lang din sila duon na mahilig mambiktima ng mga customers na alam nila na walang laban sa kanila. Mga sinungaling na mukhang peklat na may langib pa. Mga impaktong ang sungay ay nasa mukha at wala sa ulo. Mga manyakis na ang lawit ay kasing laki lang ng maliliit na kikiam. At mga manyakis na ang itlog ay kasing laki ng itlog ng ostrich." Galit na sabi pa ni Freyah. Napakagat ako sa labi para pigilan ang tawa ko, at ganuon din sina Claudia at isa pa naming kaibigan na si Clover. Pero ang kapatid kong si Mark ay bigla na lang bumunghalit ng malakas na tawa, kaya mas lalo akong napayuko ng ulo, halos mapaupo pa sa sahig sa kakahagalpak ng tawa ang sira ulo kong kapatid. Dahil sa kanya, nahawa na rin ang mga magulang namin na kahit kanina lang ay punong-puno sila ng pag-aalala at takot, ngayon ay natatawa na rin, napapailing habang tumatawa sa mga banat ni Freyah. "Hay naku, Freyah... ikaw talagang bata ka. Kahit anong bigat ng sitwasyon, napapagaan mo talaga ang mood namin." Sabi ni Nanay habang napapailing pero may ngiti na sa labi. Hindi katulad kanina na sumisinghot pa. "Sige na, maupo lang kayo diyan. Ipagluluto namin kayo ng agahan. Mga mare at kumpare, dito na lang din kayo kumain ha. Pare-pareho naman tayong pagod, wala pang tulog at kain, kaya dito na kayo kumain, kahit simpleng agahan lang ang pagsasaluhan natin. " Sabi ni Nanay. "Mark anak, bumili ka ng pandesal sa kanto, 'yung bagong luto." Sabi pa niya, kaya kumilos agad si Mark matapos siyang abutan ni Nanay ng isang daang piso. Napatingin ako sa mga magulang ng mga kaibigan ko, at karamihan sa kanila ay tumango, may halong pagod pero may pasasalamat sa mga mata. Lahat sila nandito, nag-aalala... maliban lang sa ama ni Freyah. Napasulyap ako sa kanya saglit. Tahimik lang siya, pero ramdam ko ang lungkot na pilit niyang tinatago. Parang sanay na siya na wala ang tatay niya sa mga ganitong pagkakataon... parang wala lang, pero alam mong may kulang, at ramdam niya 'yon. "Sino kaya talaga ang mga tumulong sa atin? Hindi biro ang ginawa nila. Biruin mo gumastos pa sila ng malaking halaga para lang sa atin. Ni hindi nga nila tayo kilala, hindi ba?" Sabi ni Claudia. Natahimik ako. Pilit kong inaalala ang nangyari kagabi, pilit kong hinahalungkat sa utak ko ang nangyari sa amin, kahit isang detalye man lang. Pagkatapos naming inumin ang mga ibinigay nilang alak ay may naaalala pa ako. Inaya nila kami sa dance floor para daw magsayaw, at naaalala ko pa ng masaya kaming sumasayaw ng mga kaibigan ko, tumatawa hanggang sa wala na. Blangko na. As in totally blank. Wala na talaga akong maalala pa, at nagising na lang kami sa silid na tinulugan namin. Napapikit ako saglit, pilit kinukuha ang kahit anong piraso ng alaala. May mga anino, parang may mga boses na nag-uusap, pero hindi malinaw. Hindi ko matukoy kung totoo ba o panaginip ko lang 'yon na hinalikan ko ang meant to be ko at sa labi pa, first kiss ko pa naman 'yon. Napailing na lang ako at napabuntong-hininga. I'm sure na panaginip ko lang ang paghalik ko sa lalaking 'yon. Imposible naman na siya ang kasama ko kagabi eh ang laki ng galit sa akin ng isang 'yon. "Hindi ko rin alam. Pero kung sino man sila... ang laki ng utang na loob natin sa kanila. Biruin mo, pinabantayan pa nila tayo upang walang makalapit sa atin at makasigurado na ligtas tayo sa buong magdamag na 'yon. Sabi nga ng isa sa bouncer, hindi ba at binayaran daw sila ng malaki ng isa sa mga tumulong sa atin upang makasigurado na walang mangyayari sa ating masama." Sagot ko, at saka ako muling humugot ng malalim na paghinga. Sana ay may paraan upang mapasalamatan namin sila, pero hindi namin alam kung paano. Ayaw naman sabihin sa amin kung sino ang mga 'yon, basta pinarating lang sa amin na sa susunod daw ay huwag na kaming magtitiwala kung kani-kanino.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD