HDS 2

2049 Words
Nang mapadeliver ang lahat ng order ay naghintay na lamang si Czarist ng bayad sakanya ng mga customer. Kapag hindi na siya ulit busy ay maglalive siya at sisiguraduhin na niyang walang pasok kinabukasan. Para hindi na siya makaabsent pa. Sayang rin kasi ang kikitain niya sa pagbabantay ng coffee shop. Isa pa mabait ang mga kasamahan niya. Kaya nawiwili siyang pumasok araw-araw. Naging abala si Czarist sa pagbabantay ng Coffee & Souvenir Shop. Madalas kasing dayuhin ang Shop nila dahil sa mismong lupa ng may kanya ng shop nang gagaling ang coffee na binebenta nila mula pa sa iba't ibang bansa ang uri ng kapeng nakatanim sa lupain nila Sir Hanzo. Isang matandang farmers sakanilang lugar. Ang apo nitong si Yuki ang siyang bestfriend niya. Si Sir Hanzo ay ang magulang ng mama ni Yuki. Kung kaya't madalas din bumisita doon ang kaibigan para tumulong sa pagbabantay ng shop. Tatlo lamang silang nagbabantay roon. Kasama niya si Lucas at Loraine ang magkapatid na Zuckerford na kapitbahay niya. Kambal si Lucas at Loraine mas matanda ito sakanya ng 7 taon. "Cza, may stock pa ba tayo ng Real coffee?"tanong ni Loraine habang sinisipat ang mga nakalagay sa glass cabinet. Chineck naman ni Czarist ang inventory ng mga bagong deliver galing sa plantations. Ngumiti siya sa kasama at tumango. "Yeah, meron pa."aniya. Saka nagpunta sa storehouse. Para kumuha ng sampong pack. At inalagay ng ayos sa mga glass cabinet. Abala naman si Lucas sa pagbibigay ng mga order sa mga customer na dumadating para ipick up ang produktong binili. Bukod sa coffee & souvenir shop naging café din ito kung saan umoorder ang mga turista ng kape at doon umiinom sa mga table na available while using wifi. Maganda ang ambiance doon at may mga hanging plants rin sa labas. Tila isang Hardin ang itsura ng dekorasyon ng Cafè. Kaya marami talagang nawiwiling tumambay at magpicture roon para ipost sa social media. Malakas kasi ang dating ng coffee shop bukod sa mga painting na mamahalin ay marami pang puwedeng paglibangan doon gaya ng swing at mga babasahing nobela. May mga libro roon na libre lamang ipagamit sa mga customer. Natuto na rin sila sa iba't ibang lengguwahe dahil sa madalas nilang pakikipag usap sa mga customer. Kaya natuto si Czarist ng salitang tagalog at Chinese. Bukod pa sa ibang foreign language. Dahil sa mga nakakausap nilang customer. "Kǎ bù jī nuò duōshǎo qián?"Her customer asked while looking at the glass cabinet. Sinadya nilang wag lagyan ng presyo ang mga produkto para magtanong sakanila ang mga customer. Pero naisipan niyang mas ayos kung meron noon kung kaya't sinabi niya sa mga kasama na dapat na nilang lagyan. Nakaligtaan lamang nila dahil sa dami ng bumibili. "Tā zhǐyǒu 100 yuán."nakangiti niyang sagot sa babaeng customer. "Wǒ yāomǎi liǎng bāo. Xièxiè nǐ. Zhè shì fùkuǎn."anito saka inabot ang bayad. Kinuha ni Cza ang inorder na dalawang pack saka inilagay sa paper bag bago inabot sa customer. Nakangiti siyang nakipag usap rito. "200 yuán."She said. Inabot naman sakanya ng customer ang bayad. Tumango siya rito. Saka tinanggap ang bayad. Napakaganda ngumiti ni Czarist kaya madami ang nahuhumaling at nadadala sa ngiti niya. Magaan tuloy ang pasok ng suwerte sakanilang shop. Bukod sa kinagigiliwan siya ng kanilang mga customer. Marami pang umorder na foreigner sakanya. Habang si Lucas at Loraine ang nag aasikaso sa mga umoorder ng kape at doon natambay. Araw-araw silang busy doon. Yuki call her on messenger. And tell her about how happy she is outside the country. Nagkaroon kasi ito ng business trip sa Philippines at kinuwento nito lahat ng nasaksihan niya doon. Gaya ng kung gaano kaganda ang Tagaytay dahil kitang kita ang Bulkang Taal. At gaano kaganda sa Palawan. Nakucurious tuloy siya sa sinasabi nito. At nasagot ang kuryosidad niya ng makitang mag upload si Yuki ng mga videos at photos na nasa Palawan ito at Tagaytay. Napaka ganda nga doon at masasabi niyang kahit sino ay mag eenjoy sa pagsstay roon. How she wish na sana maranasan niya rin iyon. "Did you know? There's a lot of beautiful men there! Omo! Kayumanggi is better than white! Their muscles are natural! And of course they're kind and gentleman!"masayang sabi ng kaibigan. Napangiwi siya sa sobrang ingay nito. Hindi pa naman siya interesado sa lovelife kaya lalong di siya interesado sa gwapo. Mas iniisip niya ang future nila ng Lola niya since hindi sila mayaman. Maaga siyang namulat sa reyalidad ng buhay at hirap. Kaya hindi niya lubos maisip kiligin o magpantasya. Tila hindi siya allowed magkaroon ng interest roon hangga't hindi niya natutupad ang kanyang pangarap para sakanila ng Lola niya. Gusto niya talagang bumawi rito at iparanas ang maayos na pamumuhay. Para sakanya ang Lola niya ang pinaka mahalaga sa lahat. Sila na lamang dalawa kaya nais niyang hanggang sa mamatay ito ay dito lamang nakafocus ang kanyang atensyon. Kahit hindi pa siya magkanobyo o asawa. "C'mon! Napaka kj mo naman! Di kaba masaya sa kinukwento ko?! Sabi ko sayo e. Sumama ka sakin sa business trip! Sagot ko naman lahat ng gagastusin mo. Saka I told you! Open ang company namin dito sa syudad! Dito kana magtrabaho bakit nagtitiis kapa dyan sa shop ni Grandpa!"pangaral nito. Salubong ang maganda nitong kilay habang sinisikmatan siya. She pouted her lips saka inirapan ang kaibigan. Kahit kelan talaga hindi nito maintindihan ang kanilang sitwasyon. "Ilang beses ko din bang sasabihin na ayaw ni Grandma! Ang kulit mo talaga."pagtataray niya. Nauwi lang sa pagtatalo ang pag uusap nila. Kaya iniba niya ang topic. Ayaw niyang magkagalit sila ni Yuki kaya minamabuti niya laging ibahin ang topic pag nagkakainitan na sila. "Anong oras ka nga pupunta dito?"pagbabago niya ng topic. Saka ngumiti sa customer na lumapit para bumili ng Caramel Flavor ng Coffee. "250 USD."aniya saka nilagay sa paper bag pagtapos kunin ang bayad ay iniabot niya na ito sa bumibili. Nagpasalamat naman iyon sakanya bago tuluyang umalis. Sinipat niya ang oras ng mapansin na alas syete na ng gabi. Sobrang bilis ng oras kapag busy sila. Isang oras nalang tapos na ang working hours. Magsasara na ang shop nila pagsapit ng alas otso ng gabi. Hindi kasi sila open for 24 hours dahil may iba pang ginagawa ang kambal. Bukod doon ay gusto ng may ari na hindi sila masyado mapagod. "Mga 11 ng umaga. Day off ko bukas kaya ako pupunta. Pero syempre dadaan pa ko sa mall para bumili ng pasalubong. Sale ngayon e. Sa susunod na linggo nga pala kelangan mo pumunta dito sa syudad. Ako na bahalang magpasundo sayo kay Casper."aniya saka uminom ng juice. Yuki stayed at her condominium alone. Ayaw niyang tumira sa mansion nila dahil masyado siyang pinapabantayan ng magulang niya. She really hate it. She lost her freedom whenever her parents are there. Napakahigpit kasi ng mga iyon sa dalaga. Kulang nalang ay huwag na siyang pagalain o palabasin ng bahay. "Why? Alam mo bang araw araw akong abala?"aniya sa kuryosong tono. Sobrang dami niya pang aasikasuhin at walang papalit sakanya pag umalis siya. Nakakaawa naman ang dalawa kung maiiwanan ang mga ito sa shop. Napakarami pa naman nilang customer sa araw araw lalo na kapag umaga at hapon. "Excuse me! Napakadaya mo. Ako itong panay ang bisita sayo dyan tapos di mo man lang ako sasamahan sa Euro Oblivion Bar?"nakatirik ang matang sabi ng kaibigan. Napabuntong hininga siya dahil alam niyang hindi siya makakatanggi sa kaibigan niyang sobrang spoiled brat. Siguradong magta-tantrums nanaman ito pag hindi niya nasunod ang gusto. At hindi siya papansinin ng napakatagal na panahon kapag nagtampo. Kilalang kilala na niya si Yuki kaya alam niya ang ugali nito. "Ako nalang pala ang susundo sayo para hindi kana makaangal. Kainis ka talaga." dugtong pa ng kaibigan habang nakasimangot. Napahawak nalang siya sakanyang noo dahil sa inaasta nito. "alright."pagsuko niya. Saka sinabing ichat siya bukas pag papunta na ito sa bahay nila para makapaglinis siya at makapamili ng sangkap na gagamitin niya para magluto ng tanghalian. Syempre Japanese food dahil napakahilig ni Yuki sa Japanese food. "Sarapan mo ang luto ah. Namiss ko na ang luto mo e. Mas masarap pa sa niluluto sa mga Japanese cuisine."anito habang nakangisi. Napailing nalang si Czarist sa kalokohan ng kaibigan. Malakas kasi itong kumain pero hindi naman nataba. Petite pa rin ang katawan ng kaibigan. "Wag mo kong bolahin. Baka lagyan ko ng lason yung kakainin mo bukas."pananakot niya ng pabiro. Napangiwi naman si Yuki sa sinabi niya. Saka umiling iling. "Ang sama mo! anong klase kang kaibigan?"nakataas ang kilay na sabi nito sakanya. Nag irapan lang silang dalawa saka sabay na tumawa. Pinatay niya na ang tawag saka nagpatuloy sa kanyang ginagawa saktong may dumating ulit na customer. "Ceannóidh mé 10 bpacáiste de. Go raibh maith agat. Seo an íocaíocht."sabi nito habang tinuturo ang black coffee. Ngumiti si Cza saka inilagay sa paper bag ang 10 pack ng black coffee. Saka inabot sa customer. Kinuha naman niya ang binayad at sinuklian ito. 15mins before 4 ay nag ayos na sila ng shop para isara. Tumambay muna sila doon para magpahinga saglit. Ramdam na ramdam kasi nilang tatlo ang pagod. Kahit na coffee shop lamang iyon ay grabe na ang nararanasan nilang trabaho sa bawat araw. Ngayon lamang sila umuwi ng ganoon kaaga. "It's really tiring. But I enjoyed it."saad ni Lucas ng nakangiti. Sobrang gwapo ni Lucas dahil purong british ito. May matipunong katawan. Maputi, may magandang set ng ngipin. Maamong muka, makapal na kilay at matangos na ilong. May manipis na namumulang labi. At faded ang style ng buhok. Kaya halos kabaliwan ito ng mga babaeng customer na madalas nitong bolahin para bumili ng marami. Hinahayaan nalang nila ang kalokohan nito para marami ang bumili at maengganyong magpromote ng kanilang paninda. Kahawig niya ang kakambal niyang si Loraine. May mahabang itim na kulot na buhok. Same features mas matured lang si Lucas dahil lalaki ito. Napakaganda ni Loraine at may sexy itong pangangatawan. "Yeah. Kung di lang mahalaga satin si Sir Hanzo baka nagpunta na rin tayo sa syudad."ani Loraine sa kapatid. "Wala ba kayong balak magtrabaho doon? Marami namang mahahire si Sir Hanzo na pwedeng magtrabaho rito sa Shop."ani Czarist. Nginitian siya ng kambal. "soon. Kapag may pagkakataon. Sa ngayon ayos lang kami dito. Para may kasama ka."saad ni Loraine. Tumango si Cza at nginitian ang dalawa. Mabait talaga ang dalaga kaya naman nawiwiling magtrabaho si Cza doon. Hindi siya iniisnob ng mga kasamahan niya at marunong ang mga ito makisama. "Ikaw ba?"tanong ni Lucas. Lucas is older than her pero kahit sobrang ganda ni Czarist ay never itong nafall sa dalaga dahil para sakanya Love is a game. At kaibigan lang talaga ang turingan nila. Ganoon din si Cza sakanya. "Well, depende sa sitwasyon. Kapag pwede na at naisipan ni Lola na sa syudad ns lamang kami tumira baka pa makapunta ako doon para dun na magtrabaho. Sa ngayon ay malabo pa iyon." nakangiti nitong sabi. Tumango lamang si Lucas sa sagot niya. Kalaunan ay nagpaalam na ang dalawa na uuwi na sila. Nanatili naman doon si Cza dahil wala pa naman siyang gagawin sakanila. Maboboring lamang siya roon. Kaya naisipan niya nalang maglakad lakad muna. Bago umuwi. Nakarating siya sa may Park at naupo siya sa swing na nakapuwesto sa ilalim ng puno. Pinagmasdan niya ang mga tao sa paligid. Maraming tao ngayon sa park. Karamihan ay buong pamilya at magkasintahan. Marami ring bata at kabataan na nag aaral doon. May mga nagvivideo pa para siguro sakanilang mga project. Cza smiles at the scene. Saka niya inilabas ang kanyang cellphone para picturan ang mga ito. Inupload niya iyon sa social media. Nagcomment naman sakanyang post ang kaibigan niyang si Yuki. "Enjoying the scene eh? anong ginagawa mo dyan?" tanong nito sa comment. She just like the comment saka sinabing "nagpapahangin lang. I was bored." aniya at hindi na nireplyan pa ulit ang comment ng kaibigan. Bumili lamang siya ng maiinom at makakain sa stall roon. She felt hungry kaya binusog niya ang sarili sa meryenda. Bago nagdesisyong umuwi. Maghahanda pa siya ng kanyang dadalhin sa Syudad dahil siguradong dadalhin siya ng kaibigan sa Night Bar. She sighed at that thought. Wala naman siyang problema doon pero hindi niya talaga nakahiligan ang ganoon. Ayaw lang niyang biguin ang kaibigan dahil mabait ito sakanya. Hindi rin naman siya nito pinababayaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD