◄Victor's POV►
-Continuation...
"Follow me." Utos ko sa mga bodyguards ko. Maging ang dalawa kong kasama na sina Ashford at si Joseph ay tumayo at sinundan ako.
Pagkarating ko ng dance floor, agad kong hinila ang babaeng 'yon. Napatitig pa siya sa akin at gumuhit ang malaking ngiti sa kaniyang labi. Don't know kung nakikilala niya ako, pero base sa ikinikilos niya... wala siya sa kaniyang sarili.
"The hell's your problem? Who do you think you are? She's mine." Galit niyang sabi, at akma niyang hahablutin ang babaeng nakayakap na sa braso ko, ng bigla kong kinuha ang baril na nakasukbit sa baywang ng isa sa mga bodyguards ko, saka ko ito ikinasa, pero hindi ko itinutok.
Naglabas din ng baril ang mga bodyguards ko, pero katulad ko ay hindi naman nila itinutok. Hawak lang. Enough to make a point.
That was all it took.
'Yung dalawang kasama ng lalaki na kanina lang ay bumabastos sa dalawang kaibigan ng babaeng hawak ko ay biglang napaatras. Nagkatinginan lang sila saglit, tapos halos sabay na nagpulasan dahil sa takot. Alam ko na may inilagay sila sa inumin ng mga ito, kaya ang baklang kasama nila ay tulog. Mukhang pinainom ng pampatulog upang hindi ito makalaban.
"Cowards." Sigaw ni Joseph.
"Mamimili kayo ng babastusin ninyo. Kapag hindi ka pa umalis dito, bukas... nasa morning news ka na, pero hindi mo na 'yon mapapanuod pa." Pananakot ko. Mahina lang, pero sapat upang magtayuan ang lahat ng balahibo niya sa buong katawan, at saka halos madapa na tumakbo palabas ng bar. Napapailing na lamang ako ng ulo. Damn, ano kaya ang pinainom ng mga 'yon sa mga ito at napaka-wild nilang tignan? Niyayakap ako ng babaeng nasa likod ko at hinahalikan ako sa batok ko na tila ba hindi niya makontrol ang kaniyang sarili, kaya alam ko na may mali sa kanya. Kaya hinawakan ko siya upang patigilin sa ginagawa niya. Pero biglang bumigat ang katawan niya kaya napatingin ako sa kanya... and she went limp.
"Fuuuuck..." Mura ko, nakaramdam pa ako ng matinding inis.
Mabilis ko siyang nasalo bago pa siya tuluyang bumagsak sa sahig. Nakapikit na siya, walang malay, halos buong bigat niya nasa akin na.
Great. Kailangan talagang mangyari sa akin ang lahat ng ito ngayong gabi? Dito pa sa babaeng kinabubuwisitan ko kahit hindi ko ito kilala?
Sumulyap ako sa dalawa kong kasama. Nanduon sina Ashford at si Joseph, parehong nakaalalay sa dalawang kasama ng babaeng ito. Pareho ring lasing sa kung anong ipinainom sa kanila, pero mukhang kaya pang tumayo. Nakikita ko kung paano nila yakapin si Joseph at ang pinsan ko. May pinainom talaga sila, damn it... paano kung wala kami dito? Napabuntong hininga ako at inutusan ko ang mga bodyguards ko.
"Kumuha kayo ng VIP rooms. Tig-iisa sila dahil hindi ko alam kung saan sila iuuwi. I won't take them to my place kaya dito sila matutulog. Sabihin ninyo, ako ang magbabayad ng mga silid nila." Utos ko. Lahat naman sila ay tumalima, at ang dalawang kasama ng babaeng kalong ko ay tuluyan na ring nawalan ng malay.
Hindi nagtagal, dinala na namin sila sa bawat VIP room na kinuha namin para sa kanila. Hindi ako makapaniwala na kailangan ko itong gawin. Damn it. Wala akong pakialam sa mga babae, at wala rin akong tiwala sa kanila, pero bakit pakiramdam ko ay responsibilidad ko sila? This is bullshit!
Inihiga ko sa kama ang babaeng hindi ko alam ang pangalan, at akma akong aalis ng bigla niyang hinila ang kamay ko. May malay na ulit siya, parang nilalabanan niya ang nararamdaman niya, ngunit malakas ang gamot na pinainom sa kanya. Pinagpapawisan siya... niyayakap niya ako at pilit na inaabot ng labi niya ang mukha ko. Nag-iinit ang katawan niya. Para siyang nilalagnat, kaya inalis ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko at nagtungo ako sa loob ng banyo. Kumuha ako ng isang bimpo at saka ko 'yon binasa at inilagay sa mukha niya upang mahimasmasan siya, pero mukhang hindi tumatalab, kaya binuhat ko siya upang dalhin sa banyo. Nararamdaman ko ang kamay niya na humahagod sa katawan ko, pero hindi ako mapagsamantalang tao. Kaya tinanggal ko ang kamay niya at saka ko siya inihiga sa bathtub na puno na ng malamig na tubig.
"Damn it, woman! Fix yourself. You're starting to irritate me." Inis kong sabi. Nakakaramdam ako ng init ng katawan sa ginagawa niya sa akin, kaya panay ang iwas ko sa kanya, Pero ang hindi ko napaghandaan ay ng pinalupot niya ang kamay niya sa batok ko at hinila ang ulo ko palapit sa kanya, sabay halik niya sa aking labi. Bigla kong inalis ang dalawang kamay niya at saka ako lumayo sa kanya. Shiiit, nakakaramdam ako ng kakaibang init, pero ako gagawa ng isang bagay na hindi dapat, kaya hindi ko papatulan ang ginagawa niya. Isa pa ay wala akong planong pumatol sa kahit na kaninong babae, dahil pare-pareho lang sila. Katulad lang sila ng taong nagluwal sa akin.
"M-my f-future... I... I want you..." Sabi niya. Napapailing ako ng ulo. Kung wala kami dito, ano na kaya ang nangyayari sa kanila ngayon? Marahil ay pinagsasamantalahan na sila ngayon, at mabuti na lamang ay nandito kami ng pinsan ko at ng kaibigan ko.
"Fuuuck, wala nga pala siyang damit. Shiiit!" Inis kong sabi. Paano ko siya papalitan ng damit?
Pagtingin ko sa kanya, wala na ulit siyang malay at lumubog siya sa tubig, kaya ang bilis kong lumapit at saka ko siya binuhat at dinala sa kama bago pa siya malunod. Basang-basa na ako ng dahil sa babaeng ito. Bakit ba nakialam pa ako sa kanila? Dapat ay pinabayaan ko na lang sila para hindi na ako naistorbo pa ng ganito.
Inihiga ko sa kama ang basang-basa niyang katawan, at saka ako pumikit at hinubaran ang katawan niya. Iniwan ko lang ang panloob niya at saka ko siya binalot ng kumot, at inihagis sa sahig ang luma at kupas niyang basang damit, saka ko tinawagan ang sekretarya ko.
"Pumunta ka rito sa bar at magdala ka ng mga bagong damit at undergarments. Isesend. ko sa inbox mo ang lugar. At ang dadalhin mong mga damit... bago, at kung saan mo ito kukuhanin ay problema mo na 'yon. At pagkatapos, bantayan mo ang babaeng ito dito na iniligtas ko, at ikaw na rin ang magbihis sa kanya. Bilisan mo. Huwag mo akong paghintayin ng matagal dito." Utos ko. At makalipas ng halos thirty minutes ay nakarating na ang sekretarya ko.
"Sir, sino ho ba siya?" Tanong niya. Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya. Hindi ko siya binibigyan ng karapatan na magtanong, kaya natahimik na rin siya.
"Tandaan mo, wala kang papapasukin sa silid na ito, at lalong hindi mo siya iiwanan dito ng mag-isa dahil may nagpainom ng gamot sa babaeng 'yan kaya masyadong wild. Pag-gising niya bukas ay saka mo siya iwanan. Hindi mo sasabihin sa kanya ang pangalan ko o kung sino man ang tumulong sa kanila. Wala na akong pakialam pa sa kanila. Nagawa ko na ang dapat, iyon na 'yon. Naiintindihan mo ba ako?" Wika ko. Tumango ang matandang dalaga na sekretarya ko na may makapal na salamin at saka nagyuko ng ulo. Saka ko siya tinalikuran. Hindi ko na nilingon pa ang babaeng nakahiga sa kama dahil wala naman talaga akong pakialam sa kaniya.
"Dude... ang wild ng mga babae, kaya pinabantayan na lang namin sa mga babaeng bouncer bago pa kami makalimot. Kamusta ang babaeng nasa silid? Pinatulan mo ba?" Sabi ng pinsan ko, kaya ang sama ng tingin ko sa kanya.
Alam niya na mula ng pinatay ang mga mahal ko sa buhay ay hindi na ako pumatol pa sa mga babae, at wala pa akong karanasan sa pakikipagtalik. Wala akong pakialam kahit na wala akong ikama na kahit sinong babae, dahil namumuhi ako sa kanila. Sa edad kong ito na twenty nine years old... wala pa akong ikinama, at hindi ako nahihiya sa sarili ko kung wala akong ikinakama. Dahil may dahilan ako. Dahil namumuhi lang ako sa mga babae at hindi na 'yon mababago pa.
Magpasalamat na lang sila at may natitira pa akong kaunting konsensya kaya hindi ko sila hinayaang babuyin ng mga 'yon. Pero kapag naulit ang tagpong 'yon... tatalikuran ko na lang sila. Minsan ko na silang nailigtas... hanggang duon lang 'yon. Bahala na sila sa buhay nila.
Napatingin ako sa pinsan ko na nakangisi kaya kumunot ang noo ko. Napailing ako ng ulo at saka ko siya sinuntok sa kaniyang braso. May kalakasan para maramdaman niya ang inis ko.
"Tumigil ka Ashford. Kilala mo ako, wala akong pakialam sa kanila, at sa katawan nila." Inis kong sabi, kaya tawa siya ng tawa. Napapailing na lamang ako. Medyo nahihilo pa ako dahil sa alak, pero kaya ko ang katawan ko. Saglit kong ipinikit ang mga mata ko, at biglang nanumbalik sa isipan ko ang ginawang halik na 'yon ng babaeng 'yon. Iyon ang kauna-unahang nakatikim ako ng halik. Iminulat ko ang mga mata ko, humugot ako ng malalim na paghinga at saka ako tumingin sa dalawang kasama ko.
"Let's go, inaantok na ako at gusto ko ng magpahinga. Ligtas na sila diyan, kaya huwag na ninyo silang intindihin pa." Tumango lang ang pinsan ko at ang kaibigan ko, at naglakad na kami palabas ng bar. Ni hindi ko na nilingon pa ang mga VIP room kung nasaan ang babaeng 'yon, dahil wala naman talaga akong pakialam sa kanila. Pero aaminin ko, siya lang yata ang nakapag-painit ng katawan ko. Maraming babae ang sumubok na akitin ako... pero isa man sa kanila ay walang nagtagumpay at wala akong naramdaman. Akala ko nga ay sa sobrang galit ko sa mga babae ay naging manhid na ang buo kong katawan kaya hindi na ako naaapektuhan pa sa kanila. Pero kanina... naramdaman ko ang init na 'yon sa katawan ko. Naramdaman ko ang paninikip ng pantalon ko dahil sa nagagalit kong alaga, pero binalewala ko 'yon dahil hindi ko siya iniligtas sa lalaking 'yon, para ako naman ang magsamantala. Hindi ako ganuong klase ng tao. Kahit na lasing ako, mas nananaig ang katinuan ng utak ko, at ang galit ko sa mga babaeng katulad niya. Hindi ako dapat magpa-apekto sa babaeng 'yon, at sana ay iyon na ang huli naming pagkikita.